Chapter Six
Friend
"Buang talaga ang isang 'yon," matagal bago ako nakapag react sa sinabi niya.
Why would Zack think that he'll invite me? Sa tingin niya ba ganoon kami ka-close dalawa? We're not even friends... I think. We didn't talk about that part of our life. Ewan ko, ayaw ko namang mag assume na magkaibigan kaming dalawa pero para sa kaniya pala ay hindi. Or maybe I just don't want us to be friends... I want something more than that.
What? More?! Oo, pwede namang best friend! Ayaw ko ng friends lang kami! I want us to be best friends! Kung papalarin ay pwede ring bff! Oo, ganoon lang ang iniisip ko. But I immediately feel bad for Monica because I'm thinking about these without her.
I'm sorry Monica, best friend pa rin naman kita.
"Kung wala kayong pinuntahan sa araw na iyon baka nga sinama kita..." he uttered. Sa gulat ko ay nilingon ko siya. He remained staring deeply at the ocean, not minding my stares.
"I-isasama mo ako?" nauutal kong tanong.
Tumango siya at dahan dahan akong nilingon. Nagkatinginan ulit kami. Isasama niya ako? Sa isla? Anong gagawin namin doon at bakit niya ako isasama?! I'm in a yacht that day, I'm with my family. Oh gosh, now I feel bad again for regretting that we celebrate that day in a middle of the ocean.
Habang tumatagal, ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Al ay nawawala. Ang misteryoso niyang mga mata ay nananatiling ganoon pero taliwas iyon sa lumalabas sa bibig niya. He's too straight-forward. Kung hindi ko man mabasa ang gustong iparating ng mata niya, ramdam na ramdam ko naman ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. I don't know if that's a good idea, after all, he will remain mysterious and unreadable.
"Let's go. It's getting dark." Anito pagkatapos ng tawanan naming dalawa dahil sa pinag uusapan.
Siya ang nagbitbit ng mga gamit ko papunta sa sasakyan niya kahit kaya ko naman iyon. He insisted that he can do it so why not do it. Magulo siya kausap minsan! Sobra sigurong talino ng isang 'to. Parang kapag nagsabi na siya ng opinyon niya sa kahit maliit lang na bagay ay wala ka nang magagawa kundi sumunod at sumangayon.
Saktong alas sais ng maihatid niya ako sa harap ng hotel. Nakabukas ang lahat ng ilaw sa loob kaya nasisiguro kong may tao roon.
"Salamat sa pagsama sa akin kanina at sa paghatid," nakangiti ko siyang nilingon.
"Walang anuman. Sa susunod, kung gusto mo ulit pumunta roon sabihan mo lang ako. Sasamahan kita."
Mas lalong lumaki ang ngiti ko. "Nakakahiya, kahit 'wag na,"
"It's okay. I'll be glad if you asked me to be with you."
Gaya ng sinabi ko kanina ay masiyado siyang maraming alam. Hindi ko alam pero sa simpleng ganoon lang na sinabi niya ay parang naisip ko na ring maganda ngang magpasama sa kaniya. Onti onti ay tumango ako.
YOU ARE READING
Heart of Thirst
RomanceSerendipitous Series #3 [ON-HOLD] Stella didn't expect to be saved by a stranger named Aldrius that night, when she finally see what's beneath the deep sea. First time in her life she became interested in someone, but she's afraid of commitment. Bec...