Chapter Eleven
Risk
"Hoy ano? Aral ka nalang every day? Walang pahinga?"
Nakatulog na ako kanina rito sa sala ng condo ng bigla akong magising dahil sa ingay ni Monica at Zara. Madrama kong tinapunan ng tingin ang mga readings kong nagkalat sa paligid.
"Alam mo since you came back from Palawan, all you did is study!" Zara ranted. "Gets ko namang graduating ka Stella, pero look at you!" She surveyed me like she's disgusted. "You looked like you barely sleep or worst eat!"
Monica sighed and started to clean. "Hindi mo pa ba 'to tapos?" kunot noong binasa ni Stella ang isang libro na napulot sa sahig. She tried to read it but just 30 seconds passed by, she shook her head. Tinawanan ko siya. "You're reading this for one week already! Jusko, isang sentence pa lang nababasa ko nahihilo na ako!" Binaba niya ulit iyon at nilapag sa table sa maayos na paraan.
They helped me clean everything. Dito raw sila mag di-dinner ngayon dahil wala si Athena. She's probably with Ulysses or Kenji.
"Don't tell me, hindi ka rin magpapakain sa birthday mo!" Si Zara na naman. "Hay Stella, kung alam ko lang lahat niyang inaaral mo edi sana natulungan na kita."
"Wala ba kayong deadlines?"
"Meron, tapos ko na lahat." Si Monica ang unang sumagot.
Zara looked devastated when I glanced at her. "Well, I still have some unfinished works pero next week pa ang deadlines kaya meron pa akong oras mag saya ngayon."
Isang buwan na ang lumipas simula nang bumalik kami rito sa Manila. Zara's right. It's already February and all I did ever since was study. I have no other choice. Busy sa school at pagdating dito sa condo ay ganoon din. Athena barely go home. Si Ulysses ang palagi niyang kasama dahil nagpapatulong siya rito. And of course, for another reasons.
"Kaonti nalang iisipin ko nang nag kukulong ka rito sa condo para hindi mo makita iyong prince charming mo na taga Palawan!" Sigaw ni Monica. I only closed my eyes and rested my head on the sofa. Si Zara ay tumabi na sa akin at umupo na rin sa sahig.
"'Yan ba yung Al? Ano bang itsura? Gwapo?" tanong ni Zara.
Bumaling ako sa kaniya nang nakapikit pa rin ang mata. "He's Marvin's friend. You don't know him?"
"Marvin? Hindi ko naman ka-close ang isang iyon! I know nothing about his social life. Siguro si Faith or Sabrina know that Al you're talking about but not me."
"And he's a med student," Monica said. "Wala ka namang pake sa mga med student dahil hindi mo gusto ang mga iyon kaya hindi mo talaga kilala,"
Tumawa ako. "Bakit ba ayaw mo ng mag do-doctor?"
"Sus! Busy yang mga 'yan. Palaging walang time. Baka kapag inaya kong pumunta sa club ay hindi ako masamahan dahil 'may duty!" She ranted. "I mean, of course I understand. And I appreciate those who are striving hard to be a professional but it's not just really my type. 'Mas gusto ko iyong nakakasundo ko at pareho kami ng gusto sa buhay."
Pinandilatan siya ni Monica. Natawa ako dahil iyon kaagad ang nakita ko nang buksan ko nag mata ko.
"Hindi ko talaga maintindihan ang takbo niyang utak mo. Kung ganoon pala ang gusto mo bakit hindi mo pa j-in-owa si JD?"
Zara rolled her eyes. "Don't you know platonic love? I like him but not romantically! Ilang beses na namin napag usapan iyan at naiintindihan naman niya 'yun!"
YOU ARE READING
Heart of Thirst
RomanceSerendipitous Series #3 [ON-HOLD] Stella didn't expect to be saved by a stranger named Aldrius that night, when she finally see what's beneath the deep sea. First time in her life she became interested in someone, but she's afraid of commitment. Bec...