07

28 7 0
                                    

Chapter Seven

Call


"You race?" tanong ni Charlotte


Abala ako sa paglagay ng sunblock habang nakikinig sa pinag uusapan nila.


"Yes, a hobby ever since." Nakangising sagot ni Lawrence.


"Diba lahat kayo? Nasaan nga pala si Trev? Himala hindi niyo kasama?" nilingon ko si Belle nang siya naman ang magtanong.


"He's busy as always," tipid na nagsalita iyong Clyde.


Hindi ko naman alam kung anong pinag uusapan nila kaya hindi rin ako makasabay. It looks like Belle knew them for a long time already. Nalaman ko ring hindi namin sila kasing edad at apat na taon ata ang tanda sa amin? I'm not sure.


Hindi na ako magtataka dahil marami naman talagang kakilala si Belle. Minsan nagiging kaibigan ko rin ang iba pero madalas ay hindi ko kasundo. Most of her friends are from showbiz but there are some from business industry. Reason why she's close to Zara.


Sa aming anim na nandoon, ako ata ang pinaka maliit. Hindi naman nagkakalayo ang height namin ni Cha pero mas maliit ako sa kaniya. Belle is tall as well as the boys. If ever they want to swim later, baka hindi na ako sumama.


Nag latag sila ng tela at nilapag na ang mga dala naming pagkain. Mula rito ay tanaw pa ang malawak na dalampasigan sa gilid. Walang tao at kami lang ang nandoon. Kung magtatawanan kami rito ng sabay sabay ay baka marinig kami hanggang sa dulo kung saan meron nang mga kabahayan.


Ang una nilang ginawa ay nag kwentuhan. Since the foods are catching my attention, I just make myself busy from eating. Marami silang dala. Iba't ibang klase ata ito ng pagkain at hindi ko alam kung saan pa nila kinuha.


Nakikisabay ako sa tawanan nila at paminsan minsan nagbibigay din ng opinyon lalo na kung tungkol sa problema ng bansa ang pinag uusapan. They found out that I'm studying law so they focus their attention on me when our topic diverted to something sensitive about the country.


"May plano kang tumakbo sa politika?" tanong ni Lawrence.


I shook my head. I never think of that and never want to be part of it.


"Wala. Ayaw ko. Hindi para sa akin iyon."


Tumawa si Belle at nagbukas na rin ako ng panibagong topic para mawala sa akin ang mga mata nila. Nang magkaayaan silang maligo ay umiling kaagad ako.


"Kayo nalang. Dito na muna ako."


Sinimangutan ako ng pinsan. "Bago kita niyayang sumama sa akin kanina ay sinabi mong pupunta ka rin sa dagat!"


"Kaya nga, pero hindi ko naman sinabing lalangoy ako!"


Nilingon kami ni Cha. "Ayaw sumama niyan dahil hindi siya marunong mag swimming!"


"Really? I can teach you!" Napabaling kami ng biglang magsalita si Lawrence. Nakatingin na pala silang tatlo sa amin ngayon. "Madali lang. Natuto nga akong lumangoy ng isang araw lang." Nakangiting aniya.

Heart of ThirstWhere stories live. Discover now