Chapter Five
Invite
"Thanks, bawi ako pagbalik sa Manila." Nakangiti kong binalingan si Zack nang nasa tapat na kami ng hotel.
"Just pass the last sem Stella, that's enough." Nakangiti rin siyang lumingon.
Tumawa ako. "Wala ka bang tiwala sa akin?" nilingon ko si Aldrius sa tabi niya na nakalingon na rin sa akin ngayon. Tipid akong ngumiti. "Salamat. Mauna na ako baka aalis na kami. Merry Christmas!"
Umalis na ako ng sasakyan pagkatapos marinig ang pagpapaalam nilang dalawa. Nag tagal pa saglit ang titig ko kay Aldrius dahil ganoon din siya sa akin. Nang hindi siya nag iwas ng tingin ay ako na ang gumawa noon.
Of course, I still can't stand his stares!
Wala ako sa sarili nang pumasok sa loob. Nakahanda na ang mga pinsan ko ako nalang talaga ang inaantay. Hindi naman kami late umuwi nila Zack, tama lang para makahanda na rin ako bago kami umalis at puntahan ang mga magulang.
Pagdating namin sa nireserve nilang secluded place para sa amin lang magkakapamilya ay naging abala na ako. This is not the first time we had a family gathering, but I must say this is so far the longest vacation my family planned. Hindi kasi halos umaabot ng limang araw kapag nag babakasyon kami. I understand though because we have businesses and I never complained.
Masaya naming c-in-elebrate ang pasko. Marami rin akong natanggap na regalo dahil nang mag hating gabi ay mas dumadami ang bisitang dumalo. Some family friends are residents here in Palawan. Sila Belle lang ang kasama ko buong gabi. Nang magkaroon ako ng pagkakataon na lumabas ay saka ko palang nabati ang mga kaibigan ko.
Monica immediately called.
"Merry Christmas,"
"Merry Christmas beh!" Bati niya. "Kailan ang uwi niyo? Zara will throw a party next week. Makakapunta ka?"
"I'm not sure. Baka nga umuwi na rin kami after new year."
"Nakapag gala na kayo ni Zack? Sabi niya sa akin nag aral daw kayo?" natatawa niyang tanong. "Really? You go there to study, Stella?"
Suminghal ako. "Kailangan kong mag aral kung gusto kong grumaduate."
"Sabagay! Si Athena rin eh puro aral. Kami lang ata ni Zara ang walang pinagkakaabalahan. Buti pa kayo makaka graduate na. Bakit kasi limang taon ang Architecture?!"
Natatawa akong umiling. "Bente ka na tapos iyan pa rin ang pinoproblema mo?"
Sa aming apat na babae ay si Monica ang pinaka matanda. Sumunod si Zara na apat na buwan lang naman ang binata sa kaniya. Kaming dalawa ni Athena ang magkaparehas ng taon. I am also months older than her but we are all batchmates in high school.
Athena was accelerated habang maaga naman akong nag aral kaya nagkasabay sabay kaming apat. While Ulysses, Zack and Kenji all have the same age and older than us.
YOU ARE READING
Heart of Thirst
RomanceSerendipitous Series #3 [ON-HOLD] Stella didn't expect to be saved by a stranger named Aldrius that night, when she finally see what's beneath the deep sea. First time in her life she became interested in someone, but she's afraid of commitment. Bec...