12

32 7 0
                                    

Chapter Twelve

Compliment


"Dapat ang mga magiging anak natin god and goddess yung name," wika ni Monica. "Para naman may pagkapare-pareho tayong pito!"


Ulysses shrugged. "Seryoso ka ba diyan sa suggestion mo Monica?"


Tumawa ako. "Kawawa ka naman. Buong buhay mo puro greek gods and goddesses nasa paligid mo,"


Zara laughed too. "But I love Monica's idea. Sige, gusto ko 'yan!"


"Diba? Pumili kayo nung mga unique at hindi masiyadong kilala para kakaiba tayo!" Monica clapped in excitement.


"Naiisip mo 'yan kasi ikaw una mag kakaanak sa atin," ani Uly.


"Ay hindi mo sure! Sa sobrang landi mo, feeling ko ikaw,"


Tumawa si Zack at nakisali na rin. "Sure kayo wala pang anak ang isang 'to?" tanong niya habang nakaturo kay Ulysses. Naibuga nito ang iniinom na tubig sa harapan dahil sa narinig.


"Ulysses!" Athena shouted. "Ang baboy mo talaga kahit kailan!"


It's almost twelve. Tapos na kaming mag dinner at nag aantay nalang sa oras. They are having a lot of topics and mostly everything is about our future self. Kaya ngayon, ang pangalan daw ng mga magiging anak namin ang pinag uusapan.


"Wala nga akong girlfriend tapos ako pa unang mag kakaanak? Ayun si Kenji oh, tahimik lang 'yan sa gilid pero may tinatago na 'yan," Ulysses said.


"Shut up," masungit na sabi ni Kenji na kinatawa naman ni Uly.


Liquor drinks na ang naka serve ngayon sa table namin. Mabuti nalang ay nasa private part kami ng restaurant kung saan wala masiyadong tao. Kaya kahit anong ingay namin ay wala kaming maabala.


"Paano kapag twins?" maya maya'y tanong ni Athena.


"Use Apollo and Artemis as their names then. If boy and girl ang twins mo. Why? Are you planning to have a twins?" si Zara.


Pinaglalaruan ko lang ang baso sa daliri ko habang pinapakinggan sila. I'm also holding my phone because I answer calls from time to time.


"I want a girl. Tapos Zallirah ipapangalan ko,"


"Zallirah? Where did you get that name?" Zack asked.


"I heard it somewhere in States. Tapos nagustuhan ko nalang siya eventually,"


That night ended with them greeting me a happy birthday. Nag countdown pa sila para salubungin ang alas dose. Dumating ang van nila Ulysses nang matapos at iyon ang nag hatid sa amin pauwi.


Sa sasakyan, panay ang lingon sa akin ni Zack pagkatapos ay sa cell phone niya. He will smirk then laughed like an idiot. May pinakita siya kay Ulysses at sabay din silang natawa bago ako nilingon ulit. Nang sumali si Kenji sa tinitignan nila ay nagtanong na ako.

Heart of ThirstWhere stories live. Discover now