Ice's POV:
Kilala ba ni Blake si Sean? Bakit parang naguusap sila ng masinsinan? Bakit may tensyon sa kanilang paguusap? Bakit sila naguusap? Bakit? Andami kong tanong pero wala namang sagot. Hindi ko nalang pinansin iyun at pumunta sa boutique ng Tita Megan ko. The Sister of my Mom."Hey tita." i walk towards her and then smiled. Ngumiti naman siya sa akin. Ang ganda talaga ni Tita kahit kailan. Kahit 35 na siya at may tatlong anak na lalaki, nagmumukha pa din siyang dalaga.
"Oh! Bakit andito ka? May kailangan ka?" she said then umupo kami sa may sofa ng boutique niya.
"Oo tita. I just want to see some dress. Gagamitin ko sa Mr. and Ms. Espinosa High ngayong 26." sabi ko sa kanya. Mukha siyang nashock sa sinabi ko. Ganun na ba talaga ako kaganda para hindi na pwedeng sumali sa pageant?
"Wow. T-totoo? Ang laki ng pinagbago mo Ice ah. From being cold nabalik yung dating Ice. Sino naman inspiration mo dun?" i just blushed at that thought. Si Blake nga ba ang dahilan ng pagbabagong ito? Tsk. Umiling nalang ako sa pinag-iisip ko.
"W-wala po." sabi ko at ngumiti naman si Tita Megan. Yung ngiting nangaasar at hindi naniniwala. Ganun. Hahaha.
"Sige. Ano pala ang mga dress na gusto mong kunin?" She asked. Libre naman ito eh, kaya lubos-lubosin na. Huehuee.
Before ako makasagot, tumawag naman sa akin si Blake."Oh?" sagot ko sa kanya.
[Asan ka?] tanong niya sa akin.
"Nasa bahay." pagsisunungalin ko.
[Wag kang magsinungalin. Alam kong nasa MH Boutique ka.] sabi niya sa akin. Napalaglag nalang ang panga ko sa sinabi niya.
"Alam mo pala eh, bakit ka nagtatanong?!" sabi ko sa kanya ng pagalit. Ginagago ata ako nito eh.
[Naninigurado lang.] sabi niya. In-end ko na ang call at nakita ko naman siya na pumasok sa boutique ni Tita Megan.
"May kasama ka pala Ice. Gwapo ah. Boypren mo?" pang-aasar ni Tita Megan. Seriously?! *face palm*
"Hi----" bago pa ako makasagot, inunahan na ako ni Blake.
"Blake Matthew Fuentabella. Blew for short. Nice to meet you po. At oo, boyfriend po ako ni Ice." Omg. AS IN!!! OMG TALAGA!! Did he just said 'BOYFRIEND' ko siya?!
"Ohh.. Kaya pala! Just call me Tita Megan." sabi ni Tita at nag wink. Pumasok naman kami sa kanyang exclusive dressing room at tumingin sa mga dress na design niya. Ang ganda. I thought. Wala na akong masabi.
"Anong dress ang kailangan niyo?" sabi ni Tita Megan.
"Pang God's and Godessess, Long gown and tuxedo po." Sabi ko kay Tita Megan. Tumango naman siya at pumasok ulit sa isang room. Tumingin ako kay Blake, tumitingin naman siya sa mga wedding gown na nakasabit.
"Bakit ka tumitingin sa mga wedding gown? Wag mong sabihing tumagilid gender mo?" natatawang tanong ko sa kanya. Tumawa lang siya at umiling.
"Nalilito na nga ako eh." AYUUN! So, CONFIRMED READERS! BAKLA SI BLAKE. SORRY NALANG KAYO. Bwahahahaha!
"Wow! So bakla ka talaga!" sabi ko sa kanya at tumawa ng malakas. Hahahahaha!
"Hindi. Nalilito ako kasi....." Tumigil siya sa pagsasalita at kasabay ng pagtigil sa isang gown na maganda. "... Hindi ko alam kung ano ang ipapasuot ko sayo, sa araw ng kasal natin..." he winked at me then napanganga ako sa sinabi niya. "... Lahat kasi, bagay sayo. Pero, mas bagay tayong dalawa." Nag wink naman ulit siya at nakita ko si Tita Megan na kinikilig.
BINABASA MO ANG
Si Ms. Ice
RandomMs. Ice. That's what they call me. Im cold as ice eh. Hindi ako nakikipagusap nang basta-basta. Kahit na family, bestfriends at tropa ko. I treat them coldly. Simula nong umalis siya sa buhay ko, i never smile or laugh. Palagi akong EXPRESIONLESS. W...