Chapter Seventeen

39 2 1
                                    

Ice's POV:
Hindi ako nakatulog sa kaiisip sa ginawang confession ni Blake kagabi. Mahal ako ni Blake? How sure is he? Baka, infatuation lang? Ha. Oo! Infatuation lang! Pero, hinalikan niya ako eh! Parang nafeel ko talaga na mahal niya ako. And i dont know what happened to myself. I responded to his kiss without even knowing why. Urrgh. Pero i wont break my promise to myself. HINDI NA TALAGA AKO MAGMAMAHAL, PEKSMAN.

"Baby? Ready for the Mr. and Ms. Espinosa high?" Tanong ni Kuya Roi sa akin.

"Yeah." Sagot ko. Back to Ice mode ako ngayon dahil wala ako sa mood at wala akong tulog.

"Baby? Ba't mukha kang zombie?" tanong ni Kuya Nico at nilagyan ng kanin ang plato ko.

"Hindi ako nakatulog." maikling sabi ko. Kumuha na ako ng sunny side up, hotdog at ham. Nagsimula na din akong kumain at binigyan ako ni Manang ng gatas.

"Sa kakaisip sa nangyari kagabi?" sabi ni Kuya Rex at ngumiti. Ngiting nang-aasar. So, ibig sabihin.... NAKITA NIYA?!?! >o< NAKU PO! >*<

"Wala akong alam sa sinasabi mo." sabi ko at nagmadaling kumain. Kailangan kong magmadali dahil kung hindi, aasarin nila ako. Sabi ng isip ko at ginawa ko naman.

"Wala? Nakita ko nga kayo ni Blake kagabi na naghahalikan. Kayo kasi eh, ang ingay niyo. Nakarinig ako ng kalampag sa gate kaya nagising ako. Then nakita ko kayo na nagkiss." Sabi ni Kuya Rex at nag act pa na parang nangdidiri. Walang hiya talaga ito! Sarap itapon!

"WAAAAAAAAAAAH?! TOTOO BABY?!?! WALA KANANG FIRST KISS!!!!!" Paghy-hyperventilate ni Kuya Andrei. Kung alam mo lang kuya. Kung alam mo lang.

"YOOOOOWN!! 3 POINTS AGAD SI BAYAAAW!! HAHAHAHAHA!" Natatawang sabi ni Kuya Roi at tumawa naman sila.

"BABY!! DALAGA KANA TALAGA!! BAKA MAY PAMANGKIN NA AKO SA SUSUNOD HA!!" Sigaw ni Kuya Nico at mas lalo pa silang natawa. Nakakainis sila!! Hindi ba sila pwedeng manahimik? T^T Lord, gusto ko pong maging invisible kahit ngayon lang. Ngayon lang po. Amen.

"Hindi ako yun." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Nakakainis kasi eh! Kinakalimutan ko na nga, pinapaalala pa. Ang galing lang nuh?

"Kung hindi ikaw yun, bakit may babaeng pumasok? Imposible namang si Manang dahil tulog na kaming lahat kagabi." Sabi ni Kuya Rex. Gusto talaga nilang aminin ko ang totoo! Pero, NO WAY! BAHALA SILA! DI AKO AAMIN! Period!

"Urgh." Yan lang ang nasabi ko at tumawa sila. Umiiling-iling naman si Kuya Rex at lumabas na sila.

"Baby! Dalian mo! Sabay ka na sa amin!" Sigaw ni Kuya Roi. Pumunta pa kasi ako sa kwarto at kinuha yung bag ko.

"Wag na. Yung sasakyan ko ang gagamitin ko." Sabi ko. Di ko talaga maintindihan ang trip nila. Hindi naman sa nagyayabang ako. Pero, lahat kami ay may sasakyan. Tig-iisa kaming lahat, sabi kasi ni Dad na mas maganda daw yung may sarili kaming sasakyan para hindi kaming mahirapan magpahatid o sundo. Minsan naman, nagpapasundo ako pag tinatamad mag drive. Oh dba? Astig lang. Hehe.

"Naaaamaaan oh! Sabay kana sa amin! Magtipid tayo ng gas dahil nalulugi na kompanya natin!" sabi ni Kuya Roi. Haaah. Kompanya namin? Malulugi? Nagpapatawa ba si kuya? Ang sipag ni Mommy at Daddy, malulugi pa kami?

"Sige na nga. Hintayin niyo ako." Sabi ko sa kanila at pumunta na sa taas. Kinuha ko na yung mga gamit na kailangan dalhin.

Extra tshirt? Check
Pantalon? Check
Cellphone? Check
Wallet? Check
Ipod? Check
Earphones? Check

Pagkatapos kong magcheck sa lahat ng gamit, bumaba na ako at nagpaalam kay Manang. Dun ako sumakay sa passengers seat dahil lahat ng mga kuya ko ay nasa likod. Si Kuya Rex ang nagdrive papuntang school. Ang tahimik ng byahe namin, alam niyo kung bakit? Lahat kasi kami nakaearphones. Pati na rin si Kuya Rex. Ganyan kami magkakapatid. Palakasan ng earphones.

Si Ms. IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon