Ice's POV:
Nabuhay ata lahat ng cells ko nung nakita ko ang mukha ni Blake na malapit sa akin. Nandito ako sa C.R ngayon, naliligo at alam kong hinihintay na ako nila sa baba. Dapat lang akong hinihintay, dyosa ako eh. Haha."ICEE!! KANINA PA YUNG BARKO! HALIKA NA!!" Sabi ni Yssa. Nasa kabila kasi yung place na maghi-hike kami. Nagsuot na ako ng kinakailangang damit.
"Woah. Curves baby, curves." Sabi ni Blake. Inirapan ko siya at binatukan.
"Alis na tayo." Sabi nila at sumakay na kami sa barko. Wala kaming imikan dahil namangha talaga kami sa kagandahan dito.
"Ang ganda noh? Parang ikaw." Banat ni Blake sa akin. Tinusok-tusok naman ako sa tagiliran nina Cass at Yssa. Buong byahe akong kinukulit ni Blake. Napansin ko na ang napakalaki ng bag na dala niya. Wag mong sabihin mag ca-camping siya doon?
"May tanong ako Blake, bakit ang laki nang bag mo? Magca-camping ka doon?" Sabi ko sa kanya. At ngumiti lang siya sa akin.
"Magca-camping, TAYO." Sabi niya at nagsmirk. Waaaahh!!! ><
"P-pero..." Di ko na natuloy ang sinabi ko kasi sinamaan niya ako ng tingin. TAKOT AKO SA DILIM! Kaya hindi pa ako nakakaranas magcamping. Huhuhu T.T
Pagdating namin dun, nagpahinga na kami saglit at naghiking. Marami-rami din ang mga nagbabakasyon at nakihike na rin kami. Hindi na sumama si Kuya Nico dahil may 'fear of heights' siya. Hahaha. Kawawang Nico. Nang makarating na kami, nandun na si Nico, which is hindi ko alam kung bakit.
"Woah. Bakit ka nandito?" Sabi ko. Amazing ha? Nauna pa siya kesa sa amin.
"Sources." Sabi lang niya. Nagtataka ako sa sinabi niya pero hindi na ako nagtanong pa.
12:00 na ng hapon at gutom na ako, sabi nila kailangan naming maghanap ng makakain sa gubat. Wow ha. Ano naman ang mga pagkain sa gubat? Pero, exciting toh!!"Hindi na kami sasama. Magbabantay nalang kami rito." Sabi ni Yssa at Cass. Hindi na ako sumama dahil mas pinili kong mag stay rito para magchikka dito sa mga babaeng toh.
"Spill." Sabi nilang dalawa. Alam ko kung ano ang tinutukoy nila kaya nagkwento ako sa nangyari kagabi.
"Yaaahh!!! Mahal mo na si Blake?!?!?! *u*" Sabi ni Yssa. Tinakpan ko naman ang bibig niya. Masyado siyang maingay!
"Wag kang maingay!" Singhal ko at tumahimik naman siya.
"So Ice, ready ka nang magmahal at the same time masaktan ulit?" Sabi ni Cass. Ready na nga ba ako? Well, hindi ko alam ang sagot dyan.
"Maybe?" Patanong kong sagot. Nagnod lang sila. I really need an advice.
"Take a risk." Sabi lang ni Yssa. Nagets ko naman agad ang sinabi niya. Risk? Natatakot ako.
"But..." Pinutol ni Cass ang pagsasalita ko.
"Its worth the risk." Sabi ulit ni Yssa. So, kailangan ko talagang magtake ng risk.
"Mahal mo na ba si Blake?" Ulit na tanong ni Yssa. Unli ba siya? Palagi kasing tinatanong yan eh!
"Infatuation lang ata." Sabi ko at humiga sa blanket na nilagay nila kanina.
"Ata?" Urgh. Bakit ba kasi palagi akong talo sa dalawang toh?
"Okay okay fine! I like him! I like him but i do not love him! Okay na?" Tumayo ako mula sa pagkakahiga at ngumiti naman sila ng malapad. Bigla naman nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Yssa.
"What's wrong?" Sabi ko. Umiling lang si Yssa. Hindi ko nalang siya kinulit, mukhang hindi pa niya kaya sabihin.
"Anyway, paano kung liligawan ka ni Blake?" Sabi ni Cass. Ano nga ba isasagot ko? Yes? No? Maybe?
BINABASA MO ANG
Si Ms. Ice
RandomMs. Ice. That's what they call me. Im cold as ice eh. Hindi ako nakikipagusap nang basta-basta. Kahit na family, bestfriends at tropa ko. I treat them coldly. Simula nong umalis siya sa buhay ko, i never smile or laugh. Palagi akong EXPRESIONLESS. W...