Ice's POV:
Iniiwasan ko si Blake buong umaga. Napansin ata nila yun pero hindi na sila nagtanong. Bumababa lang ako para kumain at babalik naman sa kwarto ko at dun magmumukmok."Ano bang pwedeng gawin?" Sabi ko sa sarili ko. Nabobored na talaga ako dito, pero dahil mataas talaga ang pride ko, pinili kong hindi bumaba at manatili sa kwarto ko. Naisipan ko na kunin yung libro na 'The Fault in Our Stars' binasa ko yun pero hindi ko rin naintindihan dahil iba ang iniisip ko.
Haays. Mahal ko na ba talaga si Blake? Andami kong tanong sa isipan ko pero ni-isa, wala akong makuha na sagot. Hindi ko alam ang gagawin para makuha ang sagot. I guess.... Kailangan kong makausap ang dalawang tao na alam kong makakatulong makuha ang sagot.
"Ice?" Sabi ng dalawang taong alam kong makakatulong sa akin.
"Pasok." Pumasok naman sila at nakita ko ang concern sa kanilang mga mata.
"Cass, Yssa...." Speaking of the angels na hinulog sa langit kaya naging devil, joke.
"Hindi na ako magtatanong kung okay ka lang dahil alam kong hindi, ano bang problema mo bespren?" Diretsong tanong sa akin ni Yssa. Alam na alam talaga nila kung may problema ako or wala.
"Ano bang nangyari sa inyo ni Blake? Bakit nag-iiwasan kayo? Oh wait, let me rephrase that. Bakit mo siya iniiwasan?" Sabi ni Cass. Tears were starting to roll down my eyes. Niyakap nila ako. Then boom, umiyak na talaga ako. Only them can see my weakest side.
"Hindi ko alam..." Yun lang ang sinabi ko sa kanila at umiyak lang ng umiyak. Ilang oras din akong umiyak, kaya nakatulog ako. Nagising ako mga bandang 4:30 na, nandito pa rin sina Yssa at Cass. Umupo naman ako sa bed. Binigyan naman nila ako ng pagkain na dala nila. Kinain ko na yun. At ngumiti lang sila sa akin.
"Teka, hindi ba sila nagtaka kung bakit kayo nawala?" Tanong ko sa kanila. Kasi naman, nandito sila ng ilang oras, baka hinahanap sila ng lahat.
"Galing sila dito eh." Sabi ni Yssa, nabulunan naman ako sa sinabi niya. You mean?!?!?!
"Kasama si B-blake?" Tanong ko sa kanila. Sana hindi naman. Ayokong makita niya ako na umiiyak.
"Hindi, siya kasi nagprepare niyan eh." Chill na sabi ni Cass. SPELL W-T-F!!! Nakita naman nila ang reaksyon ko kaya tumawa sila.
"Seryoso?" sabi ko sa kanila. Pareho naman silang tumango. Infairness ah, masarap pala magluto to. Pagkatapos kong kumain, nagusap na kami agad.
"Ano bang problema mo Ice?" Sabi ni Cass agad. Iiyak na sana ako ng pigilan ako ni Yssa.
"Ano ba Ice?!?! Walang katapusang iyak?! Ano?! Pagkatapos mong umiyak, matutulog ka na naman?!?! Alam mo naman na nakakapagod maghintay Ice no?!?! Alam mo yun?! Nakakapagod maghintay!!" OA na sagot ni Yssa. Nagiinarte na naman tong babaeng toh.
"hashtag whogoat lvl 9999" sabi namin pareho ni Cass kaya tumawa kaming tatlo. May pinagdadaanan yata tong babaeng toh.
"Langya kayo! Mga bruha!!" Sabi ni Yssa. Tumawa naman kami ulit.
"Atleast maganda." Sabi ni Cass kaya sumimangot naman si Yssa.
"Seryoso na kasi!!" Singhal ni Yssa sa amin kaya sumeryoso na kami.
"Alam niyo ba....." Pagsisimula ko sa storya. Huehue.
"Hindi namin alam." Pilosopong sagot ng dalawa. Sarap nila itapon noh? Tsk.
"Seryoso na kasii!!" Sabi ko sa kanila. Nag-nod lang sila at nagsimula na akong magkwento. Simula sa unang pagkikita namin ni Sean, yung nakita ko si Sean at Blake na naguusap sa mall, at nung nagconfess si Blake, nung hinalikan niya ako, at kagabi nung nagconfess si Sean na hindi niya ako mahal at lastly, ang rason kung bakit ko iniiwasan si Blake. Dahil sa nangyari kagabi. Napanganga lang sila sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Si Ms. Ice
RandomMs. Ice. That's what they call me. Im cold as ice eh. Hindi ako nakikipagusap nang basta-basta. Kahit na family, bestfriends at tropa ko. I treat them coldly. Simula nong umalis siya sa buhay ko, i never smile or laugh. Palagi akong EXPRESIONLESS. W...