Chapter Twenty Two

20 2 0
                                    

Ice's POV:
Umaga na nang nagising kaming lahat. Hindi na kami nakakain kaya nga gutom na gutom kami. Nagpadala nalang si Blake ng pagkain sa butler nila dahil wala silang makita at gutom na din kami. Kaya pagdating ng butler, kumain na agad kami.

Halos wala kaming imikan habang kumakain. Minsan tumatango nalang kami at umiiling. Pagkatapos, niligpit na namin lahat ng gamit dahil umalis na kami dun sa camping site. Sumama na rin si Sean sa pagalis dahil mamayang gabi na kami uuwi. Mamimiss ko itong place na ito TT

Pagdating ng kotse, umalis na kami. Dun na naging hyper ang lahat at nagsimula ng magkulitan. Dahil Hilux/Pick-up naman tong sasakyan na ito, sa likod kami lahat sumakay. Nag-aya na naman sila maglaro ng Truth or Dare. As usual. Pero buti na rin dahil hindi na masyadong mainit ang ulo ni Kuya Rex kay Sean.

"Oy babyyy!Truth or Dare?" Sabi ni Kuya Rex. Hindi ko na namalayan na sa akin pala nakatutok ang bote.

"Uhhhh....." Ano nga bang pipiliin ko? Natatakot kasi ako. Baka ano ang ipagawa nila sa akin.

"Biliis." Sabi nila at pumili na ako. Eeeh T^T bahala na nga.

"Dare nalang.." Sabi ko na may halong pagsisisi. Alam ko naman kasi na masama yung magiging dare nila TT

"Kiss mo ko." Sabi ni Blake with confidence at binatukan ko naman siya.

"No way! Si Kuya Rex ang dapat mag dare sa akin! Hindi ikaw! So ano na Kuya Rex?" Sabi ko at ngumiti naman si Kuya Rex ng nakakaloko. Sana naman, hindi ko yun pagsisishan. *cross fingers*

"Yun yung dare ko. Yung sinabi ni Blake." Sabi ni Kuya Rex.

"Sus! Yun lang pala eh! Sisiw lang yaan..... ANOO?!?!?!?!" Mabibigyan na talaga ako ng award sa pagiging loading ko. Matalino naman ako ah. Haha.

"Sisiw pala ha? Kiss mo na nga ako?" Sabi ni Blake at talagang pinagsisihan ko ang pagpili ko ng dare T___T

Tinignan ko silang lahat. Yung ngiti nila na parang nang-aasar. Seriously? Kailan matatapos ang pang-aasar nila na ganito? T^T Hahalikan ko na sana siya ng bigla kong naramdaman ang awkwardness. Naman oh. Ayoko talaga eh. Nahihiya talaga ako at nandito rin ang mga kuya, kaibigan at ex ko. Ganito ba talaga ang KARMA?

"Iba nalang please?" Pagmamakaawa ko kina Kuya Rex. Ayoko talaga ng ganito eh. Nakakailang, okay lang sana kung aksidente. Kaya nung nangyari sa falls. UGH! Bakit ko ba kasi naiisip ang mga 'accident kisses' namin?

"Nope." Sabi ni Kuya Rex habang kumakain nung popcorn na di ko alam kung saan niya kinuha.

Ugh. Hindi na ako nakasagot at i faced Blaked. I studied his features first. He has this very pointed nose, long eyelashes, pink and soft lips, perfectly shaped jaw, and he has this kind of eyes, the one you could get lost in, and i guess i did. Oh God. How lucky i am. I said to myself.

"Are you done examing my features? You can kiss me now." Sabi ni Blake at parang natauhan ako sa sinabi niya. Ano bang nangyayari sa akin? Ugh! Kailangan ko na talagang magpacheck-up.

"Whatever." I rolled my eyes at him and then tinignan ko silang lahat. Readyng-ready talaga sila ha.

I faced him pero tumagilid lang siya. What's wrong with him? Ugh. Iki-kiss ko na sana siya sa cheeks ng bigla siyang lumingon at naglapat yung mga labi namin. I dont know what happened to myself but, all i know is i responded to his kiss. Hindi ko alam na matagal na pala kaming PDA dun at natatawa ako sa facial expression nila. NGANGA.

"PDA masyado." Sabi ni Kuya Rex at umirap. Hindi na ako nagsalita dahil nahiya ako sa ginawa namin.

"Ang ba-bata pa ninyo, ganyan na kayo ha?! Nakuuuuu!" Pagsesermon 'kuno' ni Kuya Roi sa amin.

Si Ms. IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon