Chapter Eighteen

20 3 0
                                    

Hello!! Yung picture po na yan ay yung sinuot ni Ice sa Mr. and Ms. Espinosa High, ang log kasi ng Ipod ko kaya di ko maupload sa previous chapter. Anyway, enjoy reading!! 😘😘

Blake's POV:
Everything that happened is a memory that needs to be treasured. Lahat yun. Iniisip ko nalang ang mga mangyayari sa susunod na araw ng pagsasama namin dito sa resort. At kung minamalas nga naman, nandito si Sean. Oo, tama yung nabasa niyo. Alam niyo kung bakit? Sabi kasi nina Mommy, binigyan nila ng isang kwarto si Sean sa resort. Kaya kung magbabakasyon siya, libre na yun. So i guess, magsasama kami sa loob ng 3 araw.

"You guys ready?" Tanong ko nung makarating ako sa bahay nina Ice. Mukha silang zombie na naglalakad, kitang-kita sa mukha nila na hindi sila nakatulog.

"Yea." Matamlay na sagot nila. Hindi ako pinansin ni Ice, pumunta lang siya sa pinakalikod ng van at natulog na. Kawawa ang baby ko. Hehehe. Pinaandar ko na ang sasakyan at pumunta sa bahay ni Cass, sunod naman ay kay Yssa na napakaenergetic. Siya lang ata ang energetic eh. 'to talagang babaeng toh. Di nauubusan ng energy. Hyper palagi.

"Okay ba ang tulog mo Yssa?" sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Okay na okay!! Sino ba ang hindi okay ang tulog? Nanalo tayo sa song composition contest, 2nd sa battle of the bands, pati na sa Mr. and Ms. Espinosa High. Oh diba?" Masiglang sabi ni Yssa. Daldal siya ng daldal habang ako naman ay tango lang ng tango.

"Kilala mo ba si Sean?" Biglang tanong ni Yssa at napabreak ako ng malakas at may napindot ako na button pero di ko na pinansin.

"ANO BA!?!?!" Biglang sabi nung driver dahil malapit kaming nagkabangga.

"S-sorry po." sabi ko at pinaandar ulit ang sasakyan.

"Ano bang nangyari sayo Blake? Namention ko lang si Sean, gulat ka na agad. May tinatago ka nuh?" Sabi ni Yssa. Umiling nalang ako sa kanya.

"Pero Blake, alam mo? Swerte mo dahil napasmile mo si Ms. Ice." Sabi ni Yssa. Swerte nga ba ako? Hindi ko alam.

"May sasabihin ako sayo. Wag mong sabihin kahit kanino ha?" Sabi ko sa kanya. Gumaan naman kahit papaano ang loob ko kay Yssa. Mabuti narin siguro na sabihin ko sa kanya.

"Ganito kasi yun... Kilala ko si Sean. Kilalang-kilala. Bestfriend ko siya since idk? Di ko na maalala dahil matagal na kaming magkakaibigan. Tapos, may deal kami nina Roi. I should make Ice smile and i should make her fall inlove with me. I think I accomplished the 1st one....." I stopped. I looked at Yssa. Her face looks so puzzled, confused, shocked. While me? Guilt is written all over my face.

"So you... You mean... Everything was a deal?" Sabi ni Yssa. I just nodded at her.

"At first, deal lang yun lahat. Kaya nga inirapan ko siya first day of school para magalit siya. Pero hindi eh. Kaya ko kayo dinala dito sa resort namin, dahil dito ko siya unang nakita na ngumiti. Yung ngiting walang halong plastic. Pero alam mo Yssa? Hindi mahirap si Ice mahalin." I told her.

"Mahal mo na ba si Ice?" Tanong ni Yssa sa akin at tinigil namin ang sasakyan sa harap ng starbucks. Pinindot ko na yung button na napindot ko kanina at na-off. Ano kaya yun? Hmm. Lumabas na kaming dalawa sa sasakyan at pumasok sa Starbucks.

"Blake, sagutin mo tanong ko. Mahal mo na ba si Ice?" Ulit na tanong ni Yssa.

"Hindi ko alam." Sabi ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Anong hindi mo alam?!?!" Pasigaw na tanong ni Yssa sa akin.

"Hindi ko alam. Ang alam ko lang, gusto ko siyang makita at makasama araw-araw dahil pinapasaya at completo ang araw ko kapag nakikita ko siya, ayaw na ayaw kong makita na lumalapit si Sean o tumititig man lang sa kanya, ayaw ko siyang mapunta sa iba at gusto ko ako lang ang nagpapasaya sa kanya. Except her loved ones, of course." Nag smile ako kay Yssa and napanganga siya sa sinabi ko. #MMK!

Si Ms. IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon