Chapter Twenty Six

39 2 0
                                    

Ice's POV:
Sabi nung Principal namin, instead na November 8 daw yung events, sa November 20 na daw yun. Okay lang naman eh, para may matutunan naman kami. Haha! Ang saya pala magkaroon ng boyfriend noh? Yung boyfriend na makulit pero malambing, matampuhin pero masayahin at higit sa lahat, maeffort at mapagmahal. Corny ko na noh? Sisihin niyo ang corny kong boyfriend!

Kumusta kami ni Blake? Okay lang naman kami. Masaya pero minsan, ay hindi! Palagi pala kaming nag-aaway sa mga simpleng bagay. Hindi kasi kami magkasundo kasi opposite na opposite kami. Pero ika nga nila diba, opposites attract? Tama ba yun? Hay nako. Kasi naman eh, yung gusto ko, ayaw niya. Yung ayaw niya, gusto ko. Yung mga ganung bagay pero kahit na ganun kami palagi, hindi ako nagsasawa na mahalin siya.

"Babyy giirl, mall tayo please?" Pag-aya ni Blake sa akin dahil tapos na ang aming klase.

"Ayoko." Sabi ko dahil pagod na pagod ako at gustong-gusto ko nang umuwi at matulog.

"Sige na babyy girl!!" Sabi niya at nagpout. Akala niya madadala ako sa pout niya?

"Ayoko nga eh." Pagmamatigas ko. Ang kulit talaga ng lahi nito ni Blake.

"Edi wag, maghahanap nalang ako ng kasama." Sabi niya sa akin at hinay-hinay na umalis.

"EDI MAGHANAP KA!" Sigaw ko sa kanya at pumasok sa sasakyan ko. Hindi ko ka siya nilingon kahit tinatawag niya ako. Nakakainis.

Pumasok na ako sa bahay at nakita ko naman ang mga kuya ko na naglalaro ng XBOX. Tinignan naman nila ako at binigyan ko lang sila ng 'what?' look at tumabi na ako sa kanila.

"Anyare sayo baby?" Tanong ni Kuya Rex habang kumakain ng pizza. Kumuha na rin ako at kinain ito.

"Nag-away kasi kami ni Blake." Sabi ko sa kanila at ininom yung shake.

"Ano bang bago? Lagi naman ah." Natawang sabi ni Kuya Nico kaya binatukan ko siya.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Kuya Andrei.

"Ganito kasi yun, niyaya niya akong mag-mall. Tinanggihan ko kasi tinatamad ako at gusto kong matulog, tapos sabi niya na maghahanap raw siya ng kasama. Kumusta naman yun?" Sabi ko at nilagyan ng maraming hot sauce ang pizza ko.

"Yun lang?" Di makapaniwalang sagot nila sa akin. Nag-nod lang ako at sinubo ang pizza.

"Di ka naman matitiis nun." Sabi ni Kuya Roi. Bumalik naman sila Kuya Nico para maglaro ulit.

"Oo, baka nga pupunta yon ngayon within 5 minutes." Sabi ni Kuya Rex at humiga sa lap ko.

"Paano mo naman yun nasabi?" Sagot ko at sumandal sa upuan. Gusto kong matulog.

"Kasi, yan naman palagi ang ginagawa niya kapag nagkakatampuhan kayo."
Napasmile ako sa sinabi ni Kuya Nico. Sabi ko nga diba, palagi kaming nagkakatampuhan kaya palagi rin niya akong sinusuyo. Haays.

"Matutulog na muna ako." Sabi ko at tumayo bigla kaya naman nahulog si Kuya Rex. Sinamaan niya ako ng tingin at nag peace sign nalang ako.

Pupunta kaya yun? Naku! Baka nagsawa na sakin yun. Haay! Wag naman! Makatulog na nga. Nakakatamad! ZzzzZzzzZzzz

"Baby? Gising na." Naramdaman ko na may kumakalabit sa akin kaya bumangon ako. Akala ko si Blake, AKALA KO LANG PALA.

"Anong oras na ba Kuya Roi?" Tanong ko at bumangon na.

"8:30 na ng gabi, mahal na prinsesa." Sabi ni Kuya Roi at lumaki ang mata ko sa sinabi niya, 8:30?!?!

"H-hindi b-ba pumunta si Blake?" Tanong ko at kinagat ang labi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Ms. IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon