Blake's POV:
Matapos nung melodramatic scene namin ni Sean, dumeretso ako sa room ni Roi and nakita ko sila dun. Tinanong nila ako kung saan ako nanggaling at sabi ko, dyan lang sa tabi-tabi. Gabi na at nag suggest sila na magbo-bonfire daw kami sa labas at mag truth or dare. Sabi ko na nga ba eh. May masama silang binabalak. I smell something fishy."Okay. Good evening ladies and gentlemen!! Tonight, we're going to play this game called? TRUTH OR DARE!" Tumawa nalang kami sa kabaliwan ni Roi except for Ice. Ice mode ata siya ngayon. Posible kayang nagkita sila ni Sean? Pero, hindi naman niya nabanggit sa akin eh. Hay!
Nagspin na sila sa bottle at ekasaktong tumapat kay Nico."Truth." Diretsong sagot ni Nico sa kanila.
"Wooah. Sige. Ang tanong ko, ano yung pinakakinatatakutan mo?" Nagsmile na pang-aasar si Rex at nagpout naman si Nico.
"Pwede iba nalang?" Sabi ni Nico. Umiling naman si Rex.
"Nakakahiya!!" Sabi ni Nico at nagpo-pout pa rin. Nagmumukha siyang bading.
"Ang arte mo." Cold na sabi ni Ice sa kanyang kapatid. Anyare sa babaeng toh at biglang naging cold?
"Nakakahiya naman talaga ah!!" Sigaw ni Nico at inirapan na siya ng lahat.
"ANG KJ MO!!" Sigaw namin except for Ice. Hindi parin nawawala ang pagpo-pout ni Nico.
"Okay! Okay!...." Sabi ni Nico while raising his both hands on the air as a sign of surrendering. "....I have fear of heights. Yun lang. Hindi pa ako nakasasakay sa mga rides na matataas. Kagaya ng ferris wheel, roller coaster and etc..." Sabi ni Nico. Tumahimik kaming lahat, nagtitinginan tapos, BOOM! Tumawa kaming lahat!!
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" tawa naming lahat kay Nico. Seryoso siya? Kahit isa man lang?
"Seryoso dude?" Sabi ko sa kanya and tumango lang siya. Kawawang Nico.
"Aalis nalang ako. Pinagtatawanan niyo ako eh." Sabi ni Nico at akmang aalis na pero pinigilan siya ni Andrei.
"Joke lang yun!! Tara! Spin mo na Nico." Sabi ni Andrei at tumapat naman ito kay Yssa. Nag smirk lang si Nico. Okaaay? I smell something fishy.
"Truth or dare?" Sabi ni Nico kay Yssa at ngumiti ng napakalaki.
"D-dare.." Kinakabahang sagot ni Yssa. Alam ko na kung bakit. Kahit hindi niya sabihin, parang may namamagitan talaga sa kanila ni Andrei.
"Kiss Andrei." Nanlaki ang mata naming lahat sa sinabi si Nico. As in, MALAKING-MALAKI! Kiss?!?!? Wooooaah!
"Teka, teka, no way! Hindi ako papayag!" Sabi ni Ice. Finally! Naisipan niyang magsalita.
"At bakit naman?" Sabi ni Nico sa kanya. Wala talagang alam si Ice. Kawawa naman.
"First, hindi sila magkasintahan! Pangalawa, ang sagwa ng dare! Kiss? No way! Pangatlo, bawal silang magkiss dahil wala talaga silang relasyon!!" Sabi ni Ice. Bakit ba siya nagagalit?
"Bakit? Wala naman kayong relasyon ni Blake din ah. Bakit kayo nagkiss?" Tumahimik si Ice sa sinabi ni Andrei. Naoffend ata siya kaya back to Ice mode na naman siya.
"Teka, kalma lang baby. Relax. Now Yssa, kiss Andrei." Sabi ni Nico. Si Si Andrei naman, chill lang. Si Ice, nagpipigil ng galit. Nagalinlangan namang lumapit to si Yssa. Pumunta si Yssa sa pwesto ni Andrei at mabilis na hinalikan sa lips.
"YOOOOOOOOOWNNNNN!!!!!" Sigaw naming lahat except for Ice. Ay nako! Ang moody naman ng babaeng toh!!
"Tse!!!" Sabi ni Yssa at yumuko. Kinuha naman niya yung bottle at nag start na ispin yun. Eksaktong tumapat kay Rex.
BINABASA MO ANG
Si Ms. Ice
RandomMs. Ice. That's what they call me. Im cold as ice eh. Hindi ako nakikipagusap nang basta-basta. Kahit na family, bestfriends at tropa ko. I treat them coldly. Simula nong umalis siya sa buhay ko, i never smile or laugh. Palagi akong EXPRESIONLESS. W...