Chapter Twenty Four

40 3 0
                                    

Ice's POV:
Nagising na ako dahil naramdaman ko na may katabi ako. Huh? Sino naman ito? Aish. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko nakaya dahil ang sakit ng ulo ko. Hindi ako makagalaw sa sakit. Tinapik ko ang katabi ko, nagising naman siya.

"Ang sakit ng ulo ko." Ugh. Napaungol ako sa sakit. Bigla naman umalis yung katabi ko. Mumu kaya yun? Ay nako Ice! Kung ano-ano ang pinag-iisip mo! Tsk.

Bigla naman bumukas ang pinto at binigyan ako ng gamot. Medyo nakakakita na ako at tama nga hinala ko, Si Blake ang lalaking katabi ko. Bigla naman siyang humiga sa tabi ko at hinug ako. Habang ako ay nakaupo. So ang kamay niya ay nasa bewang ko.

"Huy. Alisin mo yung kamay mo! Hindi ako makagalaw." Sabi ko sa kanya. Kinindatan lang niya ako.

"Wag kang maingay. Tulog pa sila." Huh? Sila? So may kasama kami? Tinignan ko naman. Tama nga si Blake. Nandito sila Kuya, topless at sina Cass at Yssa natulog sa sofa ko. Tinignan ko ang orasan. 2:00 P.M na!?!?! Ilang oras ba kaming tulog? Naku! Gisingin na natin to.

"Gisingin na natin sila." Sabi ko. Tatayo na sana ako ng bigla akong hinila ni Blake kaya naman nakapatong ako sa kanya ngayon.

"Wag. Hayaan mo muna silang matulog." Sabi niya sa akin. Infairness sa kanya ha? Ang bango-bango niya. Lalo tuloy akong naiinlove!

"Okay. Hindi ko na sila gigisingin pero pwede bang bitiwan mo na ako?" Sinunod naman niya ang gusto ko. Humiga na ako ng maayos at bigla niya akong niyakap. Kaya nakaharap ako sa dibdib niya.

"I love you, baby girl." Sabi niya sa akin at hinalikan ako sa noo ko. I just smiled at him. Nagpout naman siya.

"Ang daya! Walang 'i love you too?'" Ankyut talaga ng lalaking toh! Umusog naman ako malapit sa kanyang mukha at hinalikan ko siya sa lips.

"I..." I kissed him on his forehead.

"Love..." Sa tip naman ng nose niya.

"You..." Sa may chin niya.

"Too..." Smack lang dapat yun nung bigla niyang hinila ang bewang ko papalapit sa kanya at hinalikan ako. Hindi ko na nabilang kung ilang minuto kaming ganun.

"Okay na ang araw ko." Tumawa naman ako sa sinabi niya. Sabi niya na uuwi na daw siya dahil magsisimba kami mamaya. Ang sweet noh? Hahaha.
Bumaba na kaming dalawa at hinatid ko siya sa sasakyan niya.

"Makakapagdrive ka ba? Baka masakit ang ulo mo?" Pag-aalala ko. Hindi kasi ako mapakali eh. Baka may mangyayari sa kanya.

"Wag kang mag-alala. Hindi kita iiwan dahil pakakasalan pa kita." Nawala naman ang pag-aalala ko sa sinabi niya. Hinalikan niya ako ulit sa labi.

"Oy! Sobra ka na ah!" Sabi ko sa kanya at tumawa nalang siya. Niyakap niya muna ako at pinaandar niya yung sasakyan niya. Nag wave lang ako sa kanya. Sinarado ko na yung gate dahil wala akong nakita na tao sa bahay. Pagpasok ko, gising na silang lahat.

"MAGNANAKAW! MAY NAKAPASOK NA MAGNANAKAW!!" Sabi ni Kuya Nico. Seriously? Ang ganda ko para maging magnanakaw!

"Chill. Si Ice to Kuya." Sabi ko. Ano bang nangyayari dito?

"Hindi! MAGNANAKAW KA! MAGNANAKAW!" Huh? Siya lang ata ang wala sa katinuan dito eh.

"Ano bang nangyari dyan?" Sabi ko sa kanila. Nagshrug lang sila.

"Siya kasi yung last na bumaba. May tinitignan ata sa bintana. Hindi na namin pinansin yun." Sabi ni Kuya Rex habang iniinom yung kape niya.

"Ano bang nakita mo sa bintana Kuya?" Sabi ko sa kanya. Uminom muna siya ng kape.

Si Ms. IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon