Ang tagaktak ng pawis sa aking noo at ang kulay kahel na kalangitan ang nagpaalala sa'king nararapat lang na ako'y umuwi na. Malakas ang kabog ng puso ko dahil sa pagod. I heave a sigh before giving my friends a tight smile.
"Sibat na ako," anunsyo ko
May kanya-kanya silang tuwalya sa leeg at may tig-iisang supot ng ice water. Tagaktak rin ang pawis, gaya ko.
"Ang aga pa pre!"
"Unya na dong."
Mamaya na raw.
"Mga choi!" biglang hiyaw ni Ronnie
Pawisan rin siya. Hindi dahil sa basketball kundi dahil sa pinaghalong pagmamadali at kasabikan. Napahawak siya sa kanyang dibdib at naitukod ang kabilang kamay sa tuhod.
"Napano ka Ron?"
"May m-magandang dilag doon!" tinuro niya ang dinaanan
Naghiyawan ang aking mga kasamahan. Ngumisi lang ako at napailing.
"Talaga? Saan?"
Agad nilang pinagkumpulan si Ronnie.
"Nasa dalampasigan! Mukhang galing kina Edna. Guwapa kaayu mga choi! Pirting putia." manghang sinabi ni Ronnie
Sobrang ganda raw. Maputi.
"Dayo ata!" dagdag niya pa
"Naku sige nga patingin!"
"Tara samahan mo kami."
"Kaya lang mukhang masungit!"
Inilingan ko ang kalokohan nila. Pinunasan ko ang aking mukha ng tuwalya at nagpaalam na.
"Oportunidad na ito, pre! Ano? Tara!" aya ni Gino
"Hindi ako interesado." tumawa ako
Inayos ko pa ang aking sintas bago tuluyang naglakad paalis sa basketball court. Nagmamarka ang aking sapatos sa bawat apak sa pinong buhangin. Napapangiti ako sa tuwing may nakakasalubong.
"Dong naku! Ang guwapo mo na lalo, ah." ngumiti si Lola Asyon
Nagmano ako sa kanya at bumati. Ngiti ang naisagot ko sa kanyang papuri.
"Salamat po, La."
Tinanong niya pa ako tungkol kay Esme kaya natagalan ng kaunti. Nang matapos ang usapan ay tumulak na ako pauwi.
Rinig ko ang halakhak ng mga batang naglalaro ng volleyball at sepak sa dalampasigan. Ang iba naman ay abala sa panghuhuli ng lamang dagat sa dagat na mababaw. Nasipat ko ang nag-aagaw liwanag na langit. Unti-unti nang lumulubog ang araw at nalalapit na ang paghahari ng dilim.
Unti-unti ring kumunot ang noo ko nang mamataan ang isang babae. May katangkaran. Sa puti ng balat, tiyak mangingibabaw siya sa dilim. I cannot see her face clearly but I can already imagine her face. Ganito ang kutis at tindig ng taga-syudad.
Iignorahin ko na sana siya nang mapagtantong sa akin ang punta niya. I stopped walking to meet her. Nakatali ang kanyang buhok at may iilang takas na nahuhulog sa kanyang noo. She looked like a mess. Hot mess.
"May kailangan ka?" ako na ang nagtanong
Nakatitig lang kase siya sa'kin. Matalim ang mga mata at may gitla sa noo. She looked real pissed.
Hinayaan kong lumaylay ang tuwalya sa aking balikat. Pinigilan ko ang sariling mapanganga.
"Where's the nearest hotel here? Tell me." medyo marahas niyang sinabi
Awtomatikong umangat ang aking kilay. Hindi ko nagustuhan ang pagka-bossy ng tono niya. Hmm. Spoiled brat. I see.
"Nasa Cebu." simple kong sagot
Mag-iiwas na sana ako ng tingin nang mapansin ang ayos niya. She's wearing a white spaghetti strap that hung loosely on her upper body and a short maong shorts. Her top revealed her cleavage and... I can see, from here, her red bra!
"I am asking you properly. Huwag mo akong pilosopohin!" she demanded
I swallowed hard as I look up to meet her eyes. I have never seen someone like her in this island. Kamukha siya ng mga babaeng madalas kong nakikita sa magazine.
Sigurado akong siya iyong tinutukoy ni Ronnie. Ang ganda kase. Malalim ang mga mata, matangos ang ilong, mahahaba ang pilikmata at manipis ang makurbang labi. Perpekto ang hugis puso niyang mukha.
"Maayos ang naging sagot ko, Miss." malamig kong sagot
Pilit ko mang iiwas ang tingin, talagang napapalingon ako sa ayos niya. Manipis ang kanyang pang-itaas kaya kitang-kita ang undergarment.
Umigting ang panga ko nang maisip na maaaring ito ang isa sa dahilan kung bakit sabik na sabik si Ronnie. Paano na lang kung pagkumpulan siya ng mga lalaki?
Lalo akong nairita dahil mukhang wala lang sa kanya. Ayos na ayos lang ang damit at mukhang sanay na sanay. It's obvious, she's a city girl. Naiintindihan ko 'yun pero sana ay naging mas responsable siya sa pananamit. Iba ang kultura ng lugar na inaapakan niya. Iba ang paniniwala at iba ang pananaw ng mga tao. Sana ay naisip niya iyon.
Kung maliligo ay pwede pa. Pero mukhang malabong iyon ang sadya niya.
Teka, bakit ba ako nababahala? I should not care.
"Seryoso ako-teka. Teka nga lang."
Unti-unting nanlaki ang kanyang mata. Kulang na lang ay umusok ang kanyang ilong. Kanina pa siya iritado at mukhang ako pa ang mapagbabalingan ng iritasyon. Alam ko kung ano ang iniisip niya ngunit bago ko pa ito maagapan, lumagapak na ang kanyang palad sa aking pisngi.
Tangina. Nagulat ako roon!
"Why are you looking at my boobs, huh? You pervert! Manyak ka! Manyak!"
Hinawakan ko ang aking panga. Para akong nayanig ng literal sa sampal niya.
"Miss hindi iyon tulad ng iniisip mo-"
"Really, huh? Gagawin mo pa akong tanga?!" galit niyang hiyaw
Even in that situation, I cannot believe I noticed how gorgeous she is in a very angry look.
"Manipis kase ang tela ng suot mo kaya-"
Hindi niya ako pinatapos. Sinagot niya ako ng panibagong sampal. Sa kabilang pisngi naman.
Napamura ako ng malutong habang dinarama ang paghapdi ng parehong pisngi.
"Don't ever look at me, pervert! You disgust me!" nanlisik ang kanyang mata
My lips parted at her outburst. I don't know if what I did was the exact and the only reason why she's acting this way. The only thing I'm sure about is that our feeling is damn mutual. Kung naiinis siya sa'kin, ganoon din ako sa kanya.
Tinalikuran niya ako at mabilis na naglakad papalayo. Bahagya pa siyang nalulubog sa buhangin, halatang hindi sanay sa dalampasigan.
"So much for a fucking spoiled brat." I murmured to myself
BINABASA MO ANG
Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)
RomanceKasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang pag-unlad. Kasama siya. Palagi. Ngunit kagaya ng lahat ng bagay, sa una lang masaya. Sa una lamang madali. Habang nagpapakalunod siya sa rel...