Kabanata 32

766 38 13
                                    

"Ano?! Aalis ka na Dindin? Bakit naman? May nagawa ba kaming mali? Ayaw mo na rito?" 

Natulala ako nang makita ang nanlulumong reaksyon ni Esmeralda. Kakauwi lang namin mula sa pagtatampisaw sa dagat at katatapos lang ding maghapunan. Narito kami ngayon sa kuwarto niya. Sinabihan ko na siya dahil alam naman narin ni Vince. Dapat nga si Esme ang unang makaalam, eh.

"W-Wala kayong nagawang mali. I like it here... kaya lang, wala rito ang buhay ko, Esme."

Napalunok ako habang pinagmamasdan ang malungkot niyang mata. Parang kinukurot ang puso ko. Naalala ko sa kanya ang lungkot na naramdaman ko mula kay Vince kanina. Only that, Esmeralda is obviously more vocal.

"Pero bakit ang bilis? Mag-iisang buwan ka pa nga lang dito." ngumuso siya.

"Hindi pa naman ngayon, eh. Sinasabi ko lang." 

Ngumiwi siya pero napatango nalang din. 

"I really want you here, dzai. Pero kung iyan ang gusto mo, may magagawa pa ba ako? Kami ni kuya? Besides, kahit naman ganito, naiintindihan kita. Hindi rin naman kase kami magtatagal dito, eh. Hindi nga lang gaya mo, siguro ilang buwan pa kami rito sa Isla Verde."

Bumuntonghininga ako. Naisip ko tuloy, talagang magkapatid sila ni Vince. Pareho nila akong naiintindihan. Kahit na hindi ko pa naman lubusang naikukuwento sa kanila ang kaganapan ko sa buhay. I just... feel so lucky. I feel very lucky to be fated to meet them.

Sa kabila ng lahat, masuwerte parin talaga ako dahil dito ako napadpad sa puder nina Vincent at Esmeralda.

"Hay. Naiiyak ako! Pero saka na ako iiyak! Next next week pa diba?" 

Tumawa ako para pagaanin ang loob niya. Pero sa totoo lang, ang bigat din talaga ng loob ko. Kanina pa, sa totoo lang. 

"Oo. Besides, pwede parin naman tayong magkita. Babalik naman siguro ako rito." 

I can't stay longer but I will definitely come back. At sana... pagbalik ko sa islang 'to, iba na ang sitwasyon ko. I'm hoping that by that time, I am no longer lost. 

"Eh kaso baka pagbalik mo, nakaalis na kami." 

"We can text each other. Or chat?" pampalubag loob ko sa kanya.

Umaliwalas ang kanyang mukha. 

"Right! Ano ba username mo sa IG? I-DM kita, ha!"

And so our conversation went on lightly. Sinabi rin ni Esme sa'kin na dapat sulitin ko ang mga natitirang araw ko rito sa isla. Kaya sa mga sumunod na araw, wala kaming ibang ginawa kundi gumala. 

Inilibot niya ako sa isla kaya napakarami kong nakasalamuhang tao. I was also able to personally experience their lives. Gumising nang maaga. Sumama sa pangingisda. Magluto gamit ang kahoy. Mano-manong gawin ang mga gawaing bahay. Maligo sa dagat. Uminom ng tuba (moderately). At marami pang iba.

Their lives were simple. Ang goal nila araw-araw ay makakain ng tatlong beses sa isang araw, iyon lang. Hindi mo rin mababakas sa mga mukha nila ang paghihirap dahil sa kabila ng lahat, palagi silang nakangiti. At nanatiling positibo. Made me realize how diverse life really is. And how simple it is. Na hindi mo naman talaga kailangan ng mga makamundong bagay para sumaya. Siguro, kung anong meron ka ngayon ay sapat na.

In just a short span of time, I was given the chance to realize that we can be happy even without the things that we wish to have, for as long as we appreciate what we already have. That, at the end of the day, success is all about being contented.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon