Gracefully, I strode inside the board room. My entrance effortlessly stole everyone's attention.
"Madame," Geneva, my secretary acknowledged my presence.
"Good morning, Ms. Gonzaga."
Tumayo rin bilang pagrespeto sa presensya ko ang lahat ng board members na naroon sa silid. I gave them a short nod before sitting on the capital of our very long table.
Agad na nag-init ang ulo ko nang makita ang hindi magkandaugagang babae sa harap.
"Are you an intern or what?!"
Biglang natahimik ang lahat. Michelle, on the other hand, looked at me with so much shame and nervousness.
"I am already fifteen minutes late yet you're still unprepared?"
Nakakainis talaga ang mga beteranong umaastang baguhan. Maiintindihan ko pa kung isang buwan pa lang siya sa kompanya, pero hindi, tatlong taon na eh.
Kung alam ko lang na maghihintay pa pala ako ngayon ng ilang minuto bago maset-up ang presentation, sana pala hindi na ako nagmadali kanina! I even skipped my breakfast for this. For just this?
"I-I'm sorry Ms. Gonzaga. I can start now," nanginig ang boses ni Michelle.
I rolled my eyes on her before signalling she can proceed to her presentation.
I'm not really hot headed in nature. Contrary to what you're probably thinking right now, I strive to be kind and understanding to the people around me as much as I can.
Sadyang mainit lang ang ulo ko ngayon dahil kani-kanina lang, bumungad sa'kin ang napakagandang balita na na-scam ang isang milyon ko. Ipinautang ko iyon sa isang kakilala noong isang buwan, nangako siyang babayaran niya ako matapos ang isang linggo pero hanggang ngayon, ni piso ay wala akong natatanggap. Nalaman ko pa na sa casino niya lang pala dinala ang isang milyon at nasimot nang matalo siya. So much for a good freaking morning, right?
Hindi ito ang unang beses na na-scam ako. Magmula kase noong lisanin ko ang isla, tumulong na ako sa mga tao. Madalas 'thank you' ang natatanggap ko. Minsan naman, abuso. Marami ang grateful... but unfortunately, marami rin ang abusado. That's life. May kalalagyan din naman ang mga scammer. As for my college classmate, I will let my lawyer, Joshua Ravena, handle him.
"Coffee, Madame."
Inilapag ni Gene ang cappuccino ko sa aking desk. Katatapos lang ng meeting kaya heto na ako ngayon sa opisina, kaharap ang aking macbook, nirereplyan ang sandamakmak na emails.
Five years ago, I assumed the position of Dad's, the CEO. Pagkauwi ko mula sa isla, hindi na ako muling bumalik sa pag-aaral. Nag-train na ako kaagad bilang sekretarya ni Daddy. I did not have any experience at all so it was quite tough for me. Nagkasakit si Dad kaya kailangan niyang magpahinga. Since Bench was busy teaching, I was left with no choice but to handle the company. Pambawi ko narin 'yun matapos ang lahat ng pasakit at pahirap na ipinaranas ko sa aking ama.
Yes, Dad and I have reconciled when I went home from Isla Verde. I ripped off my anger towards him because it's no use. Napagtanto ko kaseng hindi naman kasalanan ni Dad ang nangyari kay Mommy. May kasalanan siya pero may kasalanan din si Mom. Hindi ba't ganoon naman? Everyone commit mistake. Maski ako, nagkasala, nagkakasala at magkakasala. Sa tingin ko nga, kung susukatin, mas mabigat ang mga naging kasalanan ko kay Daddy. So who am I not to forgive? Who am I to judge when I, myself, is a sinner?
To cut the story short, I forgave Dad. He also forgave me. And so here I am today, luckily surviving with no grudge in my heart for my father.
"Spanish style pasta and apple juice, please." sabi ko sa intercom na konektado sa restaurant namin sa baba.
BINABASA MO ANG
Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)
RomanceKasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang pag-unlad. Kasama siya. Palagi. Ngunit kagaya ng lahat ng bagay, sa una lang masaya. Sa una lamang madali. Habang nagpapakalunod siya sa rel...