Kabanata 19

740 38 7
                                    

Suot ang itim na leggings, puting fitted shirt at black cap, sumunod ako kay Esme. Papunta kami ngayon sa hall ng isla. Ngayon kase ang pagpapack ng relief goods na ipinapamahagi isang beses sa isang buwan. 

Ayon kay Esmeralda, her brother runs a private foundation for five years now. Tumutulong sila sa pagpapaayos ng mga establisyemento gaya ng paaralan, barangay clinic at iba pa. They also distribute relief goods, hindi lang sa islang ito.

"Why don't you run as Brgy. Captain, Vince?" I asked him over a brief casual conversation last night.

His altruism is very evident. Tiyak na mahal siya ng mga tao rito. Mananalo siya nang walang kurap. That way, mas may access siyang makatulong. Well, sa pananaw ko lang naman.

"I don't need to be on a government position to help, Miss." that was what he answered me.

I admit. I was somehow moved by Vince's genuine care for other people. At least kahit nagsusungit siya sa'kin ay mabait naman siya sa ibang tao. 

Pagdating namin sa hall ay naroon na ang karton-kartong mga produkto. Ang mga nagboluntaryong tumulong ay nagsisimula na. Binati kami ng mga naroon kaya nagpaskil ako ng ngiti sa aking mukha.

"Maayung buntag." I learned how to greet 'Good Morning' using their language.

Lumapit kami sa mga babaeng nagpa-pack at tumulong na agad. Ako ang isa sa mga nakatoka sa paglalagay ng tinapay sa eco bag. Nasa kabilang gilid ko si Esme na ngayon ay kausap ang isang babae. Sa kanan ko naman ay si Rissa na masama na agad ang tingin sa'kin pagdating ko pa lang. As usual, deadma mode on.

"Saan na si Vince, Riss?" rinig kong tanong nung katabi ni Rissa.

I don't want to listen pero hindi naman iyon pupwede dahil wala ngang isang metro ang layo namin. 

"Nagdidiskarga ng bigas. Ang tagal nga, eh." I heard the girl.

Hmm. Rissa is morena. Maganda siya at matangkad, I could say. Kaya nga lang, hindi papasa sa lungsod ang fashion taste niya. Every time I see her, she's wearing long skirt and sleeved top. 

"Ano? Miss mo na agad?"

"Oo, eh." 

Binalewala ko sila at nagpatuloy sa paglalagay ng tinapay sa eco bag. Ipinasa ko iyon sa babae pero ilang segundo ang nakalipas, nabitin sa ere ang aking kamay. I creased my forehead as I look at Rissa. Nag-angat siya ng kilay sa'kin. 

"Ayusin mo naman ang paglalagay. Halatang hindi ka naggaganito, eh." 

Pinaningkitan ko siya ng mata. Is this girl picking a fight?

"Ano ba ang tamang paglalagay ng tinapay sa loob ng eco bag?" sarkastiko kong tanong. 

The girl is nonsense. Pipili ng mapag-aawayan, iyon pa talaga. 

"Patayo. Huwag pahiga para may space pa." and she indeed corrected me.

Hinablot niya ang eco bag mula sa'kin. 

"Does that change a thing? Bakit? Kapag ba patayo, mababawasan ang size ng tinapay? How would you save space when the size of the loaf remains the same?" ako naman ang nag-angat ng kilay.

Huwag mo akong hinahamong ingrata ka, ha.

"Huy. Ano yan? Okay lang kayo?" singit ni Esme.

Sa tanong ni Esme ay napalingon sa amin ang ibang naroon. Umirap ako at nag-iwas nalang ng tingin. 

Nabwisit ako sa sagutan namin ni Rissa. Alam ko namang mainit ang dugo niya sa'kin dahil akala niya siguro'y may kung ano sa'min ni Vince. Pupwede namang magtanong ng diretsahan. Hindi iyong maghahamon pa ng pipitsuging away. Tss. How petty.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon