Kabanata 28

739 30 7
                                    

"Miss oh," ani Vince, sabay lahad ng panyo. 

Napapansin ko talagang 'Miss' ang tawag niya sa'kin kapag hindi siya galit. Claudine lang kapag galit siya o hindi naman kaya'y tinutukoy niya ako sa ibang tao.

So, hindi na siya galit sa'kin? Nagui-guilty siguro siya dahil sa mga sinabi ko. Nakakainis. Nainsulto talaga ako!

At dahil wala akong choice, paismid kong tinanggap ang panyo. Pinanatili ko ang diretsong tingin sa harapan at siniguro kong wala siyang makikitang emosyon doon.

"Galit ka parin ba?" malumanay niyang tanong.

Binato ko siya ng isang matalim na tingin nang hindi makatiis. Napailag naman siya ng bahagya.

Don't fucking talk to me.

Hindi nalang ako nagsalita. Sa takot na baka kung ano na namang masabi ko. Pasalamat siya at kahit papaano, naalala kong sa kanila ako nakikituloy. Kahit papaano ay tumatanaw naman ako ng utang na loob.

And heck. I seriously need to get back to my senses. In other words, kailangan ko nang umuwi. Siguro sapat na iyong panahong iginugol ko rito. Sapat na iyong pamemerwisyo ko sa kanila.

I need to go back home. Aside from the need to face the reality, I miss having my friends by my side. I miss Bench. Hindi ko naman siguro kailangang harapin to ng mag-isa dahil umpisa palang, I have them. Masyado lang talaga akong nagfocus sa kung anong wala ako kaya hindi ko na naisip ang mga taong nandyan para sa'kin. 

Maybe the plan of going here to search for myself is absurd in the first place. At oo. Ang tanga-tanga ko talaga para ngayon lang marealize ang lahat ng ito. Kung hindi pa siguro ako nainsulto kanina ay hindi ko maiisip ang lahat ng ito.

"Miss, magsalita ka naman." 

Bumalik ako sa ulirat nang marinig ang pagsusumamo niya. Kagat-kagat niya ang labi habang nakatingin sa'king animo'y takot.

"Ano bang problema mo, Vince? Narito na nga ako, oh. Hindi na nga ako gumagalaw o nagsasalita para hindi na magkamali. Ano pa bang gusto mo? Huwag kang mag-alala dahil aalis na ako-"

"Ayokong nagagalit ka. Ayokong galit ka sa'kin." umiling-iling pa siya.

Dinamba ako ng pagtataka. Ano yan? Anong drama yan? 

"Bakit? Eh parang natutuwa ka pa nga kanina, eh! Di ba? Alam mo? Ang gulo mo!"

Lumunok siya ng dalawang beses. Nakakapagtaka ang inaasta niya. Para siyang takot na hindi ko maintindihan. Ano bang ikinakatakot niya? 

"Namangha lang akong marunong ka nang magbisaya,"

"Oh, tapos?" 

Kahit masama ang ibig sabihin, namangha parin siya? 

"I just..  I just really don't want you mad, Miss..." 

"Eh sino ba kaseng hindi magagalit? Ininsulto mo ako! Mababa ang tingin mo sa'kin-"

"Hindi ganoon ang ibig kong sabihin!"

"Eh ano?!"

"Ang punto ko lang naman, sana nakinig ka sa'kin. Kase tama naman ako, hindi ba? Masama ang pakiramdam mo. Hindi ako nalasing kagabi pero alam ko ang pakiramdam ng may hangover. Kaya sana nagpahinga ka nalang. At hindi mababa ang tingin ko sa'yo. Alam ko lang talaga na hindi mo kinalakihan ang gawaing bahay kaya hindi ka maalam tungkol doon. Hindi ko gustong insultuhin ka. Gusto ko lang talagang sabihin sa'yong alam kong hindi ka magaling sa bagay na iyon dahil hindi ka sanay at okay lang. Ayos lang at naiintindihan kita. Naiintindihan kong hindi porke't kaya ng iba ay kaya mo rin. You have your own strengths anyway, so it's okay. It's okay to deal with the fact that you're not good with certain things, Claudine. But it doesn't mean that you will never be good at it. Alam ko namang matututunan mo rin, hindi nga lang ngayon ang tamang oras dahil nga hindi pa naman maganda ang pakiramdam mo." mahaba-habang litanya niya.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon