Kinabukasan, napagdesisyunan ni Esme na palitan ang kanyang mga halaman sa living area. Nalanta na kase ito at napabayaan dahil sa kaharutan ng babae.
"Bibili ka?"
Umiling siya. Nahila niya na naman ako ngayon kaya naglalakad kami papunta sa kuwarto ng kuya niya.
"Hindi. Hindi naman binibili ang mga halaman dito, kinukuha lang."
Hindi na ako nagtanong dahil nasa tapat na kami ng kuwarto ni Vince. Kumatok siya ng dalawang beses bago pinihit ang doorknob. Nauna siya at sumunod naman ako. There we saw Vince seated in front of a desk, facing his laptop while busily typing in his keyboard.
Iginala ko ang paningin ko sa kuwarto niya. Iyon ata ang pinaka-naiibang kuwarto rito sa bahay. Hindi gaya sa ibang kuwartong coral pink at puti ang kulay, ang kanya ay brown at black ang color palette.
His room is manly. This seemed to be his man cave. Pansin ko kaseng halos ang buong bahay ay may bahid ng personalidad ni Esmeralda. Ito lang ata ang wala.
His king sized bed had white sheets. Sa magkabilang gilid ay mayroong bedside table. Sa kaliwa ay mayroong lamp habang sa kaliwa naman ay isang picture frame na kung tama ang pagkakaaninag ko, picture nilang dalawa ni Esmeralda. Sa itaas naman ng kanyang padded headboard, naroon ang malaking painting nila ni Esme kasama ang isang may katandaan ngunit maganda at sopistikadang amerikana at matikas na lalaking moreno. They're with their parents, I assume.
His gray rug and full length curtains added softness to his room. Other than that, wala na akong nakitang ibang dekorasyon sa kuwarto ni Vince. Oh damn. Sa harap pala ng kanyang kama, naroon ang kanyang malaking cabinet. In between his two wooden cabinets is his glass shelf. Naroon ang iba't ibang plaque of recognition! Meron din akong nakitang academic recognition niya roon.
"Kuya," malambing na tawag ni Esme.
Napaiwas ako ng tingin nang marinig si Esme. Sinundan ko ang line of vision niya at nakitang napalingon sa amin ang nakatalikod na si Vince. Unti-unting kumunot ang kanyang noo nang makita kami. He relaxed his body and maneuvered his swivel chair to face us. He was even wearing specs which made him look more stiff.
"Bakit?"
Nanatili ang titig niya sa'kin saglit bago nag-angat ng tingin kay Esme.
"Magpapakuha sana ako ng puwedeng pamalit sa mga halaman natin sa living area. Nalanta na, eh."
"Anong halaman?"
"Alocasia sana."
What's Alocasia? Hay. Wala talaga akong alam sa halaman. Monstera lang ang alam ko, eh!
"Is that urgent?"
Sa tono niya ay mukhang naistorbo siya ng kapatid. Mukhang may trabaho, eh. Oo nga pala at may pinapatakbong kompanya ang lalaki.
"Kung puwede ka lang naman ngayon 'ya. Puwede rin namang kami ni Dindin nalang ang kumuha. Right, Dindin?" Esme faced me.
"Ah? Oo." I've got no choice but to nod.
I heard Vince heaving a sigh before taking off his specs and turning off his laptop.
"Ako na. Baka kung mapano pa kayo roon." ani Vince.
Huh? Anong klaseng lugar ba ang balak pagkuhanan ng halaman netong si Esme? Wala naman sigurong gubat o ano dito sa isla no?
"Ikaw nalang 'ya?"
"Oo. Dito nalang kayo."
Tumayo siya at naglakad. I thought he's going to pass by us when he stopped in front of me.
BINABASA MO ANG
Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)
RomansaKasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang pag-unlad. Kasama siya. Palagi. Ngunit kagaya ng lahat ng bagay, sa una lang masaya. Sa una lamang madali. Habang nagpapakalunod siya sa rel...