"Thanks, Dindin." nakangiting salubong ni Esme sa'kin nang makalabas ako ng kuwarto.
She's all smiles, making me shot my brows up. Mukhang good mood na agad siya, ah? Parang walang iyakang naganap kagabi?
"Nagkaayos na kami ni kuya. Hindi naman daw pala siya galit. Nadismaya lang." paliwanag niya nang mabasa siguro ang iniisip ko.
Tumango ako at hindi na siya nginitian.
"Okay ka lang? Tara, nakapagluto na ako ng breakfast."
Hindi ba ako dapat nagtatanong sa kanya kung ayos lang siya? Buong akala ko, magmumukmok siya ngayon dahil guilty siya sa nangyari sa kanila ni Richard. Nagkamali pala ako.
Magkaiba nga kami ni Esme. Siya kase parang ang bilis maka-recover. Ako? Sa oras na tumatak sa isip ko, parang ang hirap nang kalimutan. Tuloy ay naalala ko ulit ang kabaliwan ko kagabi!
"Huy! Ayos ka lang ba? Lutang ka dzai," she pointed out.
"Ah? Ah, wala. I'm okay. Tara. Gutom na ako."
Nagpatiuna na ako sa kusina. Ramdam ko naman agad ang bigat ng katawan ko. Wala ako sa kondisyon dahil literal na hindi ako nakatulog! Paano naman kase makakatulog kung sakop ni Vince ang utak ko? Fuck.
"Dzai!"
Napaigtad ako sa hiyaw ni Esmeralda. Inis ko siyang binalingan.
"Kailangan sumigaw?" sarkastiko kong tanong.
Hindi niya iyon pinansin. Sa halip ay tumayo siya nang matuwid at ipinagkrus ang mga kamay habang pinaniningkitan ako ng mga mata.
"Saan ka pupunta?"
What? This girl is nonsense. Malamang ay sa kusina!
Tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Natigilan ako nang mapagtantong nasa labas na ako ng bahay!
"Nalampasan mo na ang kusina. Ngayon mo sabihing okay ka."
Napapikit ako nang makaramdam ng matinding pagkapahiya. Naiinis na ako sa sarili ko!
"Oo na. May iniisip lang ako," inirapan ko siya.
I pulled myself together as I walked back. Nakita kong may itlog at hotdog na sa mesa. Naroon narin ang kape. Maayos pa ang plating.
"Ano naman ang iniisip mo?"
Blangko ang ekspresyon kong kinagatan ang hotdog. Ano namang isasagot ko rito kay Esmeralda?
"Ay teka, mali. Sino ang iniisip mo?" ngumisi siya.
Yumuko ako at hindi na siya pinatulan pa. Baka kung ano pang maisip niya-
"Si kuya ba?"
Sa gulat ay nakagat ko ang sariling labi! Nanlaki ang mata ko at agad na napadaing.
"Hahahaha nakuuuuu. Naku, naku, naku. Binanggit ko lang ang 'kuya', nanlaki na agad ang mata mo-"
"Shut up, Esme. It's n-not like w-what you're thinking."
Naibaba niya ang kutsara at saka bumwelo ng tawa. Mukhang aliw na aliw siya sa'kin ngayon. Peste. Mabulunan ka sanang bruha ka!
"Nabulol pa nga," panunuya niya pa.
Uminom ako ng tubig at pinilit ang sariling kumain kahit nawalan na ng gana dahil sa sariling kapalpakan! Bakit kailangang ilaglag ko ang sarili ko rito?
"Ang cute mo, Dindin. Nagba-blush ka! Hahaha ano ka ba, huwag ka ngang mahiya sa'kin. Alam ko namang gusto mo si kuya Vince-"
"W-What? Hindi ko siya gusto no!"
BINABASA MO ANG
Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)
RomanceKasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang pag-unlad. Kasama siya. Palagi. Ngunit kagaya ng lahat ng bagay, sa una lang masaya. Sa una lamang madali. Habang nagpapakalunod siya sa rel...