Sa lahat po ng makakaabot dito, maraming-maraming salamat. Thank you for hearing my heart.
I honestly wrote this story to remind myself, and everybody who is willing to give this piece a chance, that it is okay to fail every once in a while. Maaaring sa pagmamahal, sa pag-aaral o sa buhay mismo. Ayos lang na madapa. Ayos lang na magkamali. Ayos lang na mabigo. Ayos lang. Basta matuto tayo.
May we realize that what's meant for us will not come to us immediately. Ang buhay ay punong-puno ng pagsubok at pasakit. Pero sana, sa kabila ng sakit, sa kabila ng takot, piliin nating magtiwala. Magtiwala tayo na hindi palaging masakit. Magtiwala tayo na balang araw, darating ang kung anong para sa'tin. Let's hold on. Let's have faith. Let's trust.
Huwag sana tayong matakot na magsimulang muli. Huwag sana tayong matakot matuto. Huwag sana nating pigilan ang ating mga sariling makausad.
May Make You Stay teach everyone of us how important it is to wait, to value ourselves and to settle for what we truly deserve.
Hanggang dito na lang. Kita-kits sa You Trilogy Book 3!
~~~
SPG
When I saw her slowly fading out of my vision, I immediately had the urge to ride another boat to follow and stop her from leaving.
Damn it.
Gustong-gusto ko siyang pigilan, kagabi pa sa totoo lang! Pero alam kong hindi iyon pwede. That would be too selfish of me. Lalo pa at nasabihan ko na si Mr. Gonzaga na pauwi na ang anak niya.
Desisyon mo 'to, Vince. Panindigan mo.
Araw-araw naiisip ko si Claudine. Lalo pa at halos araw-araw magmula noong umalis siya ay nagti-text siya sa'kin. Palaging nangangati ang palad kong sagutin ang mga mensahe niya. Sabihin sa kanya ang lahat ng gusto niyang malaman. At na miss na miss ko na siya.
Ang hirap-hirap niyang ignorahin. Ang hirap-hirap manindigan. Minsan, naiisip ko kung tama pa bang gawin ko to gayong may gusto naman na siya sa'kin. Pinagpapantasyahan ko ang pagsunod, pagyakap at paghalik sa kanya. At iniisip ko pa lang na yayakapin at hahalikan niya ako pabalik, para na akong mahihibang.
"K-Kuya...."
Nabalik ako sa ulirat nang marinig si Esmeralda. Nilingon ko siya at pinagkunutan ng noo. Unti-unting naningkit ang mga mata ko nang makitang nakayuko siya at bahagya pang nanginginig.
"Anong nangyari sa'yo?"
Kumabog ang dibdib ko nang humagulhol siya bigla. Hindi siya nakapagsalita dahil naunahan na siya ng iyak. Agaran ko siyang dinaluhan para yakapin.
"Esme, anong meron? Ayos ka lang? Bakit ka umiiyak?" sunod-sunod kong tanong.
Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naririnig ang hikbi niya. Pinagpapawisan ako sa kaba!
"K-Kuya... s-sorry..... buntis ako..."
Nanlamig ako.
Tama ba ang narinig ko?
Buntis siya?
"T-Talaga?"
Dalawang bagay ang naisip ko. Isang madilim at isang maliwanag. I closed my eyes as I think of the brighter side. Her baby.
"Oo kuya... s-sorry..."
Kinagat ko ang aking labi at umiling. Kahit na naninikip ang dibdib ko sa halo-halong emosyon ay nagawa ko paring haplusin ang kanyang likod.
"Shh... hindi ka dapat umiiyak dahil sa pagsisisi, Esme. Umiiyak ka dapat sa tuwa. Your baby is a blessing,"
Naramdaman ko ang gulat niya.
BINABASA MO ANG
Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)
RomanceKasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang pag-unlad. Kasama siya. Palagi. Ngunit kagaya ng lahat ng bagay, sa una lang masaya. Sa una lamang madali. Habang nagpapakalunod siya sa rel...