"Anong nangyari? Saan kayo nanggaling? Pinaiyak mo si Dindin, kuya?"
Sinalubong kami ni Esme. Nakakunot ang noo at matalim ang mapanghusgang mata, nakatingin kay Vince.
"Hindi ko gagawin 'yun, Esme." mahinahong tugon ng kuya niya.
Lumunok ako at pagod na ngumiti. My tears are all dried up but I'm pretty sure it's still obvious that I cried hard. Ramdam ko ang pamamaga ng aking mata.
"Magpapaliwanag ako,"
Halos lahat ng alam ni Vince, hindi alam ni Esmeralda. Madalas man kaming mag-usap, hindi ko talaga nabanggit sa kanya ang totoong rason kung bakit ako napadpad dito. I even lied to her. I remember using my academics as a cover up.
Komportable ako sa kanya, oo... but maybe that kind of comfort is shallow. The kind of comfort I felt with Vince is the deep one. Even so, I know, with how Esmeralda treated me, whether I am comfortable enough or not, I owe her an explanation.
"Miss, pagod ka." pigil ni Vince at bumaling kay Esme "Saka nalang kayo mag-usap, Esme. Let Claudine rest."
Ngumuso si Esme nang marinig ang ma-awtoridad na boses ng kanyang kuya.
"It's okay, Vince. I'm okay."
Mataman akong tinitigan ni Vince. Mukhang tutol siya pero wala naring magawa kaya tumango nalang. Nakita ko naman ang ngiti ni Esme nang masulyapan ko siya.
"Sa kuwarto mo nalang tayo, Esme."
She nodded immediately. Dinaluhan niya ako at bahagya pang tinabig ang kanyang kuya para makadaan siya. Kumapit siya sa aking braso at iginiya ako sa kanyang kuwarto.
"Miss,"
Natigil kami pareho ni Esme at sabay na napalingon kay Vince. He's now looking at me intently. His eyes were full of concern.
"Are you really gonna be okay?"
I know what he meant. I think he's worried that I might not get comfortable sharing my past with Esmeralda.
"Oo nga," I chuckled lightly.
Masyado talaga siyang maaalahanin. Kaya mabilis akong nabihag, eh.
He narrowed his eyes on me when he saw me chuckling. Tumigil ako sa pagtawa pero pinanatili kong nakapaskil ang matamis na ngiti. I can't help it. My heart flutters thinking why Vince is like this.
"Sige. Habang nag-uusap kayo, magluluto ako." he informed me.
"Sarapan mo, ha?" I teased, to make the atmosphere even lighter.
Ramdam kong nag-aalinlangan siya at nag-aalala. He doesn't have to worry, tho.
"Para sa'yo, Miss." umangat ang sulok ng labi niya.
"Asus! Ayan! Dyan kayo magaling! Akala mo naman talaga may label!"
Natawa kaming tatlo. Hinila ko na si Esme papunta sa kuwarto niya habang sa kusina naman dumiretso si Vince. There, I told Esmeralda the truth.
"Sa ganda mong yan?! Naloko ka pa?!" nanlaki ang mata niya.
Bumuntonghininga ako.
"Unfortunately, yes."
Umiling siya nang paulit-ulit. Tila gulat na gulat at hindi makapaniwala. Kalaunan, matapos niyang paulanan ng mura ang ex ko, she fired me realistic motivational words.
"You deserve better, Dindin."
Tumango-tango ako.
"You deserve someone who has the same loyalty as you. Deserve mo iyong lalaking hindi ka lolokohin. Iyong mamahalin ka ng buong-buo. Siguro... mas maganda rin kung mas mahal ka ng lalaki. To make it all short, deserve mo ang kuya ko."
BINABASA MO ANG
Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)
RomanceKasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang pag-unlad. Kasama siya. Palagi. Ngunit kagaya ng lahat ng bagay, sa una lang masaya. Sa una lamang madali. Habang nagpapakalunod siya sa rel...