Kahit na nanginginig na ang buo kong katawan at halos mahimatay ako sa lakas ng tibok ng aking puso, nagawa ko pa ring ngitian ang batang babae. Ang anak ni Vince.
"You can say no if you don't want to, baby girl." may diin kong sinabi.
I saw how fear registered on the little girl's face. Nakita ko rin kung papaano humigpit ang hawak ni Vince sa kamay niya.
I felt a bit guilty because I must admit, I sounded mean. I guess I also look mean. Mukha na nga akong mataray kahit hindi naiinis, ngayon pa kayang nilulukob ng iritasyon ang sistema ko.
Naramdaman ko ang paghawak ni Scottie sa'kin, tila pinipigilan ako. I heaved a sigh as I try to pull myself together.
Claudine, as much as possible, avoid looking like a broken shit! And do not spit nonsense!
"Gusto niya, Miss."
Halos kilabutan ako nang marinig si Vince. Sinupil ko kaagad ang pagwawala ng aking puso. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at sarkastiko siyang nginitian. You fucking liar!
"Tita, Kia already said yes. Can we go to-"
"Scott, your father might want you to go home already." malamig kong giit.
I felt Vince's stare on me. Inangat ko lang ang aking kilay at hindi na nag-abalang titigan siyang muli.
"What time is it na po?"
"It's already-"
Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang mapagtantong hindi pala ako ang tinanong ni Scottie, si Vince pala!
"It's just eight thirty three, big boy."
I felt really annoyed when I heard him. Nakakainis ang boses niya. Nakakainis siya in general! Ang mukha niya. Ang bango niya. Lahat! Tangina.
"Papa told me I can be with you until ten pm, tita. It's still eight. So no, he doesn't want me to go home just yet." kompyansang sinabi ni Scott.
I raised my brows so high to save a face. Nahagip ng mata ko ang pag-angat ng gilid ng labi ni Vince. Wow. At talagang napahiya pa ako?
Pero sige. Dahil mahal ko naman si Scottie at ako naman talaga ang nag-aya sa kanya rito in the first place, sumang-ayon nalang din ako. Do I even have a fucking choice?
"Hayaan natin silang maglaro, Miss."
Binato ko ng matalim na tingin si Vincent. Tinitigan niya lang ako nang mataman. Tila nanunuri.
Habang ako ay halos maghyperventilate na sa inis at sa labis na pagkadismaya, siya naman ay nanatiling kalmado. I hate it. I hate how he looked so unaffected while I'm almost losing myself! Napaghahalataan kung sino ang patay na patay, huh?
Well, hindi na ngayon. Hinding-hindi ko na hahayaan ang sarili kong magpakalunod pa para sa lalaking 'to. I've wasted so much time waiting for him! And this what I've been waiting for, huh?
"Hinayaan ko na nga, di ba?"
Hindi man lang siya natinag doon, imbes ay ngumiti siya na para bang manghang-mangha sa'kin.
"Bakit parang galit ka?" the mockery in his voice was evident.
Paanong hindi ako magagalit, eh tangina ka? Ano nga ulit iyong sinabi mo sa'kin doon sa isla? Our love will prevail? You will wait for me? Eh bakit ngayon may anak ka na?
Anong nangyari, Vince? Bakit mo ako pinaasa? Bakit ka pa nangako kung hindi mo rin pala kayang tuparin?
"Hindi ako galit. May rason ba para magalit ako?" I asked coldly.
BINABASA MO ANG
Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)
RomanceKasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang pag-unlad. Kasama siya. Palagi. Ngunit kagaya ng lahat ng bagay, sa una lang masaya. Sa una lamang madali. Habang nagpapakalunod siya sa rel...