So far, this is the longest chapter I have ever written for MYS. Akala ko nga nasa epilogue na ako hahaha. Feel na feel, eh. Anyway, I do hope you enjoy this chap as much as I have enjoyed writing it.
~~~
Ang sabi, you fall the hardest the least you expect yourself to be. Totoo nga. Nahulog ako sa kanya sa pinaka hindi ko inaasahang pagkakataon. Sino ang mag-aakalang ang mag-asawa niyang sampal ang yayanig sa buhay ko? Ang magtutulak sa'kin para mahulog sa madilim at malalim na hukay ng pag-ibig.
Nakakainis! Naiinis ako, hindi sa babae kundi sa sarili ko. I still can't stop myself thinking about her, thinking where she'd rest for tonight. Despite her strong facade, I know she's frustrated! I can feel her frustration. At tangina, nakakafrustrate isiping nafufrustrate siya kung saan tutuloy!
Wala ba siyang kamag-anak dito? Galing daw kina Manang Edna? Bakit hindi nalang siya roon magpalipas ng gabi? Bakit magho-hotel pa?
"Esme?" tawag ko nang makapasok sa bahay.
Naupo ako sa couch, hilot-hilot ang sentido. Hindi ko alam kung bakit ganito ako ka-apektado.
"Yes, ya?"
Sumungaw si Esme mula sa front door. Sakto at mukhang paalis siya.
"Can you check on someone?" lumunok ako.
Am I seriously doing this? Fuck.
"Ha? Sino naman?"
"Babaeng dayo. Maputi, nakatali ang buhok at... maganda."
Nag-iwas ako ng tingin nang makaramdam ng hiya. Nakita ko kase ang paniningkit ng mata ni Esme at ang paghalo ng malisya sa titig niya.
"Type mo 'ya?" mapanuri niyang tanong.
"Madali mo siyang makikita. Nasa dalampasigan lang, hanapin mo. Kung hindi mo makita... bumalik ka nalang dito." I said, purposively ignoring her malicious remark.
"At kung makita ko?"
Natigilan ako at hindi makahanap ng maisasagot. Lahat ng naisip ko, tunog kataka-taka!
"Kilala mo ba siya? Dayo kamo, di ba? Bakit gusto mong i-check ko?"
"Nagkasalubong kami. Nagtanong sa'kin kung may hotel dito. Mukhang wala siyang matutuluyan..."
She raised a brow playfully.
"Ah... so... worried ka sa kanya?"
"Pwede umalis ka nalang, Esme?" napipikon kong sinabi.
Ngumisi siya at nanunuyang tumango.
"Kapag nakita ko siya 'ya, lalapit ako at kakausapin ko siya. Magpapakilala nalang ako bilang kapatid mo at-"
"Huwag! Huwag mo akong babanggitin sa kanya. Huwag mo ring sabihing... pinasundan kita."
That brat is assuming. Baka kung ano pa ang isipin niya.
"Huh? Bakit? Ano? Lalapit nalang ako sa kanya nang ganun-ganun? Isn't that weird?"
Hindi ko siya sinagot dahil wala talaga akong maisagot. Wala akong nagawa kundi batuhin siya ng malamig na titig.
"Oo na! Suuuus. Nato-torpe ka lang, 'ya. Pwede namang ikaw ang sumunod, nang-uutos ka pa." pagrereklamo niya.
"Esmeralda?!"
The last thing I've heard is her mocking laugh. Kung hindi ko pa naalalang kailangan ko pa palang magsaing ay baka natulala na ako sa couch, naghihintay sa balitang makakalap mula kay Esmeralda.
BINABASA MO ANG
Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)
RomanceKasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang pag-unlad. Kasama siya. Palagi. Ngunit kagaya ng lahat ng bagay, sa una lang masaya. Sa una lamang madali. Habang nagpapakalunod siya sa rel...