Kabanata 17

702 35 9
                                    

Kinahapunan, niyaya ako ni Esme na maligo sa dagat. She said she'll tour me around the island if I want but I refused. Sa susunod na araw na siguro. Sapat na sa aking makapaglakad-lakad lang sa dalampasigan. Kaya iyon ang ginawa namin.

"Don't you have friends here?" I asked Esme.

Papalubog na naman ang araw. The reflection of the gradient sky, that transitions from red to orange to yellow, looked majestic. 

Yumuko ako at tiningnan ang aking tsinelas na halos lumubog sa buhangin. We were slowly walking. Enjoying the crippling of waves and the laughters of children.

"Meron naman. Mangilan-ngilan nga lang. Na-aawkward sila sa'kin, eh. Hindi ko alam kung bakit. Pero may manliligaw ako rito." siya naman ngayon ang narinig kong humagikhik.

Ngumiti ako. Kumislap naman ang kayumangging mata ni Esmeralda.

"Must be the reason why you chose to stay here?" panghuhula ko.

Nilapitan ako lalo ni Esme. Nilingon ko siya kaya nakita ko ang kanyang kindat.

"Oo, eh. Huwag mong sabihin kay kuya, ah." 

Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa likuran. I shut my eyes briefly when the salty wind brushed my face.

"Bakit ko naman sasabihin? We're not close, you know." 

Nginisihan niya lang ako. 

"Speaking of, pumunta kaya tayo sa court?"

"Huh?"

"Nagbabasketball kase yun si kuya pag ganitong oras. Tara?" 

"Huwag na Esme-"

"Nandoon iyong manliligaw ko, Dindin. Please?" she looked at me using puppy eyes.

Umirap ako at nagpahila nalang din sa kanya. Maraming bumati sa'min habang papalapit kami sa court na sinasabi niya. 

Naglakad kami sa ilalim ng mga kahoy hanggang sa marating namin ang isang basketball court. Open iyon. Ang sahig ay sementado. May mahahabang benches na gawa sa kahoy sa gilid. Ang nagsisilbing bubong ng court ay ang mga dahon ng naglalakihang kahoy na nakapaligid. 

Hindi paman kami lubusang nakakalapit ay naghiyawang bigla ang mga kalalakihan. Nilingon kami ng mga babaeng naroon at nag-umpisa silang magbulungan. I suddenly felt uncomfortable. Pero dahil na-master ko naman ang art of deadma ay hindi ko nalang sila pinansin.

"Siya iyong tinutukoy ko kahapon!" 

"Guwapaha jud diay mga choi."

May iilang sumipol. They were all smiles but they didn't get even a small smile from me. 

"Tumigil nga kayo. Masyadong hayok sa mga magaganda." si Esme.

"Wew. Pakilala mo naman kami, Esme."

Hindi ko alam kung natigil ang laro nila pagdating namin o talagang tapos na silang maglaro. The boys are sweaty. May ilan pa akong nakitang walang pang-itaas. Halos lahat sila ay lumapit sa'min. Nahagip naman ng mga mata ko si Vince. Nasa kabilang bench siya, nakaupo. Umiinom ng tubig. Matalim ang tingin sa'min. Or sa'kin?

Iniwas ko ang aking tingin at naupo nalang sa tabi ni Esme. Sa bench na kinauupuan namin ay may iilang babae. I am aware of their stares but I didn't care.

"Anong pangalan mo, binibini?" 

I crossed my legs. Nag-angat ako ng tingin at halos ngumiwi ako nang makita ang lalaki. He was very sweaty. And his smell is not pleasing at all.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon