"Claudine, pasensya ka na talaga kay Jason. Hiyang-hiya kami ni Francisco sa'yo." mahinahong sinabi ni Auntie Edna.
Nasa loob kami ng bahay nila ngayon. Kung saan kami naghapunan noon, noong unang araw ko rito. Sina Vince naman at Tiyo Francisco ay nasa labas, nagkukuwentuhan. Tulog daw si Jason kaya kahit papaano ay napanatag akong dito sa loob makipag-usap, para rin may kaunting privacy lalo pa at confidential ang gusto kong malaman.
"Ayos lang po... kahit na nakaka-trauma ay naiintindihan ko naman na dala lang talaga iyon ng sitwasyon ni Jason." ngumiti ako.
Tinitigan niya ako at maya-maya pa'y malungkot na ngumiti.
"Salamat naman kung ganoon. Kase wala talaga kaming pambayad sa mga gamit mong nakuha niya. Ni isang sakong bigas nga, hirap na hirap naming mabayaran."
Bumuntonghininga ako, kasabay ng pagkirot ng aking puso. Mahirap nga talaga ang sitwasyon ni Auntie. With their life status and Jason's condition, life must have been tough.
"H-Hindi niyo po ba... nasubukang ipatingin si Jason sa doktor? Or.. wala ho bang mga medical mission na napapadpad sa islang 'to?"
I am not knowledgeable about Jason's psychological condition but I'm sure mental facilities can help him.
"Meron naman. Kaso... ayaw naman naming malayo siya, Claudine. Kahit ganyan... mahal na mahal namin ni Isko si Jason. Masakit para sa'ming ipaubaya siya sa iba at malayo sa'min. Kahit nga 'yang si Sir Vince, nag-offer na ipa-tingin sa espesyalista si Jason kaso ayaw talaga ni Isko. Hindi naman sa ayaw namin siyang gumaling... masakit lang talaga sa'ming malayo siya."
Can't you endure for a while in exchange of his healing? Despite the urge to ask her that, I nodded slowly. I can't judge her. Ayoko siyang kuwestiyunin kahit hindi ko siya lubusang maintindihan. Natural lang naman sigurong hindi ko siya ma-gets dahil hindi pa naman ako ina, I am not on her shoes.
"Sya nga pala, nasisiyahan ako at kina Sir Vince ka napadpad. Mababait ang magkapatid na Sarmiento. Hulog sila ng langit sa'min."
Hulog nga rin po talaga sila ng langit sa'kin.
"Nakakatuwa nga dahil minsan nang makita kita kasama si Ma'am Esmeralda, nakangiti ka at mukhang masaya. Kahit papaano ay naibsan ang guilt ko na imbes na sa amin ka tumira, sa iba ka pa tuloy nakituloy."
"Ayos lang po 'yun, Auntie. Ang babait nga po ng mga Sarmiento."
She smiled at me like she's also grateful and proud of them.
"Alam mo bang karamihan sa mga bangka rito, pagmamay-ari ni Sir Vince? Pati iyong kay Francisco. Bukod sa ipinamamahagi niyang ayuda buwan-buwan, namimigay din siya ng trabaho sa mga tao. Ang bait talaga ni Sir. Kung lahat lang siguro ng mayaman ay kagaya niya, namamahagi, siguro kahit papaano'y maiibsan ang kahirapan sa mundo."
Parang may kamay na humaplos sa puso ko. Nangingilid pa ang luha ni Auntie na tila ba ganoon siya ka-nagpapasalamat kay Vincent.
Hindi ako nagsalita dahil namamangha ako. Alam ko namang mabait at mapagbigay si Vince dahil nasaksihan ko naman 'yun, pero iba parin talaga ang pakiramdam kapag iyong mga taong natutulungan niya ang nakapagsasabi.
"Kaya nga rin hindi nakapagtatakang halos lahat ng kababaihan dito, may asawa man o wala, nahuhumaling sa kanya. Aba'y bihira nalamang ngayon ang lalaking may itsura na nga, may puso pa."
I know that too. Hindi naman talaga kataka-taka iyon. Pati nga ako, hindi ba?
"Hindi ba, Claudine?" makahulugang-tanong ni Auntie.
"Po?"
Ngumisi siya.
"Kahuma-humaling si Sir Vince, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)
RomanceKasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang pag-unlad. Kasama siya. Palagi. Ngunit kagaya ng lahat ng bagay, sa una lang masaya. Sa una lamang madali. Habang nagpapakalunod siya sa rel...