Asul:
You home?
Tiniim ko ang aking labi. Sa mensahe niya, naalala kong muli ang mga nangyari kanina. I don't know how to react but if there's one thing I am sure about is that I am not jealous.
"Oh? May kasalanan ba ang cellphone mo sa'yo?"
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang kadarating lang na si Bench. I turned my cellphone off and decided to totally ignore Blue's messages. Ayoko nang mag-reply. Napaka-feeling niya. Akala mo naman kung sinong gwapo. Ako nagseselos? Hah. Asa siya.
"Si Blue 'yan no?" pang-aakusa niya
Umismid ako bago tumayo. I walked towards my room to leave Bench at our sala.
The next days, I did my best not to cross paths with Blue. Inis na inis ako sa sinabi niya noong huli naming pagkikita. Hindi ko narin siya nireplyan. Kulang na nga lang ay isama ko sa blacklist ang number niya dahil nakakairita ang sunod-sunod niyang messages. Araw-araw. Walang palya.
"Claui, tara na kase!"
"Han, kase-"
"Come on. Magtatampo na si Wawa sa'yo niyan. Finals na, hindi ka parin nanonood!"
She's right. Pumupunta lang ako sa school para magpapirma ng attendance slip. After that, umuuwi na ako. Gustuhin ko mang mapanood si Josh, ayoko parin talagang makita si Blue.
"Nakapasok pala sila?" I asked, very outdated
"Oo! Nakakaproud nga eh. Walang panama ang mga naglalakihang college students."
Suot-suot ni Hannah ang green Intrams shirt ng High School department. Green head band at green balloon. Halos lahat ng nakikita kong high school student ay may ayos na kagaya niya. Nasita pa nga ako dahil blue shirt ang suot ko, kulay ng department na kalaban pa naman daw nina Josh ngayon.
"Huwag na. Naka-blue ako eh,"
"Okay lang, Blue rin naman ang pangalan ng susuportahan mo hindi ba?" ngumisi siya
Umismid ako.
"Isigaw mo nalang, go Blue!" at talagang nag-sample siya
"Alam mo? Nakakahiya ka-"
"Eto naman joke nga lang. Okay lang 'yan promise. Manghingi nalang tayo ng isa pang green balloon! May extra pa akong head band dito. Come on, Claui."
Bumuntonghininga ako at wala nang nagawa. Hannah lent me her extra plain green head band. Nanghingi rin siya ng isa pang green balloon mula sa SSG president para sa'kin.
Naka blue shirt, white fitted pants at white sneakers ako. Si Hannah naman ay naka green shirt tucked in her mom jeans. Sabay kaming tumulak papunta sa gym. Sa ingay, alam na namin agad na kanina pa nagsimula ang laro.
"Let's go high school! Let's go!"
"Wala na tayong mauupuan, Han." I stated the obvious
Punong-puno na kase ang bleachers. Kapansin-pansin ang mas maraming naka-green kaysa sa naka-blue. Kanya-kanyang sigaw pero mas malakas talaga ang sigaw ng high school department.
"Meron pa. Don't worry, I asked Wawa to reserve a seat for us. Yung malapit sa kanila. Tara!"
Nagpahila ako kay Hannah. We indeed were reserved a seat near the high school players' bench. Kami ang nasa pinakaibabang baitang, isang metro ang layo mula sa railings.
I was overwhelmed by the cheer of the crowd. Nakakabingi! I looked up to the score board only to find out why they were all so wild. Second half na pala, at sobrang dikit lang ng score. 45 against 47.
BINABASA MO ANG
Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)
RomanceKasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang pag-unlad. Kasama siya. Palagi. Ngunit kagaya ng lahat ng bagay, sa una lang masaya. Sa una lamang madali. Habang nagpapakalunod siya sa rel...