Chapter 10
Lakad takbo ang ginawa ni Jake, habang si Camille hindi na inintindi ang kasama. Naiinis s’ya sa lalaki kasi maarte at ang daming tanong pa. Ayaw ni Camille na mausisa na tao, ayaw n’yang lagi s’yang tinatanong.
“Teka!” sambit ni Jake
“Ano naman?”singhal naman ni Camille
“Saan naman tayo ngayon pupunta?” tanong ni Jake
“Sa impyerno!”kalmadong saad ni Camille.
“Ano?”ganito ang mata ni Jake O____O.
“Oo. Doon kita dadalhin kasi ang tao’ng gaya mo hindi nababagay dito sa lupa kaya sa empyerno na kita dadalhin.”
“May empyerno ba dito? Saan banda at ng makita ko rin Camille? " Sinasakyan ni Jake ang biro ni Camille
“Hindi ako ng bibiro Jake talagang dadalhin kita doon,”
“May maganda ba’ng mga babae doon Camille?”
“Marami, Jake. Kaya ihanda muna ang sarili mo kasi ang pupuntahan natin na impyerno at maraming magagandang babae.”
“Talaga lang ha, para ma enjoy ko naman ang mga mata ko tinitignan sila!”
Medyo kalayuan na ang nilakad nila, pero si Camille hindi napapagod.
Si Jake naman kinapos ng hininga kasi hingal na hingal na s’ya sa lakad takbo na sinusundan ang bawat hakbang ni Camille.
“Ano ba ito, hindi nalang ba pweding mag dahan dahan sa lakad namin. Ang sakit na nang paa ko ah,” sa isip nalang ni Jake.
“Camille, pwedi huminto muna tayo, ang sakit ng mga paa ko.” Reklamo ni Jake. Hindi na niya kayang mag lakad pa kasi hindi sya sanay.
Pero talagang desidido na si Camille na dadalhin sa ibang lugar si Jake, hindi para bibili ng mga kailangan ni Jake.
“Dadalhin kita sa lugar na hindi mo pa nakita, para matauhan ka kung ano ang pamumuhay ng mahirap na gaya ko!” hinihila pa rin s’ya ni Camille, hindi na binitawan ang kamay ni Jake.
" Kailangan ko na yata mag gym. Ang hirap talaga ng buhay ko sa kamay ni Camille. " bulong ni Jake sa sarili.
Habang hawak ni Camille ang kamay ni Jake may naramdamang parang nakuryenti si Camille, hindi n’ya mawari ano pero binaliwa na lang nya.
Hindi na inintindi ni Jake ang nilalakaran niya, hindi na rin s’ya ng reklamo. Ayaw na niyang narinig na mag salita pa si Camille. Feeling ni Jake umaapaw na ang init at galit nito.
Kung saan s’ya dadalhin doon nalang s’ya. Ng patianod s’ya sa paglakad kasi kahit ano’ng reklamo n’ya wala rin kasi mangyayari ‘di rin makikinig si Camille sa kanya.
Tahimik lang ang dalawa habang ng lalakad na sila, wala ng paki alam si Camille kong ano ang naapakan n’ya at gano’n din si Jake.
May nakita na si Camille na mas malala sa lugar n’ya himinto s’ya at tumingin kay Jake.
Ito ang lugar ng mahirap na tao, ito ang parte ng pilipinas kong saan makikita mo ang mga pulibi na gumagala sa kalsada para humihingi ng pera o pagkain.
“Sila ang mga totoong mahirap na walang makain Jake, kaya kung ano ang meron sa’yo ingatan mo huwag kang mag inarte at hindi bagay sa’yo.” Sabay talikod ni Camillie at iniwan n’ya si Jake.
Ang gusto lang ni Camille imulat ang mata ni Jake sa kapaligiran, makikita ang realidad. Makita na mas angat pa siya sa buhay kompara as nakita niya ngayon.
Nasa ‘di kalayuan nakatayo si Camille, tanaw n’ya si Jake tumitingin sa mga batang nag-takbohan sa gilid ng kalsada.
“Holy Crap! Ganito na ba kahirap ang pilipinas ngayon? maraming jobless at maraming pakalat-kalat sa kalsada na tao. Paano sila mabubuhay kung lagi nalang ganito.” Bulong ni Jake sa sarili.
Hindi maiwasan ni Jake na hindi maawa sa mga tao’ng nandoon, lalo na sa mga butang ng tatakbuhan na walang sapot sa katawan. Tinignan ni Jake ang kapaligiran na baka may mga restaurant na pwedi niyang mabilhan ng pagkain para sa mga tao.
Habang si Camille tinitignan n’ya si Jake, the way he walk and he move alam n’yang mayaman si Jake. Duda lang n’ya ito pero wala s’yang katibayan kung ano ang totoong pagkatao ng binata.Itutuloy
BINABASA MO ANG
Mahal kita pero Mahal mo ay Iba ( Completed)
FanfictionAng Kwentong 'to ay isang bunga ng kaaningan kung utak. hindi po ako magaling na manunulat kasi alam ko na tamad ako sa edit. kayo na ang bahalang umintindi ng kaaningan kong utak. Maraming salamat sa pag basa ng kwentong ito. God Bless