Chapter 29
SA NAISIP ni Camille parang gusto na niyang tumawa pero naisip niya nasa drama siya ngayon kaya mag seryoso muna siya.
" Ano ba ang ngyari sa akin, instead na pag isipan ko ang sinasabi ni Jake iba naman nasa isipan ko ngayon." Kastigo niya sa sarili. Yumuko muna siya at pinag isipan kung dapat ba niyang gawin ang isang bagay na alam niyang makakatulong sa kanya.
"Bahala na si Tarsan nito kung ano ang kahinatnan ng lahat," Tumingin siya sa mukha ng binata na nakakunot ang noo.
Hindi alam ni Camille na kanina pa siya tinignan ng binata kasi sa hitsura niya. Ang gulo kasi ng buhok niya tapos ang kanyang mga luha natuyo sa pisngi.
"Aba! baka naisatinig ko kanina ang pagkasabi ko na may kuto siya, nasabi ko ba 'yon 'di naman bumuka bibig ko kanina." Mapaisip tuloy siya sa ngyari kanina.
Na carried away kasi siya sa ngyari hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin niya para layuan si Raul.
Hinarap ni Camille is Jake at ng salita ito.
"Jake, payag na ako sa gusto mong mangyari at sana 'di tayo papalpak sa gagawin natin."
Buo na ang loob niya pasukin ang plano na payo ni Jake.
" Sana pag nalampasan ko ito hindi na nila ako gulohin pang muli." Sa isip ni Camille
Sa narinig ni Jake parang natauhan siya sa sinabi ni Camille. Hindi niya akalain na papayag din ito sa gusto niya.
"Camille, pwedi mo pa pag isipan ang lahat bago ka mag pasya." Suhesyon niya sa dalaga.
"Hindi na Jake. Buo na ang pasya ko at hindi na mag babago pa." Lakas loob niyang sabi
"Sana hindi ko lang pag sisihan ito sa gandang huli." Naisambit niya sa sarili.
" Well, kung ganon planohin na natin ng maaga. Bukas tawagan ko ang pinsan ko at pakiusapan ang lahat. Malalaman mo bukas ang sagot niya." Paliwanag ng binata.
Pagkatapos pumasok na siya sa kanyang kwarto at pinakawalan ang malalim na hininga.
Hindi niya alam na hahantong sa ganon ang mangyayari sa buhay niya.
Sarili niya ang naiipit ngayon.
"Ah,Basta tutulongan ko siya. If ang naramdaman kung awa sa kanya ay isang daan para mahalin ko siya. Ay bahala na."
Hindi na niya matuloy tuloy ang sasabihin kasi may tumawag sa kanya ang katiwala ng bahay na iniwan sa pangangalaga ng mayordoma.
"Hello, Manang, kamusta po."
"Hello. Nako! Iho, may nag hanap sa'yo isang babae na ubod ng sexy at ganda."
"Sino manang?"
"Si Cheska raw ang pangalan niya."
"Pakisabi nalang na wala na ako d'yan at nasa honeymoon ako kasama ang asawa ko."
"Sus maria husep! Mahabagin Dios. Mag biro ka lang iba huwag lang 'yan"
"Totoo manang ang sinabi ko. Malapit na kami uuwi d'yan kasama siya."
"Nako kang bata ka! Hala sege kung 'yon na sabihin ko sa kanya. Uwi na kayo ng maaga at ng makilala ko na 'yan." Natatawang sabi nito
"Opo malapit na po. Paano manang maraming salamat."
"Walang anuman iho. Oh sege ibaba ko na ang telephono para puntahan siya. Mag ingat ka lagi d'yan"
"Kayo din po manang. Paalam"
Si Cheska ay kababata niyang kaibigan na mayaman din ang pinagmulan at nag iisang anak lang ito.
Magkaibigan ang kanilang magulang pero simula ng naaksidinte ang kanyang magulang nawala na ang kanilang komunikasyon kasi pumunta din si Cheska sa america at doon na pinagpatuloy ang kanyang pag aaral.
Kinabukasan maagang nagising si Camille para mag luto ng agahan.
Nakaluto na siya ng magising si Jake.
Kumain na sila ng agahan at pagkatapos nag salita na si Jake.
"Camille, pumayag na ang pinsan ko. Gusto mo ba na makasal ta'yo sa next month?"
Ang hindi alam ni Camille na ang sinabi niyang pinsan na mayaman ay walang iba kung hindi si Jake mismo.
Hindi kasi niya sinabi kay Camille ang totoong pangalan noong unang dating niya sa bahay ng dalaga.
" Ok, payag na ako 'di ba." aniya sa binata
"So, mamaya I will arrange everything. Ano ba ang gusto mo magarbo o simpling handaan lang?"
"Ikaw na ang bahala Jake," matamlay niyang sagot nito
Naintindihan naman niya is Camille kasi ramdam niya na labag sa kalooban ang gagawin.
"Camille, pwedi ka pang umurong."
Nakita niya na hindi masaya ang dalaga kaya nasabi niya ang ganon.
"Bakit pa ako uurong eh makaganti na ako sa kanila at isa pa ikaw ang pakasalan ko 'di ba at masuwerti ako kasi ang pogi ng mapapangasawa ko, at malas nila kasi hanggang tingin nalang sila sa'yo pag nag pakasal na tayo." Mahabang lintanya niya.
"Ay isa pa sarap papakin ang nagandahang dibdib mo kasi may 6 packs abs ka na kakaloka." Gusto man niyang idogtong pero hindi na niya masabi baka isipin ni Jake ay mas siya ang excited sa kasal nila.
Pero totoo naman na excite siya kung ano ang kahinatnan ng kanilang plano.
"Sana Camille pag nalaman mo ang buong pagkatao ko hindi mo ako kamuhian at ewanan." Bulong niya sa kanyang isip habang tinignan ng binata ang dalaga ng huhugas ng pinggan.
Itutuloy
BINABASA MO ANG
Mahal kita pero Mahal mo ay Iba ( Completed)
FanfictionAng Kwentong 'to ay isang bunga ng kaaningan kung utak. hindi po ako magaling na manunulat kasi alam ko na tamad ako sa edit. kayo na ang bahalang umintindi ng kaaningan kong utak. Maraming salamat sa pag basa ng kwentong ito. God Bless