Chapter 27
Tinignan ni Raul si Camille mata sa mata nakiramdam ang puso niya kung siya pa rin ba ang tinitibok ng puso ni Camille pero nakikita niyang galit sa ang nasa mata at hindi na niya pa makayanan titigan ulit ang dalaga.
Lumapit is Jake sa kanilang dalawa at pagkalapit daling inakbayan ang dalaga.
"Pasok muna tayo sa loob Raul. Sweetbaby, bakit hindi kayo sa loob mag usap ng masinsinan ni Raul. Pangit tignan na nandito kayo sa bungad ng pinto." Sabay tingin ni jake sa mukha ng dalaga.
Ginawa 'yon ni Jake para pawiin ang galit ni Camille kasi naramdaman niya na hindi na makapagpigil ang dalaga sa mga naririnig mula kay Raul.
Naramdaman ni Jake ang sakit sa kanyang tagiliran hindi niya maramdaman na kinurot pala siya ni Camille sa bandang gilid niya.
Nabahala kasi siya na baka mag taray ang dalaga kay Raul hindi niya alam paano kaya minabuting umiksina siya. Sa ginawa ni Jake medyo nakapag isip si Camille na hindi maganda ang ginawa niya, oo nga na wala siyang natapos pero naalala pa rin niya kung paano pakiharapan ang mga taong gaya ni Raul.
"Iha, huwag pairalin ang galit dyan sa puso mo kung gusto mong makamit ang pangarap na inaasam mo. Mahirap magpatawad ng taong sinaktan ka pero sa bawat sakit na binigay niya may natutunan ka naman. Sana lang pag laki mo lagi mong pakatandaan na walang maidulot na maganda ang nagalit, manumbat at dapat marunong magpatawad. Ipasa Dios nalang ang lahat." Ang mahabang lintanya ng kanyang lola noong nabuhay pa ito.
Napapikit si Camille habang naalala niya ang pangaral ng kanyang lola.
Lumabas na siya sa kanyang kwarto at nagpunta sa kusina para magluto ng pagkain.
Habang is Raul at Jake nasa labas pa rin.
"Mahal mo ba talaga si Camille, Jake?" Tanong ni Raul sa kanya.
Nag dahil sa tanong ni Raul nagimbala naman is Jake kung ano ba dapat ang isasagot sa lalaking kaharap.
Pero naisip niya hindi naman masama kung minsan mag sinungaling siya kay Raul kung alam niya na makakabuti naman sa dalaga. Kahit alam niya sa sarili Mahal niya ang dalaga
"Yes I do."
"Kung mahal mo siya huwag mong hayaan mapunta sa iba. I know engaged na kayo pero hindi ako susuko na ganon lang kukunin ko siyang muli kasi alam kung minsan na niya akong minahal hindi naman siguro mahirap paibigin muli si Camille sa mga kamay ko."
"What do you mean?" Maang tanong ni Jake sa kausap
" Kukunin ko ulit siya mula sa'yo." Kampyansang sagot ni Raul kay Jake.
"Are you sure? Oo nga, minsan ka niyang minahal at ang daming sakit naman ang naranasan niya mula sa'yo. Huwag kang hibang pangarapin siyang muli kasi hindi rin ako papayag na mapunta siya sa mga kamay mo. Sisiguraduhin ko 'yan sa'yo." Masamang tingin ang binigay ni Jake kay Raul.
"Gagawin ko ang lahat bumalik siya sa akin. Kami ang nangarap ni Camille na bubuo ng masayang pamilya. Kaya ako bumalik para ipagpatuloy 'yon." Ani ni Raul
"Sige, gawin muna ang lahat para bumalik siya sa'yo, kasi ako gagawin ko din ang lahat para hindi ka niya balikan. Simula sa araw na ito I will arrange our marriage as soon as possible. Tignan ko lang kung babalik pa ba siya sa'yo." Nakakalukang ngiti ang binigay ni Jake kay Raul.
Medyo nagulat si Raul sa narinig hindi niya akalain na mag pakasal na si Jake at Camille sa lalong madaling panahon.
"Raul, lagi mo Isipin na minsan ka niyang minahal at maraming beses mo din siyang sinaktan. The worst is pinamukha ng ina mo kung ano ang kalagayan ni Camille sa buhay. Sa tingin mo babalik pa ba siya sa'yo? Baka masayang lang ang effort na binigay mo sa kanya."
"At least I fight for my love. Sumubok ako sa pangalawang pagkakataon, ipinaglaban ko siya at kung ano man ang kahinatnan ng lahat tanggapin ko ng buong puso."
Pagkatapos ng salitang binigkas ni Raul umalis na ito sa bahay ni Camille at diretso sa kanyang kotse.
Pagdating sa kotsi ni Raul pabagsak niyang sinirado ang pinto ng sasakyan at hinanpas ang manibela hindi siya papayag mapunta is Camille sa iba.
"Babalik ako rito araw araw para ipakita ko sa'yo Camille na seryoso akong bawiin ka mula sa lalaking mahal mo ngayon." At saka lang pinaandar ang sasakyan at umalis.
Samantalang si Camille umiiyak habang nakikinig sa pinag usapan ng dalawa.
Nag tago siya sa likod ng pintuan at tahimik nakikinig sa dalawang lalaking ng uusap sa labas.
Ng naramdaman niya na umalis si Raul saka na siya umalis sa pinagtaguan at ng punta sa kusina.
Habang si Jake naman tinignan ang lalaking paalis na bagsak ang balikat.
Alam niya nasaktan si Raul sa ngyari sa kanila ni Camille pero ano pa ba ang magagawa niya. Kung 'di tanggapin ang lahat na nangyari sa buhay.
"Hindi ako papayag Raul na saktan mo muli si Camille." Saad ng kanyang isipan bago pumasok ng bahay.
Itutuloy
BINABASA MO ANG
Mahal kita pero Mahal mo ay Iba ( Completed)
FanfictionAng Kwentong 'to ay isang bunga ng kaaningan kung utak. hindi po ako magaling na manunulat kasi alam ko na tamad ako sa edit. kayo na ang bahalang umintindi ng kaaningan kong utak. Maraming salamat sa pag basa ng kwentong ito. God Bless