Mahal kita pero Mahal mo ay Iba by Angel White Chapter 33 ( Finale)

404 11 4
                                    


Chapter 33 ( Finale)

Ngumiti nalang si Jake kasi hindi niya alam kung paano pa losutan ang kalokohan ng dalaga na sobra niyang mahal.

Napagpasyahan nang dalawa na sa susunod na buwan ang kanilang kasal.

Sa mga araw nang nag-daan busy sila pareho.

Inaayos nila ang sa simbahan, reception, ang motif, bulaklak, kinausap na rin nila ang pari, abay sa kasal at kung ano pa.

“ I hope this is not only a dream,” bulong ni Jake sa sarili.

Nakita niya na masaya si Camille sa mga nangyayari sa kanila.

Alam niya sa bawat ngiti nito ay hindi pagkukunwaring masaya, kung ‘di galing sa puso niya.

Tumingin sa kanya si Camille at ngumiti sa kanya, kaya ang ginawa niya ay ngumiti rin ito ng hanggang tenga kung aabot lang.

Sa nakita niya kay Camille pagkatapos nakita ang ngiti niya ay nakasimangot nalang.

“ Nako naman ,Jake ,huwag kang ngumiti ng ganyan at maraming babae rito,” sa isip niya.

Napawi ang ngiti ng dalaga kasi ang inakala ni Camille sa kasamang babae ito ngumiti hindi sa kanya.

Naramdaman naman ni Jake ang pag iba ng kanyang mukha kaya ang ginawa ng binata ng flying kiss na ito para mapawi ang inis.

“ Selosa ka rin Camille hindi halata sa reaction mo,” bulong ni Jake sabay iling ng ulo.

Isang araw may napansin si Camille sa mga taong pumunta sa bahay nila.

Naka unipormi itong pangkatulong at ang tawag nila kay Jake ay senyorito.

Napag isip si Camille sa narinig niya pero sabi niya baka ‘yon lang talaga ang tawag kay Jake kasi pinsan ito ng kanilang seryorito.

Nagtaka man siya kung bakit hindi niya nakita ang nasabing pinsan pero saka nalang niya tanongin pag hindi na sila busy dalawa.

***

Wedding Day

Nag hintay na si jake sa altar ng  ng simbahan.

30 minutos ng late si camille kaya nang isip siya nang hindi maganda.

“Sana ‘di ng backout si Camille sa araw mismo na ito,” bulong niya sa sarili sabay huminga ng napakalalim.

‘Di naman nagtagal natanaw na niya ang sasakyan ni Camille kaya kampanti na siya huminga ng malalim.

Ang akala niya ‘di siya siputin ng dalaga sa araw ng kasal.

Pagkalabas ni Camille tinawag niya si Jake na papuntahin muna sa sasakyan.

Lumapit naman sa kanya ang binata at tinanong ito.

“Bakit? Ano ang meron Camille?” nagugulohan nitong sambit

“ Pasok ka muna sa sasakyan Jake,” si Camille

Pumasok ang binata at umupo sa tabi niya.

“Ngayon sabihin mo sa akin, ano ang problema?” tanong ng binata sa kanya.

“Sigurado ka na ba sa naramdaman mo? Ayaw kung mag pakasal na awa lang ang naramdaman mo sa akin!,”

“ Nako po! Ako lang ‘yong taong hindi basta basta mag pasya na ‘di buo ang loob. Sana naman Camille huwag kanang mag duda.” Inis na sagot ni Jake sa dalaga.

“ Naniguro lang ako kaya,” si Camille

“ Bakit ikaw ba ‘di ba siguro?” balik niyang tanong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal kita pero Mahal mo ay Iba ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon