Mahal kita pero Mahal mo ay Iba by Angel White Chapter 26

144 4 0
                                    

Chapter 26

Pagkababa ng tawag nag asikaso na si Jake para sa pag punta ng palengke kasama si Camille.

Natapos ang araw na 'yon at pareho silang pagod kasi maraming bumili ng mga isda kasi gwapo raw ang ng titinda.

Todo ngiti naman si Jake sa kanyang pag tinda kasi 'yon lang ang alam niyang mabisang gawin para maakit ang mamimili. Hindi na niya ginamit ang mga tauhan kasi baka mahalata na siya ni Camille laging nauubos ang paninda nila.

Pag-uwi ng bahay naabutan ni Camille si Raul sa labas ng bahay nila.

Nakaupo ito sa may upuan na kahoy malapit sa pintuan. Kunot noo niya itong tinignan at nagtaka bakit pa pumunta sa kanila kung tapos na ang relasyon nila noon.

Wala na rin siyang plano makipag balikan pa sa binata kasi ayaw na niyang maranasan ang lait laitin at pinamukha siyang basura sa ina nito.

Tumayo si Raul nang nasa bungad ng pinto si Camille para buksan ito.

"Hi!" Bati ni Raul sa kanya.

" Bakit narito ka?! Hindi kana welcome sa pamamahay ko!." Pagalit na sagot ni Camille. Wala na rin siyang pakialam kung marinig ni Jake ang kanilang pag uusapan kasi alam naman ni Jake ang ngyari sa lovelife niya noon.

" Narito ako kasi mahal kita, at handa na akong ipaglaban ka sa magulang ko Camille," saad ng binata

Sa narinig ni Camille parang umuusok ang tenga niya sa sinabi ni Raul.

Galit at poot ay bumabalik na ulit sa kanya, ang mga ala alang kinalimutan.

Hindi niya akalain na sasabihin 'yon sa kanya ni Raul.

Humarap siya at ngsalita mismo sa harap ni Raul.

"Pakiulit nga ang sinabi mo?" Hamon niya sa binata.

"Mahal Kita, Camille, ayokong mawala ka sa akin. Handa na ako ngayon ipaglaban ka kanino man." Kampanting sabi ng binata

"Ay gago ka pala eh! Matapos mo akong ewan, matapos mo akong pinabayaan at sinaktan heto ka ngayon para sabihin na handa mo akong ipaglaban sa pamilya mo.? Tama ba ang narinig ko o nabingi lang ako!" Paniniguro niya at kasabay pang aasar kay Raul.

"I'm sorry Camille pero totoo ang sinabi ko sa'yo ngayon."

"Ano ba ang magagawa ng Sorry?Bakit Raul? Noong panahon na kailangan kita, nasaan ka? Noong mga panahon na umiyak ako sa panlalait ng ina mo pinagtanggol mo ba ako? Hindi kasi duwag kang ungas ka! Sinayang mo lang ang pag mamahal at attention na binigay ko sa'yo." Hindi na mapigilan ni Camille ang luha niya kasi kusa na itong dumaloy sa pisngi.

"I'm sorry Camille, pero noong mga panahon na 'yon hindi pa ako handa na harapin sila kasi umaasa pa ako sa mga magulang ko. Oo nga, naging gago ako pero pinag sisihan ko 'yon simula noo'ng ikaw ay mawala." Pagak na boses habang ng paliwanag si Raul kay Camille.

Samantalang si Jake palipat lipat ang tingin sa dalawang taong nasa harap niya.

Nakikinig naman siya kasi nasa bungan ng pinto si Camille hindi siya makakapasok ng bahay.

Gusto sana sumingit ni Jake at sabihin na hindi tama ang mag sumbatan sa isa't isa pero naisip din niya na sino siya sa buhay ni Camille para pag sabihan niya.

Kaya nakinig nalang siya hanggang saan matapos ang sumbatan ni Raul at Camille kahit pa nangawit na itong nakatayo.

"Tama na Raul, wala ng patutunguhan ang pag punta mo dito, ang lalim ng sugat na iniwan mo sa akin noon pero nakaya kung harapin 'yon kasi ang sa atin hanggang nakaraan nalang na hindi kayang balikan. Isang nakaraan na may malaking aral sa akin." Saad ni Camille sabay punas ng kanyang mata gamit ang kanyang kamay.

" Camille, isang pag kakataon lang ang hiniling ko sa'yo para ituwid ang kasalanan ko at patunayan ko sa'yo na ikaw lang ang mahal ko mula noon at hanggang ngayon. Ikaw lang ang laman nito. Pangako!," sabay turo ng kanyang dibdib patunay na si Camille lang talaga ang laman ng puso niya.

Totoo naman ang sinabi ni Raul sa kanya mula ng naghiwalay sila 'di na ito nagawang mag mahal ulit.

Batid niya ang paghihirap ni Camille noong nawala'y sa kanya ang dalaga pero tinakot siya ng kanyang ina na mawawalan siya ng mana kung patuloy niyang mahalin ang dalaga.

Sinumpa kasi ng ina ni Raul na kapag nakipag relasyon pa ito sa kanya ay gawing misirable ang buhay ni Camille.

Kaya mas pinili niya'ng magpakalayo muna at tuparin ang pangarap sa buhay.

Ngayon nakamit na niya ang tagumpay at handa na sana ito'ng ipaglaban si Camille. Mawalan man siya ng mana at least may pera na siyang ipon noong ng aaral pa siya.

Doubling tipid ang ginawa niya para makaipon ng sapat na halaga pero wala rin ngyari kasi ayaw na ni Camille nakipag balikan pa.

" Ano ang gusto mong gawin ko Camille? Bumalik ako gaya nang naipangako ko sa'yo noon na sabay nating buohin ang pangarap na magkasama." Hindi na rin mapigilan ni Raul ang mga luha niya kasi mas nasaktan siya sa kanyang nalaman na ayaw na ni Camille sa kanya.

"Wala kang ibang gawin kung 'di lubayan muna ako. Wala ng tayo at kahit hindi na madugtungan ang nakaraan. Isang bangongot lang 'yon sa buhay natin na dumaan at kailangan kalimutan. Sana naintindihan mo ako Raul. Tama na ang pasakit na dulot ng ina mo at sa'yo. Mag hanap kana ng babaing nabibilang sa kayamanan ninyo. Engaged na ako sa bagong lalaking mahal ko ngayon at walang iba kung 'di si Jake na kasama ko dito sa bahay." Mahabang paliwanag ni Camille.

Sabay tingin sa likuran at ngitian si Jake.

Kahit nag sinungaling siya pero alam niya'ng 'yon ang tama.

Ayaw na niyang masaktan gaya noon kaya siya na mismo ang umiwas kay Raul.

Masakit para sa kanya ang mga salitang binibigkas sa bibig pero wala na rin siyang dahilan para magpatuloy ang kanilang relasyon.

Itutuloy

Mahal kita pero Mahal mo ay Iba ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon