Chapter 25
Kinabukasan maagang nagising si Jake at Camille halos magkasabay ang gising.
Nakasanayan na ni Jake na sa pag bangon niya mag iigib ng tubig. Habang si Camille naman ay mag luto ng agahan.( Parang mag asawa lang silang dalawa. Hahahah)
Magkasabay na silang kumain at naisip ni Jake na sabihin ang plano niyang pag hihiganti sa pamilya ni Raul.
"Ah! Camille, may sasabihin sana ako sa'yo," bungad na salita ni Jake habang kumakain silang dalawa.
"Ok. Ano 'yon Jake?" Tanong niya dito "May plano sana akong pag higantihan ang pamilya ni Raul kung ok lang sa'yo?" Nakayukong tugod ni Jake sa dalaga.
"Bakit mo naman naisipan pag higantihan si Raul at ang pamilya niya?" Balik tanong ni Camille na medyo gulat sa nalamang plano sa binata.
"Di'ba nilait ka ng ina niya at iniwan ka ni Raul? So, ang plano ko ipapatikim sa kanila ang paghihiganti mo sa lahat ng panlalait ng kanyang ina." Paliwanag nito sa kanya
"Paano ko gagawin 'yon kung mahirap lang ako at isa pa wala akong kakayahan na gawin 'yon. Oo nga, mahirap lang ako pero hindi naman tama ang gumanti sa kapwa Jake. Sorry, pero ayokong gawin 'yon at mas lalo ng ayoko masangkot ka sa problema ko. Hayaan muna sila kasi hindi naman na ako makipag relasyon ulit sa mayayaman tulad nila."
Mahabang salita ni Camille kay jake. Sa narinig ni Jake ay parang nawala na ang effort na ginawang pang imbistigasyon sa pamilya ni Raul. Pero nakaisip ulit siya ng opinyon para maisakatuparan ang plano niya.
Ewan niya bakit gusto ni'yang tulongan si Camille at ayaw niya itong laitin simula ng nakilala niya ang dalaga.
"Eh, paano kung babalik si Raul dito? Tapos sabihin ibalik ang nakaraan ninyo'ng dalawa at mag sorry siya sa'yo tapos ng dahil sa matamis na salitang binibigkas niya ay patatawarin mo naman ang Ungas na 'yon!" Sa narinig na salita ni Jake kay Camille napa-isip siya at binalansi ang mangyayari kung mag katotoo man.
" Eh, di mag panggap akong engaged sa'yo, problema ba 'yon." Wala sa loob na sagot ni Camille.
"Ano? Mag panggap na engaged ka sa akin?" Sabay turo sa sarili ni Jake.
"Bakit? Masama ba! Wala ka naman GF di'ba kaya ok lang. Kasi wala din akong BF." Nakangiting tugon ni Camille sabay tumayo.
Si Jake Naman ay nagulohan sa pangyayari na dapat is Raul ang paghigantihan ay siya naman ang pinagtripan ni Camille.
"Ano'ng nakain no'n at ako ang napagtripan. Ke, aga aga lakas mang alas sa akin." Bulong nito sa sarili.
Tinignan niya ulit ang kanilang agahan, kaping mais at pandesal ang kinain nilang dalawa.
Napakamot sa ulo is Jake habang napa-isip din siya sa sinabi ng dalaga kanya na engaged.
"Loka-loka na yata ni Camille bakit 'yon pa ang naisipan. Pero, hmmm. Pabor yata sa akin ito at ng makilala ko na siya ng tuloyan. Paano 'yan ayaw niyang makipag relasyon sa mayaman. Paano kung malaman niya ang katayuan ko sa buhay." Pag alala ni Jake sa sarili.
May naalala pala siyang Tawagan ang kanyang secretarya na si Lai Emam.
Ngtrabaho ito sa kanilang kompanya mag limang taon na, simula ng mawala ang mga magulang niya ito na ang gumagabay sa negosyo nila kasi dati itong ngtrabaho sa kanyang ama.
Hindi na rin niya pinalitan ang mga empleyado ng kompanya kasi mas alam nila ang pasikot sikot kay sa kanya.
"Hello, Lai, good morning!" Bati ni Jake sa kanyang Secretarya
"Good Morning too Sir," balik bati sa kanta.
"Can you please Call Mr. Raffy Drilon for me?."
"Yes Sir, what is the message for Him?" Tanong niya sa kanyang gwapong Boss.
"Tell him that, all the doucuments regarding of what I ask for him to put in my table. Please put in the envelop and close it." Nasabi nalang niya ito para hindi malaman ng kanyang secretarya ang plano.
"Ok sir, I will."
"And also can you check it for me if the envelop is close. so, no one will read that paper's."
"Sure Sir."
"Ok, thank You Lai and Take Care. Gonna go." Paalam niya sa kanyang secretarya.
"Welcome Sir and Thank you for the Call."
Pagkababa ng Telephono ni Lai at napaisip ito." Ano kaya ang laman ng envelop na 'yon at kailangan pa talagang itago."
Itutuloy
BINABASA MO ANG
Mahal kita pero Mahal mo ay Iba ( Completed)
FanfictionAng Kwentong 'to ay isang bunga ng kaaningan kung utak. hindi po ako magaling na manunulat kasi alam ko na tamad ako sa edit. kayo na ang bahalang umintindi ng kaaningan kong utak. Maraming salamat sa pag basa ng kwentong ito. God Bless