Mahal kita pero Mahal mo ay Iba by Angel White Chapter 30

152 4 1
                                    

Chapter 30

Matuling lumipas ang amin na buwan buhat ng napagkasunduan nila ang plano ay hindi sinasadayng mahuhulog ang loob nila sa isa't isa.

Inaamin ni Jake sa sarili niya na hindi mahirap mahalin ang dalaga at nakilala niya ito ng lubusan. Hindi sila ng mamadali sa pag pakasal kasi iniisip ni Camille na mas mabuti ng ipagpaliban ito kasi nakiramdam siya na baka hindi na siya guluhin pa ni Raul.

Nag tagumpay sa plano nina ni Jake at Camille kasi hindi na ito bumalik simula ng huling pagkikita. Sa mga buwan na lumipas sinabi ni Jake ang totoong naramdaman sa dalaga, nahiya at ng dalawang isip itong aminin ang totoo pero sa isip niya hindi naman nakakamatay ang sumubok.

Tatlong buwan din siya'ng nanligaw kay Camille bago sinagot ng dalaga.

Kahit inalila siya ni Camille ng ilang buwan hindi siya ng reklamo kasi alam niya sa bawat pag titiis may tagumpay nang hihintay. Hindi naman siya ng kamali kasi mismong si Camille na ang sumuko sa mga pinagagawa niya.

Nandon na ang mag igib ng tubig araw at gabi, mag luto ng agahan hanggang hapunan. Nag linis ng buong bahay at naglaba siya.

Kahit hindi niya nasubukan buong buhay ang mga gawain na 'yon pero pinapakita niya kay Camille na kaya niya ang lahat. Kahit nagkasugat sugat ang kamay niya at maraming kalyo na ito ngumiti nalang siya at ng sabi sa sarili" Kailangan mag sumikap para sa puso ko at kinabukasan ko. Kaligayahan ang nakasalalay dito hindi ang prinsepyo."

Isang araw namasyal ang dalawa sa PICC at tumambay sa isang damuhan ng renta ng kumot si Jake para may mahigaan sila ni Camille.

"Salamat sa pag mamahal mo Jake." Ani ni Camille sabay tingin kay Jake.

Lumapit sa kanya ang binata at hinawakan ang dalawang kamay nito.

"Sana hindi ka mag sasawang mahalin ako Camille," sambit ng binata

"Jake, hindi naman nakakasawa ang mag mahal, ang masakit lang eh 'yong paulit kang nasasaktan at niloloko sa taong mahal mo. Sana hindi ka ganon, pinagkatiwala ko ang puso ko sayo ngayon at sana ingatan mo ito. Minsan na ako ng mahal ng lubusan at iniwan ayaw ko na sanang maulit pa 'yon. " Nakayukong saad ni Camille ayaw na niya titigan ang mukha ng binata.

"Hinding hindi kita iiwanan at sasaktan Camille I can assure you that. My Heart only belong to you."

"Sana nga Jake. Alam ko marami pang problemang darating sa atin, pero sana sabay nating harapin 'yon. Walang mang iiwan ha."

"Pangako Camille. Hindi mangyayari 'yon."

Nagtagal ang magkasintahan sa park ng PICC kaya hindi nila alam nakatulog na pala sila.

Gabi na nang magising silang dalawa kaya ng pasya nang umuwi ng bahay.

Pagkadating sa bahay nakita ni Camille si Raul ng hihintay at may dalang bulak lak ang binata.

"Hi, Camille." Bati ni Raul sa dalaga.

"Hello, Raul." Walang kaemosyon na sagot ni Camille.

"Eto nga pala para sa'yo." Sabay abot ng binata kay Camille.

"Sorry, pero hindi ko 'yan matatanggap Raul."

Medyo napahiya naman is Raul sa sagot ng dalaga kaya hindi na niya pinilit na ibigay ang kanyang dalang bulaklak.

Katahimikan ang bumabalot sa kanilang tatlo.

Hindi na rin nag salita si Jake kasi ang akala niya tanggapin ni Camille ang dalang bulaklak at chocolate.

Pero nagulat siya ng tanggihan ito ng dalaga.

Kaya nagpasya si Jake na pumasok na sa bahay at hindi na ito nag paalam sa dalawa.

"Camille, ano pa bang gagawin ko para bumalik ka?" Tanong ni Raul

"Wala na Raul," maikling sagot ng dalaga.

"Mahal pa rin kita at hindi ka naalis dito sa puso ko. Mahal na mahal kita." Naiyak na saad ng binata.

"Namatay na ang pagmamahal ko sa'yo Raul simula ng iniwan mo ako. Pinapangako ko sa sarili ko na pag bumalik ka muli hindi na ako magpapauto sa'yo. Ang hirap pala mahalin ang taong duwag at takot sa magulang. Walang prensipyo." Ani ni Camille habang ang mga luha nito at hindi kayang pigilan.

Itutuloy

Mahal kita pero Mahal mo ay Iba ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon