Chapter 24
Lumabas muna si Jake ng bahay para pag isipan ang lahat ng plano kung tama ba ang ipaghiganti ang kalagayan ni Camille.
Binabalansi niya ang mga pangyayaring naganap bago gumawa ng hindi kanais nais na hakbang at pag sisihan sa bandang huli.
Isa nalang muna ang nasa isipan niya 'yon ay kunin ang kompletong detalye ni Raul. Saan ito nakatira, gaano ba kayaman ang pamilya nito at anong uri ng negosyo ang meron ang pamilya ni Raul.
Kinuha niya ang mobile sa kanyang bulsa at may tinawagan itong tao. Ilang ring lang ang narinig niya at may sumagot na agad sa kabilang linya.
"Hello!" Umpisa ni Jake
"Hi Sir, Magandang Gabi po." Magalang na bati sa kabilang linya
"Magandang gabi din naman, Hindi ba ako nakaabala sa'yo?" Direktang tanong ni Jake sa kausap
"Hindi naman po Sir, kahit po ba busy ako basta kayo ang tumawag wala po'ng problema sa akin."
"Mabuti kung ganon. May ipapagawa ako sayo at gusto ko malaman ang kompleto na detalye sa taong ito.
Kailangan ko ang kasagutan bukas na agad para mapag aralan ko ang lahat." Paliwanag ni Jake sa kausap kasabay na binigay buong pangalan ni Raul at Address nito."Ok. sir, ariglado po at bukas malaman mo na ang lahat tungkol sa taong ito." Pag bigay assurance ng kausap ni Jake.
"Maghintay ako bukas ng tawag mo at sana bago mag takip silim tumawag kana. Gusto ko kahit na kaliit liitan na impormasyon sa taong ito makuha mo." Saad ni Jake.
Ang gusto lang malaman ni Jake ang weakness ni Raul at ang pamilya nito bago isagawa ang plano niya at kahit papaano makakatulong siya kay Camille.
"Opo Sir. Makakaasa po kayo na ang lahat na gusto mong malaman sa taong ito ay makukuha ko kinabukasan, asahan mo po na bago mag takip silip may magandang balita na ako sa inyo." Panigurong sagot ni Raffy kay Jake.
Siya si Raffy Drilon isang tanyag na detective, mahusay sa lahat ng bagay lalo na sa paghahanap ng taong nawawala at ipapahanap.
Matagal na itong kilala ni Jake kasi ng trabaho din ito sa kompanya ni Jake pero hindi pinapahalata o pinakilala sa kompanya para kung may maganap na anumalya o di kanais nais sa kompanya si Raffy ang maghahanap ng kasagutan.
"Maraming salamat." Pasalamat ni Jake sa kausap kasi alam niya na gagawin lahat ni Raffy para may maibigay itong impormasyon bukas.
"Huwag ka muna mag pasalamat sa akin Sir hanggat wala pa akong nagawang hakbang." Pagtatama ni Raffy
"Alam kung magagawa mo ang lahat kaya advance Thank You na. Paano maghintay nalang ako ng kasagutan bukas."
"Ok. Ingat sir at salamat sa bago kung trabaho." Natapos ang pag uusap ng dalawang lalaki at pumasok na is Jake sa bahay para tanungin si Camille.
Sa pag pasok ni Jake ng bahay wala ng Camille nakita niya, tinignan niya ang kusina tapos na itong ng hugas nang pinggan at nasa maayos na ang lahat.
Tinignan niya ang kwarto ng dalaga at nakita niya wala na itong ilaw at alam niyang pagod ang dalaga at maagang natulog para bukas maagang gigising para mag banat ng buto para ika bubuhay.
Itutuloy
BINABASA MO ANG
Mahal kita pero Mahal mo ay Iba ( Completed)
FanfictionAng Kwentong 'to ay isang bunga ng kaaningan kung utak. hindi po ako magaling na manunulat kasi alam ko na tamad ako sa edit. kayo na ang bahalang umintindi ng kaaningan kong utak. Maraming salamat sa pag basa ng kwentong ito. God Bless