Mahal kita pero Mahal mo ay Iba by Angel White Chapter 15

152 2 0
                                    

Chapter 15

Nakita ni Jake nakatulala na si Camille kaya niyogyog niya ito

“Camille, ano’ng ngyari sayo?”

Wala pa rin reaction si Camile kaya ang ginawa ni Jake pinindot niya ang ilong. Doon lang natauhan si Camille.

“Arayyyy!” malakas na tili ng sigaw nito.

“Ano ba!” sigaw niya kay Jake

“ Sorry. Kasi naman nabahala na ako sayo. kanina pa ako ng salita pero ikaw umiyak nakatulala,” paliwanag ni Jake kung bakit niya pinindot ang ilong ni Camille.

“Sakit non ah,” reklamo ng dalaga.

“Sa susunod huwag kang nakatulala para hindi ko pakialaman ang ilong mo Camille,” kunot noo’ng sagot ni Jake.

Pero deep inside masaya si Jake sa nakikitang mukha kay Camille, gusto man sana siya’ng tumawa habang kausap ang dalaga pero pinigilan niya ang sarili na ‘di matawa baka suntokin siya nito sa ilong.

Nagtaka man si Camille sa sinabi ni Jake kaya ng tanong siya.

“Nakatulala ba ako?” sabi niya sabay irap sa kaharap

“Pakialaman ko ba ang ilong mo kung hindi, Aba! Ng afternoon dreaming ka yata! Pag ganyan ang lagi mangyayari say o kailangan na kita’ng dalhin sa mental hospital. Mag patingin tayo kaya doon.” Ngiting sambit ni Jake

“Sa pagkakaalam ko pag mental hospital ang usapan ‘di ba sira ulo lang ang nandoon,” inosenting tanong ni Camille kay Jake.

“Oo,” sagot ni Jake nag –alala siya na baka mabatukan o masuntok siya sa kamao ni Camille

“Ikaw ba ha! ginagago mo ako Jake? Eh, ano’ng tingin mo sa akin may sira sa utak at kailangan ko mag patingin sa doctor at dalhin sa mental hospital!” singhal niya kay Jake.

Si Jake naman natakot sa nakikita sa pag mumukha ni Camille ang pula sobra ng mukha.

“Camille, ano ang susunod nati’ng gawin?” tanong ni Jake pero ang totoo umiiwas na siya sa mga matutlis na titig ng dalaga.

Naramdaman ni Jake ang bawat titig sa kanya ni Camille na isang babala na ito para itikom ang kanyang bibig.

Habang si Camille kinakausap ang sarili sa pamamagitin ng pag iisip.

“Makuha ka sa tingin Jake kong ayaw mo’ng lapain kita sa bawat tingin kong ito, kung ‘di ka pa makuha sa mga tingin ko nako ewan ko lang ano pa ang gagawin ko sayo.” Pag-bibiro bulong ni Camille sa sarili.

Gusto na niya’ng humahalak-hak sa nakikitang reaction ni Jake pero pigil ang tawa niya.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
( sarap ng tinginan nilang dalawa hahaha)

(Patula Muna: Maraming salamat sa inyo’ng Mahal ko’ng tagasubay-bay sa kwentong ito, abot hangga’ng tenga ang ngiti ko sa bawat comments nababasa ko at ‘di maiiwasan ang saya’ng nadarama ko. Taos puso po ako’ng mag papasalamat sa inyo’ng lahat at lalo na sa Diamond Heart Romance Page. kay Sis Camille,  To all my Co -Writer’s salamat. Admin’s and Creator’s thanks for giving me a chance to be part of this page.  To all readers of this story I LOVE YOU ALL! GOD BLESS US.)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nakita naman ni Jake ang pagkaiba ng mukha ni Camille kaya napaisip siya tuloy.

“Ano kaya ‘yon galit ba o ng galit-galitan lang para makuha niya ang attention ko?” kausap sa sarili ni Jake.

“Teka lang may binubulong ka ba Jake?” sigaw ni Camille sa lalake.

“Wala naman! naguguluhan lang ako sayo kasi sa mga pinapakita mo’ng kilos at pananalita,” tugon ng lalaki sa kanya.

“Ah ok! Tara na doon sa cashier at ng ipakwenta natin itong lahat magkano ang babayaran mo.” wikani Camille

“Tara!” sagot ni Jake.

Kanya-kanya sila’ng bit-bit ng plastic bag para ipakita sa may ari ang kanilang nakita.

“Aling Flor, mag kano ang t-shirt na ito?” masayang tanong ni Camille

“35 isa kasi bago’ng labas lang yan Camille” sagot sa kanya ni Aling Flor.

“Aling Flor, tawad naman ako. 20 isa kasi lima naman siya kaya segi na tatawad ako. Lahat ng mga kakilala ko dadalhin ko dito para sayo na bibili ng ukay-ukay.” Sabay paglalambing ni Camille sa may-ari.

Si Aling Flor, isang dalagang matanda at hindi kayang pag hindian ang dalaga kasi itinuring na niya ito’ng anak.Wala kasi siya’ng asawa at anak kaya si Camille ang ginawa niya’ng anak anakan.

Mahal niya ang dalaga at para sa kanya ito lang ang ng papasaya ng araw niya pag lagi siya’ng binibisita.

Nakasanayan na rin niya ang presensya ng dalaga at hinahanap niya ito kung ‘di masilayan sa isang araw.

Minsan tatawagan niya  at bigyan siya ng mensahi na kunyari may bagong damit siya’ng buksan.

Sa ganon na paraan alam niyang puntahan agad siya ng dalaga.

“Nako! Kung ‘di kita itinuturing na parang anak ‘di kita----.” Hindi naituloy ni Aling Flor ang sasabihin kasi nakita niya ang kasama ni Camille na pamilyar sa kanyang isipan.

Itutuloy

Mahal kita pero Mahal mo ay Iba ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon