Chapter 31
Pagkatapos nag salita si Camile ay umalis na ito sa harap ni Raul.
Pumasok na siya agad sa kanyang kwarto at doon siya umiyak ng umiyak.
Hindi niya namalayan pumasok sa kanyang kwarto si Jake at tinignan siya nito nakadapa sa maliit na kama.
"Kung kailan handa kana mag let go sa kanya saka pa bumalik sa'yo at sabihin I still love you." Ani ni Jake
"'Bat ganon siya Jake? Pinipilit pa rin niya ang sarili niya kahit nandyan ka. Alam mo ba? Nasasaktan ako sa mga salitang binitawan ko, kasi minsan siyang naging parti ng buhay ko."
" Alam mo kasi Camille ang mga lalaki naduduwag pag tinatakot sila ng kanilang magulang, lalo na pag mayaman sila at mahirap ang mapupusoan ng kanilang anak. Iniisip kasi nila na pera lang ang habol ng babae sa kanilang anak which is some are true but other's is not. Gaya mo hindi mo hinabol ang kayamanan na makukuha ni Raul sa kanyang pamilya." Mahabang paliwanag ng binata.
"Sana nga 'yon ang iniisip ng kanyang ina pero hindi eh."
"Camille, iniiyakan mo siya samantalang ikakasal kana sa akin,"
"Oh, so, meaning nag seselos ka?" Inayos niya ang sarili at umupo kasi gusto niyang makita ang mukha ng binata habang sagutin ang tanong niya.
"Sinong bang matino na lalaki ang hindi mag seselos. Alam na nga niya na ikakasal kana sege pa rin siya ng sege na parang linta." Kalmadong sagot ng binata.
"Ows! nag selos pala ang isang tao na lagi nandyan para sa akin." Ani ni Camille hindi pa rin nawala ang iyak at hikbi nito.
"Kung pwedi ko lang isaksak sa baga mo ang puso ko, ginawa ko na para malaman mong ikaw lang ang laman nito." Saad ni Jake kasi 'di niya maiwasan na nag seselos siya kay Raul
"Ano ka ba naman seryoso ako dito tapos umipal ka!" Inis na sagot ni Camille
"Hoy, Camillia, umayos kana nga 'dyan tignan mo nga ang sipon mo oh tumulo na. 'Di mo man lang pinunasan." Biro niya kay Camille sabay tawa ayaw na niya kasing makita si Camille na umiyak pa.
" Aba! Maka Camillia ka naman wagas rin ah. Hoy! Jakey, epal ka talaga kahit kailan. Seryoso na nga ako ng emote dito umaasungot ka naman. Nawala na tuloy ang iyak moment ko." Sagot niya sabay talikod.
"Kasi naman Camillia, he's not the one who deserve your tears. Alam mo 'yon! Pag patay na siya saka umiyak ka pati dugo, 'yon worth niya ang emote mo."
"Grabi ka naman mag salita Jakey oi. Sege na nga hindi na ako mag emote at ng 'di kana mag selos." Sabay palo ng ulo ni Jake.
"Aba! Sumusobra kana Camillia ah." Sabay sunod kay Camille.
"Bakit? Ano ba ang ginawa ko sa'yo?" Taas kilay na tanong niya.
"Sa susunod pag pinalo mo ako
makikita mo kung ano ang kapalit sa bawat palo mo sa akin.""Oh, talaga? Ano ang gagawin mo sa akin pag pinalo ulit kita ngayon? Kiss mo ba ako?" Matapang na sagot ni Camille
"Paano kung mas higit pa doon ang gawin ko!"
"Ano nga ang gagawin mo? Pag hindi mo sinabi lagi kitang papaluin."
"Gusto mo ba talagang malaman?"
"Oo,"
"Ang gagawin ko lang naman sa'yo ay itali kita sa puno ng Mangga, tapos kukuha ako ng bubuyog at ipahalik sa buong katawan mo. Gusto mo 'yon?"
"Ay huwag na! Kung kiss mo nalang baka tanggapin ko pa."
"Hehehe, joke lang 'yon sa akin. Kung ano ang gusto mong punishment 'yon ang gagawin ko. Kung gusto mo ng kiss walang problema." Sabay halik sa labi ni Camille.
Nagulat si Camille sa pag halik ni Jake kaya nakiki ayon nalang siya sa mainit na halikan nilang dalawa pero nagpasalamat ang dalaga kasi lagi nandyan ang binata para damayan siya sa lahat ng pagsubok sa buhay.
Minsan naisip niya jake is a blessing from God kasi dumating ito sa tamang panahon na kailangan niya ng karamay.
Pagkatapos nag mainit na halikan lumuhod si Jake sa harapan niya at nag salita ito.
"I know I'm not the first who come into you're life but I wish I'm the last, Camille. Would you like to share my life with me for eternity?"
Itutuloy
BINABASA MO ANG
Mahal kita pero Mahal mo ay Iba ( Completed)
FanfictionAng Kwentong 'to ay isang bunga ng kaaningan kung utak. hindi po ako magaling na manunulat kasi alam ko na tamad ako sa edit. kayo na ang bahalang umintindi ng kaaningan kong utak. Maraming salamat sa pag basa ng kwentong ito. God Bless