Mahal kita pero Mahal mo ay Iba by Angel White Chapter 20

176 3 0
                                    

Chapter 20

SA PALENGKE

Ng umpisa ng buksan ang puwesto ni Camille kung saan naka lock ang mga gamit nito sa ilalim ng lamesa niya.

Binuksan niya ito at kinuha isa-isa ang mga gamit, tumingin lang sa kanya si Jake at ngumiti.

“Hoy! Huwag ka nga mag pa cute diyan, paki puntahan mo naman si Aling Pasita at sabihin mo sa kanya isang Bandera na isda lang ang ibibinta ko ngayon sa kanya.” Utos niya sa binata.

“Camille, hindi ko alam saan banda siya,” pagdahilan ni Jake.
“Jake, pumunta ka sa dulo ,tapos kumaliwa ka mag tanong ka doon kung saan ang lamesa ni Aling Pasita. Hala! Lakad na para marami tayo’ng maibinta ngayon.” Pag taboy niya sa binata.

Naisipan kasi ni Camille ‘di muna siya mag titinda ng marami at pagod siya kagabi. Total naman may pera na siya at ang kikitain nila ngayon ay pangbili ng pang araw-araw na pagkain.

Hindi na siya nabahala na mag ipon kasi siya at alam niya malaki na ang kanyang inipon simula nang nag titinda siya ng isda sa palengki.

Kagabi kasi nakita niya na hindi sanay si Jake sa pag halungkat sa ukay-ukay kaya naisipan niya itong tulongan.

Nakita naman niya na patungo sa kwarto pagkatapos naligo kaya palilim niya’ng nilabhan ang mga pinamili sa ukay-ukay. Naawa lang siya sa lalaki noong nakita niya ang kamay nito ng kasugat-sugat sa kaiigib ng tubig.

Gusto niya itong lapitan at gamutin ang mga sugat pero hindi na niya inintindi baka iba ang isipin nito sa kanya.

‘yon nga lang naubos ni Camille ang tubig na inigib ni Jake kaya napaaga ang gising ng binata kasi pabalik balik siya sa C.R at buti nalang may tubig doon at di inubos ni Camille,
kasi pag inuubos ni Camille ang tubig sa C.R ewan lang niya kung ano ang gagawin ni Jake.

Nakita niya si Jake na papalapit sa kanya may dala itong isang banyera’ng isda at naka ngiti ito sa kanya.

Lumapit ito sa dalaga at kunot noo naman ang naging reaction ng dalaga sa nakikitang pag mumukha sa binata.

“May ngyari ba’ng hindi ko alam? Bakit ganyan ka ngiti hanggang tenga pa?” tanong ni Camille.

“Kasi kanina pag punta ko doon kina Aling Pasita may dalaga pala doon na ubod ng ganda at ang sabi niya gusto niya ako kaya napatawa ako at di ko namalayan nakita mo naman,” sagot ng dalaga sa kanya.

Sa narinig ni Camille binaliwala niya total di naman niya gusto ang binata.

“Ito na ang ibinta natin  sa ngayon at para matapos tayo sa pag tinda,”paliwanag niya sa binata sabay bukas ng banyera.

Nahiya si Camille kay Jake kasi ng volontaryo pa ito na tutulong sa kanya pero ang kapalit libre siya ng bahay at pagkain sa saraw araw.

Nilagyan na ni Camille ang lamesa nila ng isda at nakita na rin niya si Jake nakaupo na ito sa upuan kung saan nandoon ang lagayan ng pera niya.

“Di naman siguro itatakbo ni Jake ang mga pera ko doon, kaya doon na siya kasi ako na sa taga hiwa ng mga isda hindi pa naman kasi alam ni Jake paano ang tabas ng mga isda.” Sa isip ni Camille.

Sa kabilang isip naman niya ito ang naisip” Paano kung itatakbo ni Jake ang pera gayong ng bayad nga siya ng malaki sayo, hindi magagawa ni Jake ang mangupit. Sayang ang gandang lalaki niya kung mangungupit lang pala. Maulawan ng dignidad”

Ng diriwang ang utak niya kasi ang pinapanigan niya ay ang pangalawang pag iisip.

Di ng tagal dumarami ang mga taong bumibili ng isda niya di  mapagtanto ni Camille kung bakit ang daming nakapila sa lamesa nila.

Ng dahil sa busy ng kanyang isip di niya namalayan marami ng tao.

Ng mamadali siyang tumakbo at tinulongan niya si Jake.

Natapos ang kanilang paninda wala pang tatlong oras mula ng inilabas nila ito, sa may kalayuan may nakita siyang lalaki na para sa kanya isang multo ng nakaraan na dapat hindi na niya makita kahit kalian pa man.

Itutuloy

Mahal kita pero Mahal mo ay Iba ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon