Mahal kita pero Mahal mo ay Iba by Angel Whit Chapter 5

200 7 4
                                    


Chapter 5

Ngumiti nalang is Camille sa nakikitang reaction ni Jake, alam nya na hindi ito sanay sa mahirap na buhay. Base sa pagkakaalam n'ya pag ang kamay ng tao walang kalyo eh mayaman na, pero sa isang bahagi ng utak nya baka hindi lang ito sanay magtrabaho.

"Dyan ka umopo oh." Sabay turo ni Camille sa upuan.

"Saan ka naman uupo?" Tanong ni Jake kay Camille habang ang mga mata nito ay nghahanap na pweding maupuan n'ya.

"Kakain nalang akong nakatayo, sanay na ako doon." Sagot ni Camille habang nakangiti.

"Bakit ka naman nakatayo?" Takang tanong ni Jake kay Camille.

"Hello, nakita mo naman isa lang ang upuan kasi nasira ang isa hindi ba."
Pagkasabi ni Camille parang lalabas ang mata sa inis nito.

" Ano ba ito ang tanga alam naman n'ya isa lang ang upuan nasa mesa." Bulong ni Camille sa sarili.

"Ay, malay ko ba! Kung alam ko, mag tatanong ba ako s'yo." Medyo inis din sabi ni Jake.

"Hay, nako kumain kana nga lang dyan!." Taas kilay na salita ni Camille.

" Ano ito?" Sabay kuha ni Jake sa isang mangkok na tinulang isda.

"Eh di ulam! Huwag mong sabihin ngayon ka lang nakakain nyan?" Takang tanong ni Camille.

"Hehehe, hindi naman." Pagtanggi ni Jake. Sa totoong buhay ngayon lang din makain si Jake ng ganun ulam.

Ayaw nya na malamin ni Camille ang mission n'ya sa buhay.

"Mag sandok kana ng kanin, tapos kuha ka ng isda at gulay. " Utos ni Camille kay Jake kasi hindi naman ito kumibo habang titig ito sa mga pagkain nasa harap.

Ng dalwang isip si Jake na kumain sa tinulang isda.

Pag hapunan kasi sa kanila ni Jake mga karni, salad at may desert pa ito,kasama na doon ang Red Wine. Pero ngayon ang nakita nya tinulang isda at kanin lang which is new to him

May kinuha s'yang isang putahi na ulam at inamoy.

"Ano naman ito Camille?" Habang tinakpan na ulit ni jake ang ilong nya ayaw nya sa baho sa inamoy na ulam.

"Hala, ngayon ka lang ba nakakita nyan Jake. Tuyo po yan as in T.U.Y.O."
Camille spell tuyo with a loud sound of her voice.

Parang ng tuturo lang s'ya ng Kinder grade school.

Nagulat si Camille sa inasta ni Jake kasi ang sabi nito laking mahirap, pero bakit hindi alam ang mga ulam mahirap. Lalo na ang tuyo na paboritong pagkain ng mahirap at affordable ng bulsa.

"Hindi naman, kasi ang kinain ko na tuyo as in T.U.Y.O eh malaki na isda yon hindi gaya nito ang liit nila." Pangatwiran ni Jake. Di ng pahalata na hindi talaga sya kakain at nababahuan sya sa amoy nito.

Ayaw na nya mag duda si Camille base sa mga pinapakitang pag tatanong o reactions nya ngayon. Kaya kumuha na sya ng kalahating tuyo.

"Alam mo ikaw, huwag kana mag inarti, kasi bagay naman sana sa'yo umastang mayaman, kaya lang nandito ka sa mahirap na mundo . Huwag kang mag kunwaring mayaman. Intyendes?" Medyo nawalan nang ganang kumain si Camille. Nairita na si Camille kay Jake dami reklamo sa harap ng pagkain. 

Hindi na ng salita pang muli si Jake, nag sandok na s'ya ng kanin, tapos kumuha ng isda at gulay.

Si Camille naman tahimik na tinignan ang mga ginawa ni Jake kasi naramdaman n'yang di ito sanay sa pagkain na mahirap.

Habang kumakain si Jake sa isip nya." Ito pala ang mga kinakain ng mahirap, ito ang amoy ng tuyo at ganito pala ang buhay nila sa araw araw. Kakayod o mag banat ng buto sa umaga para sa kahapunan may makain sila. Ganito ba ang mga kinakain ng mga kasambahay ko sa bahay."

Hindi na namalayan ni Jake naubos na pala nya ang tinolang isda at kumain din s'ya ng dalawang tuyong galong gong.

"Akala ko ba ayaw n'ya sa niluto kong ulam bakit naubos, at ang lakas pa naman kumain ng taong ito. Mamumulubi ako pag araw araw ko itong ilebri ng pagkain. Paano na ang pag iipon ko." Ng lalarong katanongan na salita ni Camille sa isipan.

Pagkatapos kumain ni Jake ay dumighay ito bilang tugon sa tyan, nabusog sya sa kanyang hapunan. Hindi kakain ni Jake na sa simpling pagkain ay naramdaman niya ang busog sa tyan.

"Wow, ang sarap pala ng ulam mahirap!." Hindi mapigilang salita ni Jake.

"Ano ngayon ka lang nakakain ng ganito?" Takang tanong ni Camille kay Jake.

" Hindi ah. I mean ngayon lang ulit ako nakakain ng ganito. Ma miss ko lang kainin kaya naiba pagkasalita ko." Pag dahilan na sagot ni Jake para di mahalata ni Camille na ngayon lang talaga sya nakakain.

"Wew! Muntik na akong mabuko dun ah." Bulong ni Jake sa sarili.

Alam n'ya sa sarili ngayon lang s'ya kumain ng tinolang isda at tuyo. Which is his new step of adventure.

Nasarapan s'ya kaya hindi namalayan naubos na pala ang nasa mangkok na tigulang isda with malonggay, dahon ng kamote, at saluyot.

Di makapaniwala si Camille sa narinig. kaya, she look at Jake with an angry face.

" Ang ganda mo pala, ngayon ko lang napansin" bulong ni Jake sa sarili pero hindi niya alam napalakas ang sabi nito kaya narinig ni Camille.

" Ano ang sinabi mo?"

Itutuloy

Mahal kita pero Mahal mo ay Iba ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon