Hannah
"What do you think, sister?" tanong ni Rica pagkatapos.
Inanggulo ko ang ulo ko para makita ang buhok sa maliit na salamin. "'Di ko masabi. Ano sa tingin mo?"
"Maganda. Bagay sa 'yo. Nagmukha kang mas bata."
Sabay kaming lumingon ni Rica. Nakasandal ang braso ni Migs sa railing ng balcony, sapo ng palad ang pisngi niya.
"I know! Ang galing talaga ng magic powers ko," kumento ni Rica.
"Mamaya na ko magpapataw ng judgment kapag nakita ko na sa malaking salamin," sabi ko.
Dumating kasi si Rica kanina para tabasan ang buhok ng Lolo ko. And then I looked at my hair na sobrang haba na at dry na yung dulo kaya napagpasiyahan ko na ring magpagupit. Tinanong ako ni Rica kung anong gusto kong style. Binigyan ko siya ng permiso na gawin kung ano sa tingin niya ang babagay. Tuwang-tuwa naman siya dahil may free control siya sa buhok ko.
Marami ata siyang tinabas. Ang gaan na kasi ng pakiramdam ng ulo ko. Ayaw kong tumingin sa sahig para i-confirm ang dami ng nawala pero kung matino pa rin naman ang hitsura ko, ayos na.
"Buti na lang nilagyan mo siya ng bangs. Hindi ko na makikitang nagtataray ang kilay niya," natatawang puna ni Migs. Nang makatanggap siya ng glare mula sa 'kin, nginitian niya lang ako.
"Kumusta pala si Hook?" patungkol ko sa kabayong kagabi pa niya binabantayan.
Bumaba ang dalawang gilid ng labi niya. "Down. Magdamag naming binantayan ni Lino pero hindi na siya makatayo. Colic."
Nakisimpatya ako sa kanya. Hindi rin pala madaling maging beterinaryo. 'Di naiiba kung tao ang pasyente mo. Sa tuwing iinda sila ng sakit, hahanapin mo yung nagdudulot sa kanila noon at gagamutin mo. Mas mahirap pagdating sa mga hayop. Kasi hindi nila kayang isaboses ang nararamdaman nila. Hindi madaling i-point out kung anong problema sa kanila. Worse, kapag sobrang nasasaktan na, wala nang ibang magagawa kundi tanggalin ang sakit through death.
"Paano, maiwan ko muna kayo. Pinapatawag ako ni Doc Revilla sa clinic." Sumampa si Migs sa railing at hinawakan ako sa batok. Tapos hinila niya ako palapit sa kanya para halikan ako sa noo. "Bye Hannah. Sabay tayong maghapunan ah. Rica," tumango siya sa direksyon ng katabi ko.
Nang makalayo na, narinig kong nag-sigh si Rica. "That is one fine ass."
Pinigilan kong ngumiti dahil iyon din ang iniisip ko.
Pagkaangat ko ng tingin ko kay Rica, nakita kong nagniningning ang mata niya. That can't be good.
"Kumusta yung dinner date niyo ni Fafa Migs? Grabe ka girl! Tatlong araw na ang lumipas, wala man lang akong balita!"
"Ayos lang," sagot ko. Ang totoo, it was more than that. Pagkatapos ng gabing iyon, bumalik kami sa bahay at naghiwalay sa pintuan ng mga kuwarto namin. Nagpalit ako ng damit at maingat na inilagay ang dress na galing kay Migs sa hanger. Habang nakahiga ako sa kama ko, iyong damit lang na iyon ang nakikita ko. Binalikan ko ang buong gabi at kung anong ibig sabihin noon para sa akin. Tapos napangiti ako.
Hinawakan ko ang dibdib ko para makasigurong hindi mawala yung namumuo roon. Ano bang nangyayari sa loob? Tinutubuan na ba ako ng puso? Iyong emptiness na lagi kong nararamdaman for so many years, wala na roon. Napalitan na ng iba. Something new. Something scary.
Paikot-ikot ako sa kama ko noong gabing iyon. This time, iba ang dahilan ng pagiging aware ko sa dis-oras ng gabi. Hindi ko maalis sa isip ko ang mga malumanay na dampi ng kamay ni Migs sa kamay ko. Yung mga pagtama ng tingin namin across the dinner table. Yung mga maliliit na ngiting pinagsasaluhan namin. Kung paano niya ako hinagkan habang sumasayaw kami. And the kiss...
BINABASA MO ANG
The Sweetest Escape
General FictionIsang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang nagawang bitbitin ni Hannah nang tumakas siya sa bahay niya. Anim na taon matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, naisip niya na it's enough...