Hannah
Hindi ganoon kalinaw ang mga pangyayari nang magising ako pagkatapos ng halos dalawang oras na dreamless sleep. Ang naaalala ko lang ay yung pag-inom ni Migs at pagyakap niya sa akin sa dulo pero bukod doon, medyo malabo na. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit niya ako nayakap nang walang laban mula sa akin. Baka in a few hours, bumalik ang lahat sa akin.
Ewan ko kung anong nangyari, pero medyo umayos yung gising ko kung ikukumpara sa grouchy at detached attitude ko nitong nakaraang buwan. Somehow, the dark cloud hanging over my head is finally giving me a break.
Baka nakainom ako ng sleeping pills nang hindi ko namamalayan?
Unlikely. Wala sa kwarto ko yung pills dahil delikado sa lagay ko ang magkaroon ng ano mang klase ng drugs within reach. Pinapainom lang sakin kapag nagkakaroon ako ng disturbance sa pagtulog ko. Kapag sobrang tindi ng nightmares at nagigising ko si Lolo at Manang Lita sa lakas ng mga sigaw ko.
Pagdating ko sa office ni Janice, si Migs pa rin at yung insidente ang nasa isip ko. “Ano sa tingin mo ang mangyayari kay Migs? Babalik ba siya sa alcoholic tendencies niya dahil sa ginawa niya?”
Medyo nag-tilt yung ulo niya dahil sa biglaan kong pagtatanong. Mukhang may ginawa at nasabi na naman akong worthy na mailista sa journal niya. “Posible. He can become extremely upset. Even if it was not his choice, he may take it to mean that he has relapsed. Pwede niyang gawing dahilan iyon para ma-justify ang pagbabalik niya into a full-blown alcoholic. And then he’ll be back to square one.”
Nabahala ako bigla.
“Pero huwag kang mag-alala. Iba-iba ang effect depende sa tao. Sa pagkakakilala mo ba sa kanya, mukha siyang mabilis matukso ng alak?”
Hindi ko na kinailangan pang mag-isip. “Hindi.”
“Then he’s going to be fine. Let’s talk about you,” pag-iba niya sa usapan. Nginitian niya ako. “Ikaw ang pasyente ko.”
Kahit na na-assure niya ako, nababahala pa rin talaga ako. Pero itinulak ko muna si Migs palayo ng usapan namin. “Ako ang nagbabayad sa’yo,” I said drily.
Lumawak ang ngiti niya. “That’s right.”
Pasensyoso niyang hinintay ang susunod na sasabihin ko. Ang gulo-gulo sa loob ng isip ko pero iisa lang ang gusto kong mangyari. “Gusto ko nang gumaling. Help me.” My voice broke when I asked for help. Ngayon lang lumabas ang mga salitang iyon sa labi ko, halos nahirapan pa akong sabihin ito sa kanya.
“That’s why I’m here, Hannah.”
Pinakalma ko muna ang sarili ko. Mahirap pala ito. “Ano ang dapat kong gawin?”
“Magsimula tayo sa pagkilala mo sa sakit mo. Alam kong sinabi ko na sa iyo ‘to noong unang araw mo rito pero let’s orient you again.
“You are experiencing post-traumatic stress. Normally, pagkatapos ng isang traumatic experience, ang utak at katawan ay nakaka-experience ng shock. But after you make sense of the situation, you get out of it. PTSD, however, occurs kapag hindi naalis yung shock na iyon sa system mo. Yung memory mo tungkol sa nangyari at yung feelings mo rito ay nagiging disconnected. The goal here is to move on from the event, kaya importante na harapin mo yung memory at yung feeling. Pagdating sa treatment, kailangan nating balikan yung emotions at sensations mo sa original event para maalis natin yung hold ng trauma sa buhay mo.”
“Paano kung ayaw kong balikan? Araw-araw at gabi-gabi akong minumulto ng mga pangyayari, ayaw ko nang ulitin pa in the light of day. Parang hindi ko kayang gawin ‘yon.” I sounded so weak when I asked this pero nang maintindihan ko ang gusto niyang ipagawa sa akin, natakot ako. Inipit ko ang mga kamay ko sa ilalim ng hita ko para hindi niya makitang nanginginig ang mga ito.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Escape
General FictionIsang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang nagawang bitbitin ni Hannah nang tumakas siya sa bahay niya. Anim na taon matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, naisip niya na it's enough...