Hannah
Hindi ako mapakali noong iniwan ko sina Migs at Claire sa bahay. Wala akong intensyon na pakinggan ang mga pinag-uusapan nila pero pakiramdam ko papatayin ako ng curiosity ko kaya sumilip ako sa bintana. Nakita ko silang nagtatawanan tapos medyo naging seryoso yung mukha ni Claire. Pansin ko rin na medyo namumula yung mga mata niya.
Bakit siya nagpunta rito? Kukuhanin niya na ba uli si Migs? Maiintindihan ko kung ganon. Ilang taon ding sa kanya si Migs. Ilang linggo lang ako sa presensya niya pero kahit ako masasabi kong si Migs yung lalaking hindi agad malilimutan ng sinumang babae. Yung tipo ng lalaking lagi mong babalikan kapag may anim ka nang anak at walang kwentang asawa, iniisip yung mga "sana" at mukha ni Migs ang nakikita.
Wala akong planong angkinin siya. But now I realize that I do want him. I want him so much that it hurts.
Tumayo si Migs kaya naman nagmamadali akong lumayo sa bintana. Pinagmasdan ko ang mga taong nagse-celebrate at naghanap kung saan ako lulugar. Nalungkot ako nang mapansing wala akong ibang mapupuntahan.
Napansin ako ni Rica at pinaupo sa tabi. Alam kong gusto niyang magtanong pero buti na lang nanatili siyang tahimik.
Bumukas ang pinto at lumabas din yung dalawa. Nagtatawanan pa rin sila. Nang makita iyon, may naramdaman ako sa dibdib ko na kakaiba. Hindi ko masabi kung ano dahil ngayon ko lang naramdaman. Ang ganda nilang pagmasdan, pareho silang maliwanag at kumikinang. Nakakasilaw. Anong binatbat ng isang katulad ko?
Hanggang pag-uwi, iyon ang bumabagabag sa akin. Yung image nilang dalawa ni Claire at kung gaano sila kaperpekto sa isa't isa dahil alam kong hindi ko iyon maibibigay kay Migs. Perfection. Ako pa nga lang malayo na roon. He deserves more than I could offer.
Pero sinamantala ko pa rin si Migs at yung comfort na binibigay niya sa akin. Yinakap ko siya ng mahigpit habang nakasakay kami sa motor just because I can. Hindi ko masusukat ang tiwala ko sa lalaking ito. Lahat ata ng tiwalang hindi ko ibinigay sa iba ay inipon ko para lang sa kanya. Worth it naman kasi lagi niyang ipinaparamdam sa akin na ligtas ako sa kanya. Na tila kailangan dumaan muna ang buong mundo sa kanya bago ito makalapit sa akin.
I feel safe. Kung ano man ang pinag-usapan nila ni Claire, alam kong hindi ako ililigaw ni Migs. Siya na lang ang liwanag ko. Please, wala sanang kumuha nito.
❈ ❈ ❈
Bihasang bihasa ako sa takot pero wala palang tatalo sa takot na mararamdaman mo 'pag nalaman mong nakasakit ka ng taong importante sa'yo. Yung takot na iyon ay mapapalitan ng nerbiyos habang tumatagal na hindi hinaharap.
Dalawang tao mula sa nakaraan namin sa isang araw. I don't think I can handle any more emotions. Lumalampas na ako sa breaking point ko.
Kitang-kita ko yung moment na nag-register sa kanya yung pangyayari. Hindi maaalis sa isip ko yung shock na bumalot sa mukha ni Migs. Alam kong nasasalamin iyon sa mukha ko. I've spent years mastering to keep my emotions under control. Kung kailan ko ito pinakakailangan, doon ako binigo ng mga maskara ko.
Itinulak ko palayo si Rhys at lumapit kay Migs. Napatigil ako noong umiling siya.
Alam ko kung anong hitsura ng tagpong ito para sa kanya. "It's not what you think."
"Sa ngayon, walang kwenta ang iniisip ko," malamig niyang sabi. Master na master ko na ang art ng pagtatayo ng bakod sa sarili ko kaya alam na alam ko ang akto kapag nakita ko. Iyon mismo ang ginagawa ni Migs sa akin ngayon. Hindi ko inaakalang masakit pala kapag ikaw yung tinutulak palayo.
"Magpapaliwanag ako."
"Hannah, sino ba siya?" singit ni Rhys.
He's everything I'm not. At alam kong mapapasama lang siya kapag sinamahan niya ako pero I want him to be mine, ang gusto kong isagot. Pero nanahimik lang ako.
Bakas sa mata ni Migs ang sakit sa katahimikan ko. Nag-e-expect siya ng sagot. Ibubuka ko na sana ang bibig ko pero inunahan niya ako. "Wala, Pare. Hinatid ko lang siya pauwi." Naglakad siya pabalik sa motor niya.
Hinabol ko siya at pinaharap sa akin. I never beg pero iyon na halos ang ginagawa ko. "Hayaan mo naman akong magpaliwanag."
"Sige. Magpaliwanag ka."
Sinulyapan ko si Rhys. Nanatili siya sa kinatatayuan niya pero pabulong pa rin akong sumagot kay Migs. "Hindi ko siya boyfriend. Maniwala ka sa akin. He was, pero nang pumunta ako dito, inihiwalay ko na ang sarili ko sa kanya."
"Kung gano'n, bakit sa tingin niya nobyo mo pa siya?"
Kinagat ko ang labi ko. "Kasi hindi naman talaga ako nakipaghiwalay sa kanya. Hindi ko sinabi. I'm not planning on coming back kaya hindi ko na sinabi. What's the point?"
Nag-sigh siya at umiling. Naramdaman ko ring nabawasan yung tensyon niya sa paliwanag ko. Kahit papaano, naintindihan niya ako. Nakita kong gusto niya akong yakapin pero pinigilan niya. "Mapagkakatiwalaan ba kita na ayusin ito bago natin ayusin yung problema natin?"
I can't even trust myself pero tumango ako.
"Lagi kitang iniisip, at lagi akong nag-aalala sa'yo, Hannah. Gusto kitang tulungan. Hindi lang dahil sa gusto kitang protektahan kundi dahil... I... care about you. 'Wag mong kalilimutan iyon."
Pakiramdam ko hindi iyon ang gustong sabihin ni Migs. May ibang salita siyang nais bigkasin pero binabantayan niya pa rin ang sarili niya kaya ginamit niya ang next best thing. Care. 'Di ko rin siya masisisi. Marami na siyang itinaya para sa akin at anong isinusukli ko sa kanya?
Iyon din ang nararamdaman ko. At mas higit pa nga. Hindi ko masabi nang malakas. Pagkatapos ng matagal na pagbabalewala sa mga emosyon ko, alam kong hindi ako magaling sa pag-feel sa mga ito. Takot akong aminin at ipaalam ito.
Nagsuot siya ng helmet. Nakikita kong marami pa ang tanong na tumatakbo sa isip niya pero pinanatili niyang nakasara ang bibig niya.
"Anong oras ka uuwi?"
Bahagyang napangiwi ang mukha niya. "Huwag mo na akong hintayin. Baka magtagal ako sa bahay."
Ipinikit ko ang mga mata ko. Narinig ko ang makina ng motor niya. Narinig ko iyon hanggang sa mahina na lang. Pagbukas ko ng mata ko, malayo na siya.
Dahil ayaw kong makitang mawala yung pigura niya, inangat ko ang tingin ko at sinalubong ako ng kadiliman ng gabi. Maulap ang langit, walang nagpapakitang bituin. Iyon sana ang magko-comfort sa akin pagkatapos kuhanin ni Migs ang liwanag at init niya.
Tumigil na ako sa paghiling na maging ayos ang buhay ko. Alam kong hindi ako naging masaya pero ngayon lang ako na-realize kung gaano kalungkot yung mundong pinanggalingan ko. Not until the sun shined and filled me with its warmth. Kaya nga kapag iniwan ka ng araw na iyon, mas mararamdaman mo yung dilim at lamig na iniiwan nito sa kanyang paglisan.
Kung nasabi ko lang sa kanya kanina na mahal ko siya, hindi siguro ganito ang magiging reaksyon niya. I gave a bitter laugh. Natatawa ako sa sitwasyon ko. Nagkaroon lang ako ng urge at panghihinayang sa tatlong salita na iyon noong nalaman ko ang bigat nito. Noong nalaman ko yung kapangyarihan niya. Pero hindi ko gagamitin sa sitwasyong ito. Handa kong bitiwan ito pero hihintayin ko na lang ang tamang oras. Lilinisin ko muna ang mga kalat ko.
Ayokong masaktan. I just did not consider na kapag may mali akong galaw sa pag-handle sa sitwasyon namin ni Rhys, ako pa ang makakasakit kay Migs. Hindi ko gusto ang ideyang iyon. Not at all.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Escape
General FictionIsang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang nagawang bitbitin ni Hannah nang tumakas siya sa bahay niya. Anim na taon matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, naisip niya na it's enough...