Eight

7.2K 170 11
                                    

Migs

"Good morning, Doc!" bati sa akin ni Kalbo habang tinatapik ako sa balikat.

"Bakit hindi kita nakita kahapon?" sagot ko, binalik ang manly pat sa likod niya.

Lumaki ang ngiti niya. "May maganda akong balita." Pagkasabi niya ay nagkumpol-kumpol ang mga tao sa labas ng kamalig, hinihintay na sabihin ang balita niya. Nilibot niya ang tingin sa aming lahat at nang makitang halos lahat ay nasa kanya na ang atensyon, sumigaw siya. "Magiging tatay na ako!"

Nasundan iyon ng isang malakas na hiyawan mula sa aming lahat at kantiyawan ng inuman pagkatapos ng trabaho. Malugod namang tinanggap ni Kalbo lahat ng congratulations at nangakong magpapainom sa may kubo mamayang gabi. Sabik na sabik tuloy kaming nagsibalikan sa trabaho, lahat excited sa inuman. Kapag libreng alak nga naman, oh.

"Sinong may birthday, parang ang saya?"

Tumalikod ako at halos mabunggo si Hannah. Naging unsteady siya kaya on reflex, in-extend ko agad yung kamay ko at hinawakan siya sa magkabilang braso para hindi siya malaglag. "Ayos ka lang?"

Nagtama ang tingin namin tapos 'di ko na mapaliwanag ang nangyari. Parang biglang nawala sa sarili niya si Hannah, nanigas yung muscles niya sa braso at ramdam na ramdam ko iyon. Naalala ko tuloy yung nangyari sa Nymph at doon sa gagong lalaking kinukulit siya. Ganito rin ang nangyari sa kanya. Niluwagan ko ang hawak sa braso niya at kasabay no'n ay naramdaman ko ring nagiging loose ang pagiging stiff ng kalamnan niya. Dahil sa obserbasyon na iyon ay umatras ako ng kaunti mula sa kanya para bigyan siya ng space. Saka siya nagpakawala ng malalim na hininga.

Habang pinagmamasdan ko ang pagkalma niya ay sobrang bilis ng pagsusuri ko sa buong katawan niya at sa reaksyon niya. Posible kayang merong takot si Hannah sa touch? Hindi naman siguro hinggil sa kaalaman ng mga tao na normal lang ang mga phobia. Psychological ito kaya malamang ang tanging eksplanasyon lang ay may "nangyari."

"Ayos ka lang?" ulit ko nang medyo may malaking distansya na kami pero malapit pa rin just in case na mag-collapse siya at kailangang saluhin. "Kanina ka pa namumutla, sa banyo pa lang. Sigurado ka bang wala kang nararamdamang kahit anong weird?"

Sumentro ang pokus niya sa akin. "Alam mo... parang masama nga ang pakiramdam ko. Babalik na lang muna ako sa kuwarto ko. Okay lang kahit walang sweldo ngayong araw. Babalik na lang ako bukas." Bumalik siya sa pinanggalingan niya. Humawak siya sa noo niya at napansin kong umiiling siya.

Susunod dapat ako para i-check siya pero tinapik ako ni Barney sa likod. "Doc, yung kuwadra ni Shasta hindi pa nalilinis simula nung huli mong ginawa."

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa pintuang pinasukan ni Hannah at sa trabahong nag-aabang sa akin sa kamalig. Pinili ko si Shasta. Kahit naman kasi pilitin ko si Hannah na magpaliwanag, hindi niya ibababa agad-agad ang mga bakod niya. Sa dalawang may matigas na ulo, mas gugustuhin ko pa ang tigas ng ulo ni Shasta dahil alam ko kung ano ang aasahan sa kanya.

Simula noong tanghali hanggang gabi ay tinuon ko ang pansin ko sa mga gawain sa rancho. Pinatawag din ako sa clinic kaya nag-check in ako doon para tumingin ng pasyente. Pinabakunahan lang naman ito kaya hindi rin ako nagtagal. Bumalik ako sa rancho at nagtungo sa kubo kung saan nagpapainom na si Kalbo.

Pagkarating ko ay inabutan agad ako ng chaser nilang Coke dahil alam ng mga 'to na hindi ako umiinom. Umipod si Danny para bigyan ako ng espasyo sa bangko.

"Ngayon dapat manganganak si Coco kung babase sa schedule. Pero patakbo-takbo pa sa damuhan kanina," kwento niya patungkol doon sa kabayong bini-breed.

Tumango ako. "Lalaki siguro ang magiging anak. Maghintay lang tayo ng mga apat na araw at lalabas na rin 'yon."

Halos ganoon lang ang daloy ng mga usapan namin. Tungkol sa trabaho at pamilya. Nakihalubilo ako sa kanila, pansamantalang kinalimutan ang maghapong bumabagabag sa akin pero kahit na hindi ko iyon pansinin ay pilit pa rin itong sumusulpot sa isip ko.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon