Thirty-two

4.3K 148 14
                                    

Hannah

"Girlfriend ka ba niya?"

"Hindi."

"Buntis ka ba?"

"Hindi."

"Pwede bang akin ka na lang?"

Tumawa lang ako.

Oras na humiwalay sa akin si Migs, pasimple akong pinaligiran ng mga pinsan niya. Kilala ko yung dalawa dahil sila yung mga kasama ni Migs noong nagtrabaho ako sa Nymph. Si Jon-Jon at si Mak. Yung iba, medyo nagka-catch up pa ako sa pagmemorize ng mga pangalan nila.

Ang daming pinsan ni Migs. Panay lalaki. Halos lahat sila nagtatrabaho sa talyer. Pare-parehong matatangkad at nakaka-intimidate. Ang bubrusko. Nakakapagtaka tuloy kung bakit pumupunta pa si Rica sa rancho gayong napapaligiran naman pala siya ng testosterone.

Lumitaw si AJ sa tabi ko. "Tigilan niyo nga si Hannah. Maghanap kayo ng sarili niyong girlfriend. Huwag niyong agawan si Kuya."

Itatama ko sana yung assumption niya pero hindi ko na nagawa nang hilahin niya ako palayo.

"Natikman mo ba yung tilapia? Masarap iyon. Fresh. Kakakuha ko lang sa may laot kanina. Ang lalaki pa!" pagmamalaki niya.

Tumango ako. "Oo, masarap. Ang galing mong magluto. Pati yung soup mo, masarap."

She beamed at me. "Dapat lang! Ilang taon ko kayang pinag-practice-an. Mahirap pasayahin ang mga Kuya ko sa pagkain. Hindi naman marunong magsiluto."

"Buti nakakaya mong i-handle ang pamilya mo." Si AJ kasi ang nag-iisang babae sa kanilang magpipinsan.

Nagkibit-balikat siya. "Kailangan kasi tapatan mo sila sa mga ginagawa nila kundi mapag-iiwanan ka."

Just then, nagtawanan ang kumpol ng mga lalaking nakapalibot sa isang lamesita. Paglingon ko sa kanila, nakita kong nakikipagharutan si Migs sa isa sa mga pinsan niya. Pero teka, hindi naman ganoon ang suot niya kanina ah?

Napa-double take ako nang makita uli si Migs sa may gilid, nakahalukipkip at pinapanood ako. Tapos bumalik yung atensyon ko doon kay Migs na nakikipagharutan. Kinuskos ko yung mata ko at binalik ang tingin ko sa dalawang Migs. Shet, malala na ata ito. Dalawa na sila sa paningin ko.

Tinawanan ako ng Migs na nakahalukipkip.

Napansin ni AJ ang horror-struck kong mukha at ginaya ang Kuya niya. "Si Kuya Gilbert yung isa. Kahawig ni Kuya 'no?"

"May kakambal ang Kuya mo?"

"Wala. Kakambal ni Itay ang tatay nila tapos magkapatid ang mga nanay namin kaya ayan, kamukhang-kamukha halos sila. Lagi kamo silang napagkakamalang kambal. Kaya nga sanay na ako sa reaksyon mo kanina."

Dumating si Cess sa party. May kasama siyang binatang lalaki na nasa kinse anyos at isang maliit na batang babae. Mga anim na taong gulang. Pagkakita nung bata kay Migs, isinigaw niya ang pangalan nito at bumitaw kay Cess. Tumakbo siya papunta kay Migs na nag-squat at ibinuka ang mga braso niya. Nang yakapin siya nung bata ay binuhat niya ito na tila hindi siya mabigat. Narinig ko yung pag-giggle nung bata at ang matinis niyang boses nang magsalita.

Through it all, nakikinig lang si Migs at tumatawa. Minsan nakikita kong sumasagot din siya.

Sa sandaling alisin ko ang atensyon ko sa kanya, napako iyon kay Cess. Nagulat ako kasi hindi siya nakatingin doon sa batang kasama niya kundi kay Migs. Pansin na pansin ko na natulala siya sa mukha ni Migs na may malaking ngiti at hindi nagwe-waver na atensyon sa bata. Kitang-kita yung blind adoration sa mata ni Cess.

Sa bagay, tama si Rica. Nakay Migs na ang lahat. Ang hirap na hindi siya hangaan.

As if tinawag siya ng isip ko, sumulpot si Rica sa kabilang tabi ko. "Huwag mong pansinin si Cess. May crush lang 'yan kay Migs simula noong bata pa."

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon