Nine

7K 168 8
                                    

Hannah

Oras na lumabas ang pangalan ni Shasta sa bibig ni Migs, I turned around pabalik sa barn. Hell no. Kahit ba ma-promote ako sa paglilinis ng dumi ng kabayo, mas pipiliin ko 'yon kesa mag-asikaso sa kanila. Baka kung ano pang gawain sa akin ni Shasta.

"Saan ka pupunta?" sigaw ni Migs.

Nilingon ko siya. "Dine-demote ko ang sarili ko. Babalik ako sa dati kong trabaho. Bye!"

"Natatakot ka lang kasi. Napapansin ko sa'yo iyon. Sa tuwing natatakot ka, tinatakasan mo. Iyon din ba ang dahilan kung bakit ka nandito? Anong tinatakasan mo sa Maynila, Hannah?" paghahamong tanong niya.

Napatigil ako sa mga salitang binitawan niya. Gusto kong suntukin si Migs hindi dahil sa ang kulit-kulit niya pero dahil sa tama siya. Paano niya nagawang i-figure out iyon gayong binaon ko ng maigi ang parte na iyon ng buhay ko. Masyado na ba akong obvious para mabasa niya ako na tila isa akong open book?

"Ano, Hannah?" sabi niya sa likod ko. "Tatakbo ka ngayon, nakikita ko sa postura mo na wala kang nais na gawin kundi lumayo dito. Takot ka ba kay Shasta? O takot ka sa akin?"

Madali kong isinara ang distansya sa pagitan namin at tumigil sa harap niya. Alam kong sobrang lapit ko sa kanya ngayon at halos maglapat na ang dibdib namin at dapat ay nagkakaroon na ako ng panic attack sa sobrang lapit ko sa kanya pero hindi ko iyon iniisip. Tinigasan ko ang loob ko pati na rin ang titig sa kanya. "Ulitin mo nga ang sinabi mo."

Inaasahan kong magba-back down siya pero pinantayan niya ako. "Duwag ka, Hannah."

Nagkamao ako at nakahandang manuntok. Kahit ba mas malaki siya sa akin, hindi ako uurong. Gusto kong bawiin niya lahat ng sinabi niya. "Hindi mo ako kilala kaya wala kang karapatang manghusga," sabi ko through clenched teeth.

Nanlambot ang tingin niya na tila may nakita siya sa akin noong panahong iyon. At yung nakita ko sa expression niya... hindi ko maipaliwanag pero nang bitawan niya ang matigas na tingin niya sa akin, parang gusto kong umiyak. Too bad hindi ko na alam kung pa'no gawin iyon.

"Tama ka. Hindi kita kilala. Pero Hannah, kilala mo ba ang sarili mo?"

"Oo," sagot ko. "Bata pa lang ako, ito na ako. At alam mo ba, Miguel? Hindi ako duwag. Kung naging duwag man ako, 'di sana wala ako dito." Kasinungalingan. Iyan ang ipinakain ko kay Migs dahil mahirap mang aminin, tama ang sinabi niya.

Natatakot ako. Natatakot na baka mamaya magising na siya sa isa sa mga mahahabang pahinga niya-yung mga araw na nandoon siya sa sariling mundo niya at inaabot siya ng ilang linggo baka bumalik sa realidad at maalala ako. Paano kung magising siya at matagpuang wala na ako? Hahanapin niya ba ako? Oo, iyan ang sagot. Dahil hangga't buhay pa ang isa sa amin, hindi ako makakawala. Ayokong isipin na hanggang sa ganitong pagtakas na lang ako. Ayokong isipin na mahahanap niya ako dito. Nagawa niya na once, magagawa niya uli. Sana kung maisip niya mang sundan ako sa Batangas ay wala na ako dito.

Gusto ko nang kumawala sa stare down namin pero natagpuan kong mahirap pala. At naging aware ako sa lapit namin sa isa't isa. Kung hindi pa gagawa ng komosyon si Shasta mula sa malaking puno sa dulo ng rancho ay hindi pa iaalis ni Migs ang tingin niya. Nang talikuran niya ako ay nagpakawala ako ng isang napakalaking hininga. Pumikit ako at humawak sa noo ko, nakatingin sa kalangitan. Pinapakalma ko ang sarili ko sa naging episode namin ni Migs. Kahit wala akong sinabing kahit anong magku-clue in sa mga nangyayari sa akin, pakiramdam ko I revealed too much.

Nang tumayo na ako ng tuwid, nakita ko si Migs na tinatanaw ako habang hinahaplos si Shasta. Nakikita kong gumagalaw ang bibig niya kaya alam kong kinakausap niya ang kabayo.

Naiwan naman akong nakabilad sa initan, nag-iisip ng choices ko. Pwede kong panindigan ang pagbalik ko sa paglilinis ng dumi o pwede akong sumunod kay Migs at matutong mag-alaga ng kabayo. Aaminin ko na gusto ko ang huling ideya. Kapag pinapanood ko kasi ang mga trabahador na ginagawa iyon, akala ko simpleng pagpag lang ng balahibo nila, pwede na. Pero ang dami nilang ginagawa para ma-groom ang hayop at hindi ko alam kung para saan ang mga iyon.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon