Forty-four

5.1K 159 15
                                    

Hannah

“Pinuwersa ko ang sarili ko kay Migs.”

Dalawang linggo na akong pumupunta kay Janice—Dra. Janice Capua, pero sabi niya Janice ang itawag ko sa kanya—pero ewan ko ba kung bakit ngayon lang ako nagsalita. Sobrang tahimik sa kwarto at hindi ako mapakali, pakiramdam ko may ginagawa dapat ako. Noong ibinuka ko ang bibig ko, kusa na lang lumabas ang mga salita.

Ni hindi ko nga alam kung kilala niya si Migs pero tumango siya na parang kaibigan niya lang ang pinag-uusapan namin. “Why did you do it?”

Kasi iyon ang nakasanayan ng katawan ko. Hinahanap ko ito and at the same time, I despise it. But I despise myself more.

Nahihiya ako sa ginawa ko. Pakiramdam ko kasi kahit hindi pa si Migs ang kasama ko noong panahong iyon, magagawa ko rin ito sa hindi ko kilala. Hindi ko rin masabi na maswerte ako dahil si Migs ang nakasaksi ng breakdown ko. Ayokong makita niya akong nagkakaganito. Of all the people, siya ang ayaw kong makakita sa patuloy na pagkasira ko.

Bakit ko ba ginagawa ito? Hindi ko kailangan ng psychiatrist para pagpira-pirasuhin ang mga iniisip ko. Hindi na ako gagaling. Sure, naka-recover na ang katawan ko. My mind, however, ibang istorya na iyon. Kahit na wala ako sa sarili ko noong mga panahong iyon, naaalala ko pa rin ang mga nangyari. Kapag nag-iisip ako ng mga magagandang bagay, bigla-bigla kong makikita ang mukha ni Papa at ni Lando. Iyon lang ay kaya nang i-taint ang lahat ng magaganda at inosente.

Yung mga unang araw sa ospital, iyon ang pinakamahirap. Si Migs ang una kong nakita. Kailangan ko pang makasiguro na siya nga talaga ang nasa harap ko at hindi siya gawa-gawa lang ng isip ko. Gusto kong tumayo at yakapin siya pero iba ang naging reaksyon ko. Parang hindi aligned ang utak at katawan ko sa gusto nitong gawin.

Alam kong ipagpipilitan niya na tulungan akong gumaling. Kaya nga nagulat ako nang siya na mismo ang lumayo. Itutulak ko pa rin siya either way pero hindi ko napigilan ang masaktan sa ginawa niya. Kung ako pa rin yung dating ako, ipu-push ko yung feelings hanggang sa hindi ko na ito pansinin. But I seem to be feeling a lot and feeling everything at the same time. Ang gulo-gulo. I just want it to stop.

Nasusulyapan ko siya araw-araw at hindi mapigilang mainggit. Buti pa siya, kayang harapin ang bawat araw samantalang ako, naghihintay pa rin na wala nang sumunod na araw para sa akin.

Ang laki ng ipinagbago ko. Mas hirap na akong matulog. Wala na akong ganang kumain. Sobrang sensitive ng balat ko, hindi ko makayanang may humawak sa akin. Napapaigtad ako sa tuwing magsusuot ako ng damit dahil ayaw ko itong dumikit sa balat ko. Kahit na nag-improve na ang katawan ko, hindi pa rin magawang bitiwan ng utak ko ang lahat. Kung may nagtatangkang humawak sa akin, pakiramdam ko sasabog yung baga ko sa sobrang pagpigil ko sa hininga ko.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Janice sa katahimikan ko. “Hannah, unless you talk, hindi kita matutulungan.”

“Kaya mo lang naman ako tinutulungan kasi binabayaran ka ng Lolo ko.”

Sa sagot ko ay may isinulat siya sa notebook niya. Ewan ko kung anong importanteng impormasyon ang sinabi ko. “I have my reasons why I took your case. At maniwala ka sa akin, it’s not the money.”

Humalukipkip lang ako sa upuan.

“Tingin ko we should call it a day. We’ve made progress. Sana ipagpatuloy mo sa mga susunod na araw.”

Progress? Wala naman akong sinabing importante. Bahala na siya sa judgment niya. At least makakapagkulong na uli ako sa kwarto.

Noong nasa may pinto na ako ay kinuha niya muli ang aking atensyon. “Oo nga pala, tungkol sa kaso. Have you thought about it? Taking the witness stand?”

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon