Hannah
I stared him in the eye. Ayaw ko mang gawin, 'di ko maipagkakailang mahirap iwasan ang titig ni Migs kapag nahuli ka na nito. Naisip ko tuloy kung paano halos maglaway yung grupo ng mga babae sa mall kanina. Kahit ilang beses ko pang sabihin sa sarili ko na hindi siya interesting para sa akin, he is. Sa mga panahong hinuhuli niya ang mga mata ko sa tindi ng tingin niya, dito ko natatagpuan na gusto ko siyang makilala ng maigi, in ways I've never known anyone. At kung gagawin ko iyon, mananalo siya. Lahat ng laban na ginawa ko hanggang sa puntong ito ay mawawalan ng saysay.
"Kumplikado ang buhay ko, Migs. Ayaw kong masali ka pa sa kaguluhan ko," paliwanag ko sa kanya, hoping he will drop the subject. Nararamdaman ko na ang mga salita na naka-ambang sa bibig ko. Tungkol sa mga bagay na sinarili ko sa pagkahaba-habang panahon.
Pinaikot niya ang dulo ng buhok ko sa hintuturo niya. "Hindi naman kita pinipilit na magsalita agad-agad. Iiwanan na lang muna kitang masanay sa ideya na narito ako kung kailangan mo. Hindi ka naman nag-iisa sa mundo."
Napalunok ako sa bigat ng sitwasyon. Pumapasok ako sa isang hindi ko mapangalanang relasyon—counseling? Support group? Friendship?—at hindi ko alam kung maiaalis ko pa ang sarili ko sa gulong ito. My feelings are running too hot and too strong. Napakalapit ko na sa pagsasabi sa kanya ng lahat ng katotohanan, hindi ako siguradong makakayanan ko ang fallout kapag nangyari 'yon.
"Alam kong mahirap magbukas ng sarili mo para sa ibang tao. Pero, parang awa mo na Hannah. At least huwag ka na lang magsinungaling sa akin. At least magsabi ka naman ng totoo nang hindi mo ikinukubli ang nararamdaman mo sa mga mapang-asar mong kumento."
"I appreciate you trying to help. Pero ito yung isa sa mga bagay na hindi madali para sa akin."
Tumango siya bilang pagtanggap sa eksplanasyon ko. "Malay mo sa mga susunod na araw magawa nating sabihin sa isa't isa ang mga bagay na ayaw nating sabihin sa iba."
Nanahimik na lang ako. Mabuti na lang at iniwan ako ni Migs sa sarili kong isip. Nilipat niya ang channel hanggang sa tumigil sa isang tinagalog na pelikula at doon niya itinuon ang pansin niya. Ako naman ay nakatulala sa pinto, iniisip kung dapat na ba akong umalis.
Tila naririnig niya ang iniisip ko, naramdaman kong pinisil niya ang kamay na kanina pa niya hawak at napalingon ako sa kanya. Nakatingin siya sa TV pero alam kong nasa akin ang atensyon niya. "'Wag mo akong takbuhan."
Hindi ko siya sinagot pero hindi rin ako umalis sa tabi niya. Nagpaka-kumportable na lang ako sa kama niya, nakasandal sa headboard at nanood. Hindi ko masabing nami-miss kong manood ng TV dahil simula't sapul pa lang ay 'di ako nae-engganyong manood nito. Lahat kasi halos ng mga palabas tungkol sa mga naaaping babae na naghahanap ng magtatanggol sa kanila. At heto naman yung lalaki, dadating sa buhay ng babae at sisiguruhin sa kanya na makakamit rin nito ang kalayaang hinahangad niya. Nakakainis lang kasi pinupuno lang ng mga ganitong teleserye ang utak ng manonood niya ng false hopes. Sa totoong buhay, walang Prince Charming. Sometimes you have to be your own savior.
'Yun ay kung kaya mo pang iligtas ang sarili mo.
"Nakasimangot ka na naman diyan," puna ni Migs.
Inalis ko ang pagkakatulala ko sa TV at nilingon siya. "Manood ka na nga lang."
"Ano bang dapat gawin para pasayahin ka?" Sa tono ng pagtatanong niya, parang nasasaktan siya para sa akin. Kakaiba ang naramdaman ko nang maisip iyon. Kelan ba huling nagkaroon ng taong nag-aksaya ng panahon nila para isipin kung maayos ako?
"Kahit ako hindi alam ang sagot diyan." Gaya ng request kanina, sinubukan kong magsabi ng totoo sa kanya.
"Pupusta ako, mapapatawa kita ngayon." Napaangat agad ang ulo ko dahil sa mapaglarong tono ng sinabi niya. Ano naman kayang nasa isip ng lalaking ito?
![](https://img.wattpad.com/cover/11324155-288-k105619.jpg)
BINABASA MO ANG
The Sweetest Escape
Fiksi UmumIsang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang nagawang bitbitin ni Hannah nang tumakas siya sa bahay niya. Anim na taon matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, naisip niya na it's enough...