Hannah
Matatag akong tao. Alam na alam ko iyan. Marami na akong natuklasan at naranasang kadiliman sa buhay ko. Sa katunayan, hanggang ngayon ay nababalot pa rin ako ng kadiliman na iyon. At hindi ko alam kung paano ko pa hahanapin ang liwanag. Paano ko ba sisimulan? Ni isang maliit na butas ng liwanag wala akong makita, paano ko pa mahahanap iyon?
Oo, matatag akong tao. Pero may hangganan din ang pagiging malakas ng isang tao. At some point, magbe-break down ka rin at iisipin mong, "Tama na."
Iyon ang nangyayari sa akin. Akala ko matapang ako at kaya kong harapin lahat ng kasamaang darating sa buhay ko pero nang titigan na ako nito sa mata, bigla akong naduwag.
Kaya ako tumakas.
At heto ako ngayon, nakasakay sa passenger seat ni Rhys, nakaangat ang dalawang paa sa dashboard. Maaga kong ginising si Rhys dahil siya na ang huling malalapitan ko. Wala na akong mapupuntahan pang iba. And I needed to run. Fast.
Itinuon ko ang atensyon ko sa kanya. Ngayon ko lang napagmasdan si Rhys ng matagal. Gwapo siya, hindi ko maipagkakaila. Iyon ang unang napansin ko sa kanya nang unang makita sa campus namin. Sikat siya sa school dahil miyembro siya ng basketball team na ipinanlalaban sa mga interschool competitions. Cliché man ang simula namin pero hindi ako ang babaeng nakatingin sa malayo at naghihintay na lapitan ni Prince Charming. No. Dahil sa istorya, ako yung bitch na kinaiinisan ng lahat.
Kung babalikan ang kwento, parang ako pa nga ang nanligaw sa kanya. Hindi ko naman iyon gagawin pero sa puntong iyon, desperado ako. Kailangan ko kasi ng matutulugan noong araw na iyon kaya nang makita ang opportunity, nilapitan ko siya pagkatapos ng basketball practice nila at hinalikan siya sa harap ng mga kalaro niya na sila namang nagsihiyawan nang malakas. Pumunta kami sa condo niya pagkatapos noon.
"Tanggalin mo yung paa mo sa dash, babe," naiiritang sabi niya. Ganyan si Rhys. Alam kong gago siya simula pa lang. Pero tinitiis kong maging girlfriend niya dahil may mga nakukuha akong benefits sa kanya. Like a place to sleep kapag ayaw kong umuwi sa bahay. At gaya ngayon, driver para ihatid ako sa destinasyon ko.
Sinunod ko ang utos niya dahil ayaw kong tumigil kami sa kalagitnaan ng paglalakbay namin. Kailangan kong makarating sa destinasyon ko nang mabilis at walang aberya.
Tumingin ako sa labas ng bintana at hindi napigilang mamangha sa scenery. Parang lahat ng makikita mo ay kulay green at blue. Napakalawak ng mga palayan at ang lalayo ng espasyo ng mga bahay. Iba rin ang amoy ng hangin dito. Bago ang lahat sa paningin at pakiramdam. Nakaka-kalma tuloy ng kanina'y mabilis na tumitibok kong puso.
"Why am I taking you here, again?"
Ibinaling ko ang tingin ko kay Rhys. "Pinapapunta ako ni Lolo sa rancho niya. Doon daw ako magbakasyon dahil matagal niya daw akong hindi nakikita." Kasinungalingan ang lahat ng sinabi ko pero doon ako magaling. Sa pagsisinungaling. Kung may Reyna ng Kasinungalingan, walang kaduda-dudang ako iyon.
"Ngayon ko lang nalaman na may Lolo ka pa pala."
Oo, ngayon niya lang nalaman. Sa bagay, wala naman siyang gaanong alam tungkol sa akin. Kahit na boyfriend ko siya, wala akong isinisiwalat na impormasyon tungkol sa akin. At mukhang ayos lang naman ito kay Rhys. Kaya nga kami nagtagal ng isang taon dahil hindi siya nagtatanong ng kung anu-ano. Dahil sa oras na makapasok siya sa mundo ko, I'll cut him off my life. Iyon talaga ang gawain ko. People just have to deal with it.
Isa pa, hinahayaan ko naman siyang gawin lahat ng gusto niya. Ako nga ang perpektong girlfriend para sa isang lalaking katulad niya. Hinahayaan ko siyang makipag-flirt sa ibang babae, unahin ang mga kaibigan niya, basically I let him do everything. Maliban lang sa hawakan ako ng walang pahintulot. At iyon ang madalas na pinagtatalunan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Escape
General FictionIsang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang nagawang bitbitin ni Hannah nang tumakas siya sa bahay niya. Anim na taon matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, naisip niya na it's enough...
