Two

11.1K 257 9
                                    

Hannah

"Tara na, Ma. Umalis na tayo." Nanginginig ang kamay ko nang alugin si Mama para magising mula sa isa na namang pagkakahimatay. Kakauwi ko lang ng eskwelahan at ito agad ang bumulagang senaryo sa akin. Mabuti na lang at wala na si Papa kundi pati ako nasa sahig na rin siguro. Hindi na rin ako makaka-absent kundi magsisimula nang magtanong ang teacher ko.

Dahan-dahang bumangon si Mama. Kinailangan ko pa siyang alalayan para tumayo. Ganon kalala ang sitwasyon niya.

"Umalis na tayo dito," pagmamakaawa ko. Nararamdaman ko na ang luha sa gilid ng mata ko.

"Hindi pwede, anak. Kailangan tayo ng Papa mo," mahina niyang sagot.

"Bakit kasi hindi na lang natin siya iwan?" Mula sa pagpipigil ng luha, humahagulgol na ako. Ito ang lagi kong tanong sa kanya at pare-parehong tugon naman ang naririnig ko.

Hinaplos ni Mama ang buhok ko. "Dahil mahal ko siya. Mahal natin siya. At mahal niya tayo. Kailangan nating maniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig. Lagi mong tandaan iyan."

Bigla akong nagising nang makarinig ng malakas na sigaw ng mga tao sa labas ng bahay kasabay nito ang paghalinghing ng kabayo. For a while, disoriented ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Kaso bigla kong naalala ang estado ko nung huling araw na nagising ako kaya bigla akong napatayo ng kama, hawak ang leeg ko. At dahil sa bigla kong pagtayo, nahilo ako at nagkandapulupot ang paa ko saka ako sinalo ng sahig.

Nanatili na lang ako roon, nararamdaman ang sakit sa may balakang ko.

I'm safe. I'm safe. Walang nakatapat ng kutsilyo sa leeg ko. Walang nakasabunot na kamay sa buhok ko. I'm safe.

Hinintay ko munang kumalma ang puso at paghinga ko bago ako tumayo. Hinanap ko ang orasan at tinignan ito. Mag-a-alas singko ng hapon. Nakatulog ako ng tatlong oras. Isang himala, gayong ang tulog ko ay laging paputol-putol at halos dalawang oras lang ang pinakamatagal na diretso kong tulog.

Kumuha ako ng damit at makeup kit sa bag ko. Nararamdaman ko na kasing dumidikit sa katawan ang suot ko dahil sa sobrang init. Marapat lang na presentable ako kapag humarap ako sa Lolo ko.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap ang banyo. Hindi ko na maalala ang floor plan ng bahay ni Lolo pero alam kong may banyo sa dulo ng wing na ito. Oo, tama. Wing. Ganoon kalaki ang bahay na 'to, nahahati sa iba't ibang wing. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit hindi na lang niya pinalagyan ng banyo ang bawat kwarto kesa magsalu-salo ang mga tao sa iisang banyo.

Nang makita ang hinahanap ay pumasok ako at nilock ang pinto. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at napaatras. Nakatulog akong puno ng makeup ang mukha. Damn. Ang hirap pa naman tanggalin nito.

I opened the faucet and splashed water on my face. Inabot ko yung sabon at nag-concentrate sa pagtanggal ng makeup sa mukha ko. Buti na lang at may extra towel na nakasabit kaya hinila ko ito mula sa towel rail at ipinunas sa mukha ko. Sinadya kong hindi tumingin sa salamin pagkatapos kong maghilamos.

Dumiretso na rin ako ng ligo. Kahit pansamantala lang ay nakaramdam ako ng refreshing na pakiramdam. Na tila sa paglabas ng tubig sa drainer ay kasama nito ang lahat ng duming nararamdaman ko. Literally and figuratively. Kung may iisa akong activity na gustong gawin, iyon ay ang maligo. O 'di kaya magkulong sa banyo ng bahay namin dahil iyon ang pinakaligtas na parte nito.

I dried myself and went back to the mirror. Pinagmasdan ko ang mukha ko.

Kamukhang kamukha talaga ako ni Mama. Naaalala ko pa ang mga araw kung saan masigla ang mukha niya, kapag nagniningning ang mata niya sa tuwing tumatawa at ngumingiti siya, yung glow sa cheeks niya. Siguro kung hindi ito ang buhay na ibinigay sa amin, ganoon rin ang mata at pisngi ko. Ang tanging nakikita ko kasi sa salamin ay dull eyes at hollow cheeks.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon